CHAPTER 5
Moment
Czarina's POV
"Kamusta?"
Isang malamig na boses ang narinig ko habang nakaupo ako sa ilalim ng puno.
Nakatingin lang ako sa lupa at nakikita ko ang anino ng tao na nagkamusta sa akin. Pagka angat ko ng ulo ko ay nanlaki ang mga mata ko na nakita ko si...
"Sir Cyrus?" Pagkagulat ng pasabi ko syempre crush ko yan eh. Ikaw kaya na makita crush mo na kinakamusta ka? Di ba mag iisip ka kung ano dapat mong sabihin at minsan nahihiya ka pa.
"Czarina? Bakit nandito ka?" Ang cool talaga ng boses nya bakit kaya? Kung gaano ka gwapo si sir Cyrus ganoon din ka gwapo boses nya.
Opps! Kanina pa ako nakatulala sakanya baka makahalata sya na may pagtingin ako sakanya hehe crush lang. Tatayo sana ako ng biglang hinawak nya ang balikat ko para umupo ulit at umupo din sya sa tabi ko.Oh my God! Katabi ko crush ko hehe. Napatahimik nalang ako doon kasi katabi ko na sya. Ano na gagawin ko? Ano na sasabihin ko? Wala ako maisip ano sasabihin ko.
"Czarina? Is there any problem?" Sabi ni Sir Cyrus at nilapit nya ang mukha nya sa akin. Oh my gulay! Magiging lantang gulay ako sa makinis nyang mukha! Pwede kahit kunting urong lang? Baka halikan kita dyan eh.
"Czarina?" Paulit na sabi ni Sir Cyrus. Oo nga pala kanina pa ako tahimik hindi ko man lang sya sinasagot. Eh ano isasagot ko? Yes I do ? Haha joke.
"Ahm? Nothing Sir nagpapahinga lang" naku pautal kong sagot kay Sir Cyrus baka nakahalata sya. Pakitingin nga kung namumula ako? Hehe.
"Nagpapahinga ka pero malalim iniisip mo?" Pangiti ni Sir Cyrus na parang tumitingin sa akin pero hindi ko sya masyadong tinignan dahil baka maging ice cream ako na natutunaw sa kagwapuhan nya.
"Iniisip ko lang yung pagpaplano paano mahuli ang P.O.E.M lalo na yang zack na yan!" Pagtataray kong sagot kay Sir pero naalala ko pala na Leutenant nga pala sya kaya napagat ako ng daliri ko. Mag so sorry sana ako sa pagtataray ko pero inunahan na ako.
"Ayos lang yun ganoon talaga kapag may problema" pangiti nyang sagot.
Yumuko nalang ako at hindi na ako lumingon pa kay Cyrus baka Makita nya na namumula ang mga pisngi ko.
“May gusto ka ba kay Zack?” Tanong ni Cyrus.
Napalaki ang mga mata ko sa mga narinig ko mula sakanya. Bakit? Nagseselos ba sya? Hihihi pero wala akong masagot. Ano kaya isasagot ko? Na iihi na ako.
“Huh? Bakit niyo naman naitanong?” curious na pasabi ko with pa simpleng lingon lingon din kay Cyrus.
Lumingon din sya sa akin kaya lumingon nalang agad ako sa gilid at nakita ko ang sarili ko sa bintana na namumula na pisngi ko. Naku!
“Wala lang,kasi parang mag close kasi kayo kahit sya yung criminal at sya yung napapansin mong hulihin kaysa miba pang myembro ng P.O.E.M” malungkot nyang pasabi habang naka lingon pa din sya sa akin at kitang kita ko ang pagtingin nya sa akin kasi nakikita ko sa reflection ng bintanang salamin. Siguro kung nakalingon din ako magiging strawberry na ako sa sobrang pula ng mukha ko.Naku, nagseselos ba sya? Ano nanaman isasagot ko?
“Hindi po Sir ah! Naiinis lang ako kay Zack kasi hindi ko sya mahuli huli” Paliwanag ko naman kay Cyrus.
Hindi na sya lumingon ulit sa akin at nakatingin na sya sa ibang paligid at parang may iniisip.

BINABASA MO ANG
Criminal Lover
Genç KurguCRIMINAL LOVER Oo criminal ang tawag sa mga masasamang tao. Yung mga nagnanakaw, mga sindikato Walang awang pumatay ng tao at iba pang gawain. Sa tingin mo? Bakit may criminal? dahil Sa droga? Dahil ba sa masamang impluwensya sya napunta? Dahil ba s...