Chapter 8 -Miscall

248 36 23
                                    

Chapter 8

Misscall

Cyrus POV

Masarap ang usapan namin ni Czarina kaso mahiyain.Biglang may nag va vibrate ang cellphone ko pero hindi ko pinansin.

Malilim ang pinag uupuan naming sa ilalim ng puno Namumula ang mga pisngi nya at napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit nalang yung pagtitig ko sakanya ay parang panibago pa din sa akin.

Sa kabila ng usapan namin ay may tawag sya sa telepono.

"Czarina! May tawag ka sa telepono"  sigaw ni Bong sa malayo. Hawak nya ang kabilaang telepono at ang pagkain nya.

Tumayo naman si Czarina para pumunta kay Bong.Syempre napasimangot naman ako doon.

Biglang may nag vibrate sa cellphone ko.

"Ano naman? Sino naman ito? Panay vibrate" sabi ko habang dinudukot ko sa bulsa ang cellphone ko.

1 misscalll 1:32pm from UNKNOWN

"Unknown? Walang number?" Pagtataka ko.

Dinelete ko nalang at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko.

Tinignan ko nalang sa malayo si Czarina na hawak nya ang telepono at ang cute nya kaso bakit ganyan yung mukha nya parang naiinis?

Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ni Czarina kahit nasa malayo sya.

"Ano ba? Tatawag tawag ka tapos hindi ka man lang magsasalita? Ano ka ba? Pipi? Nagtawag ka pa?" Sigaw ni Czarina sa malayo. Grabe,parang dragon kung sumigaw sa telepono.

Tumawa nalang ako ng patago at para syang tigre sa ginagawa nya. Biglang may tumatawag.

KKKKRRRRRIIIINNNNNNNNNGGGGG!!!!!

Czarina calling...

"Huh? Si Czarina? Tumatawag? Pero nandoon sya sa telepono?" Sabi ko sa sarili ko na may kasamang pagpapawis ng noo ko.

Pipindutin ko sana ang Answer the call pero nawala na ang tawag. Kaya nag miscall ang number ni Czarina.

Siguro may gumagamit sa cellphone ni Czarina habang nasa telepono sya. O kaya naman nasa nanay nya ang cellphone pero bakit nya ako tatawagin? Haay..

Tinignan ko ulit si Czarina na may kausap sa kabilang linya ng telepono. Buong katawan ni Czarina ang nasisilayan ko kahit nasa malayo sya.

Biglang...

May tumatawag..

KKKKRRRRRIIIINNNNNNNNNGGGGG!!!!!

UNKNOWN calling...

huh? Sino naman ito?

Pinindot ko nalang ang Answer the call at pinakinggan ko ang magsasalita.

"Hello?" Sabi ko dahil walang unang nagsalita.

Wala pa din ako marinig ng biglang pinatay ang tawag.

"Ano kaya yun? Pinagtritripan lang ako?" Sabi ko sa sarili ko habang nababadtrip.

Tumingin naman ako ng ilang saglit kay Czarina at hindi pa sya tapos kumausap sa telepono.

Biglang...

1 message received

Pinindot ko kung sino ang nagtext sa akin. At ang nakalagay sa text...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Criminal LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon