CHAPTER 4
They’re back
Zack's POV
Matapos namin makipagkwentuhan ng mga kaibigan ko tungkol sa pag gasta ng pera ay agad naman itong napasigaw si Ezekiel na mag tsibugan na.
"Hoy! tsibugan na!" Sigaw ni Ezekiel sa kusina at binuksan ang laman ng ref.
Lumapit na din kami ni Charlie dahil gutom na din kami pero de lata lang naman ang ulam sa ref.
"Ano to? ang dami dami nating pera tapos lata lang pala ang kinakain natin?" Pag iinarte ni Charlie habang tinututok ang baril sa lata at parang totohanang babarilin nya.
"Eh hindi naman yung lata ang kakainin mo ah? Yung pagkain ang kakainin sa loob ng lata" sabi ko na may pagkapilosopong pagkakasabi.
"Ano ba guys! Ang hirap kaya lumabas at mag shopping na criminal tayo,mga engot ba kayo? Pagtyagaan nyo na ito,next time magpapabili nalang tayo sa mall ng pagkain" sambit ni Ezekiel habang kinuha nya ang lata at binuksan gamit ang can opener.
No choice talaga at de lata nga ang kakainin namin,nagsandok nalang ako ng kanin na kakasaing palang ni Charlie.
"Ano to? Bakit sunog?" Pagulat kong sigaw sa kanin
"Ayh sorry guys! Napasarap kasi ang pag pa practice ko ng pagbabaril kaya nakalimutan ko patayin agad ang sinaing hehe" Sabi ni Charlie habang nagkakamot ng ulo habang kami ni Ezekiel ay parang dragon sa init ng ulo.
"Aaaaaah! Kanin na nga lang ang pwedeng makain ng matino tapos sunog pa!" pasigaw ko kay Charlie na parang kumukulo na ang dugo ko.
Matakaw kasi ako at ang gusto ko ay mga lutong bahay.Maarte din ako sa mga pagkain pag nasobrahan sa alat o tamis pero ngayon ay parang pam pulubi ang kakainin namin kahit kami pa ang pinaka maraming pera sa lahat.
"Tama na nga yang bangayan na yan,kumain na nga lang tayo" mahinahon na sabi ni Ezekiel at hinanda na nya ang mga plato.
Bahala na nga,de lata at sunog na kanin,haay de bale na nga sinandok ko na ang sinaing at inilapag na sa mesa.Sabay sabay kaming umupo sa hapag kainan.
Masarap naman din ang de lata pero parang uling naman ang lasa ng kanin. Pero ayos na ito,gutom na talaga ako eh ng biglang tumunog ang doorbell.
"Ezekiel! Silipin mo nga yung gate" sabi ko kay Ezekiel habang binitawan ko ang kutsara ko.
"Ha? Bakit ako? Ayoko nga! Baka mga pulis yan! Baka nahanap nila ang lugar natin!" pagrereklamo ni Ezekiel habang gigil sya sa pagkakahawak ng kutsara.
"Kaya nga silipin mo nga yun kung pulis ba o pusa lang" pangangatwiran ko kay Ezekiel.
"May pusa bang nagdo doorbell?" Pasigaw ni Ezekiel na napapakunot noo pa.
"Buksan mo nalang at kapag pulis nga yun nasa labas,titirahin naman ni Sniper yun agad!" Panunumbat ko na kanina pa ako naiinis sakanya.
Nag roll the eyes nalang si Ezekiel at nagbuntong hininga. Tumayo sya mula sa pinagkainan nya at lumakad papunta ng sala na kung saan nandoon ang pinto papalabas. Dahan dahan syang lumapit sa pinto at napakagat labi sya na buksan ang pinto. Nanginginig pa talaga mga kamay nya na akala mo aswang ang nasa labas.
Agad na lang nya binuksan ang pinto at biglang tinutukan ni Charlie ng baril ang taong nasa pinto.
"Aaah! Mga walang hiya kayong bata kayo!" Pagalit na sabi ng isang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Criminal Lover
Teen FictionCRIMINAL LOVER Oo criminal ang tawag sa mga masasamang tao. Yung mga nagnanakaw, mga sindikato Walang awang pumatay ng tao at iba pang gawain. Sa tingin mo? Bakit may criminal? dahil Sa droga? Dahil ba sa masamang impluwensya sya napunta? Dahil ba s...