CHAPTER 6
That Voice
Zack’s POV
Hindi pa kami tapos kumain nun at nang matapos batuhin ni Paradox ng tinidor si Charlie ay tumayo nalang ako sa pagkakaupo ko at mag aabot sana ng ulam at dalhin kay Paradox.Baka kasi kulang pa ang kinuha nyang ulam at kanin. Oo kahit hindi kami nun close syempre mabait pa din ako sakanya sabi nga ni Uncle Winston ang magka myembro ng P.O.E.M ay dapat nagtuturingan na magkakapatid pero sila ni Charlie akala mo kung sinong Tom and Jerry.
Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto nya. Kakatok sana ako pero binuksan ko nalang ang pinto dahil bukas naman. Pagkakataon ko na din pala Makita yung mukha ni Paradox. Unti unti kong binuksan ang pinto at sinilip ang loob ng kwarto. Pero wala akong nakitang Paradox sa kwarto kaya humakbang pa ako ng kaunti. Wala pa din tao. Humakbang pa ako ulit hanggang tuluyan ko na pinasok ang kwarto ni Paradox.
“Wala naman sya dito ah?” sabi ko na kinakausap ang sarili ko.Tinawag ko nalang yung si Paradox sakaling lumabas.
“Hoy! Nandito na ang pagkain na niluto mo nasaan ka na?” Pasigaw ko pero wala pa din sumagot.Nilapag ko nalang ang mga pagkain sa desk na katabi lang ng kama nya ng may nakita akong isang diary.Syempre kinuha ko yung diary dahil curious ako pero ng pagkakuha ko ng Diary ay may nahulog na picture. Nilapag ko nalang ang diary sa desk at kinuha ang nakataob na picture. Pagkakita ko ay si Uncle Winston ang nasa larawan na may kasamang sanggol. Hindi ko kilala ang sanggol pero kitang kita ko kung paano ngumiti si Uncle Winston sa karga nyang sanggol. Minsan lang naming Makita si Uncle na ngumiti pero iba yung ngiti nya na ligaya sa sanggol. Anak ba ito ni Uncle? O ampon din tulad naming nina Ezekiel at Charlie? Sino ba itong sanggol na ito? Tinitigan ng maigi ang picture at may nakalagay na date. Oct. 11 tapos hindi ko na mabasa yung year kasi nabura na. sumakit nalangang ulo ko sa kakaisip kung sino yung sanggol nay un pero pamilyar yung mukha ng sanggol. Parang may nakita na akong ganyan din ang mukha? Sino nga yun? Haay basta!
Biglang may narinig akong boses..
“Sino ba ito? Sumagot ka nga!” boses na pamilyar sa akin.Tinignan ko ang kabilang room kung saan galing ang boses at may telepono na iniwan lang at doon nanggagaling ang boses na yun.
Hinawakan ko ang telepono at inangat sa tenga ko at pinakinggan ko.
“Hello? Sino ba ito? Panira ka talaga ng moment!” boses ulit ng kabilang linya at pamilyar ang boses nay un.Parang si… sino nga ba yun?
Si Czarina! yung Ms. Loser na pulis! Bakit tumatawag sya dito? Paano nya nalaman ang number? Oh baka naman may tumawag sa kanya?
"Hello sabi eh!" Pasigaw ni Czarina sa kabilang linya.Hm? Ano ba pwedeng gawin? Ano sasabihin ko? Haay kahit ano na lang.
"Hello Ms. Loser" boses kong nangangasar.
"Aaaaaarrrggghh! Ikaw nanaman?" boses ni Czarina na parang gigil na gigil talaga sa akin.
"Oh gigil ka na ba sa akin Ms. Loser?" sabi ko sa telepono habang nakangiti na masayang masaya sa pang aasar sa kanya
"Oo! Gigil na talaga ako kaya lumabas ka na!" Pagsisigaw ni Czarina na may kasamang panggigil na boses.Napahinto ako sa mga sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin na lumabas ako? Nalilibutan ba kami ng mga pulis?
Chineck ko yung mga bintana wala nang pulis sa labas. Haay,di ko gets sakyanin ko na nga lang.
"Talaga Ms. Loser? Gigil ka na ba sa akin? Aww grabe naman! Ganyan ba ako ka hot? Kaya gigil ka na ba sa mga abs ko?" Sabi ko with matching sexy voice pa.
"Aaaaaaarrrrggh! Lumabas ka na saan ka man! Bakit ka tumawag?" Boses ni Czarina na pagalit.
"Lalabas ako? Saan? Sa puso mo?" Sabi ko na may kasamang pag ngiti ko na
"Magseryoso ka!" Pagalit na sabi ni Czarina pero cute para sa akin.
"Okay,lalabas ako sa telepono" Pangangasar ko.
"Umayos ka sabi eh!" Mas lalong nagalit ang boses nya pero mas cute para sa akin.
"Seryoso naman ah? Nasa telepono ako ngayon kaya sa telepono ako lalabas,kaya beware dahil baka mahalikan ko mga labi mo na nakatapat sa telepono" Paghihirit ko pa sa panga-asar.
"Gggggggrrrr! Mahuhuli din kita hayop ka!" Sarkastikong sabi nya.
"Aww huhulihin mo ang puso ko? Oh pag-ibig nga naman" Sabi ko na may kasamang ngiti mula sa labi ko.
"Sira ulo!" Pagsisigaw ni Czarina sa akin kaya napalayo yung tenga ko sa telepono at pinakinggan ulit.
"Bakit ka napatawag Ms. Loser?" Pagtatanong ko kay Czarina.
"Una sa lahat,wag mo ako tatawaging Ms. Loser at Pangalawa,Ikaw kaya ang tumawag! Bigla nalang nag ring ang telepono dito! Sira ulo ka ba?" Pangtaray na boses niya pero mas tumatawa pa ako sa pagtataray nya kaso nung sinabi nya na hindi sya ang tumawag ay napaisip nga ako.
BINABASA MO ANG
Criminal Lover
Teen FictionCRIMINAL LOVER Oo criminal ang tawag sa mga masasamang tao. Yung mga nagnanakaw, mga sindikato Walang awang pumatay ng tao at iba pang gawain. Sa tingin mo? Bakit may criminal? dahil Sa droga? Dahil ba sa masamang impluwensya sya napunta? Dahil ba s...