Chapter 2- Do for Money

327 59 59
                                    

CHAPTER 2

Do for Money

Zack POV

"Woooooh!! Mission Accomplish!" Sabi ko habang nagpapahangin sa labas ng bintana ng binili kong kotse.

Hehe binili ko nga ang kotse,sinungaling yung babaeng pulis na yun nu! Hindi ko ito ninakaw. Binili ko talaga itong kotse na ito. Ang ninakaw ko ay ang pera para maka bili ng kotse. Oh diba? Binili ko ang kotse,ang ninakaw ko ay pera para makabili ng kotse.

"Pre,tama na nga yang pagpapahangin dyan sa labas,baka makita ka pa ng mga pulis" sabi ni Ezekiel A.K.A Matrix.

Oo isa sya sa grupo ng POEM. Ginagampanan nya ang mag hack ng system ng mga bangko para makuha ang mga account at makuha ang mga pera. Kaya nga nakulong sya eh at ngayon pinalaya ko siya.

"Ang dali mo naman palayain pre,magpanggap lang naman na maging hepe at ayon! Nakalaya kana! Walang kahirap hirap!" Sabi ko habang umupo na ako sa upuan at sinara na ang bintana ng kotse.

"Malamang,ikaw si Orthodox eh,magaling ka dyan sa pagba balat kayo" pa ngiti ni Ezekiel habang nagda drive.

"Bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba ngayon pre?" pangungutya ko sakanya na may kasamang pang asar na ngiti.

"Utot mo! " pa ngiti ni Ezekiel at binatukan pa ako.

"Bakit hindi kanalang mag thank you sa akin at sabihin mong magaling ako?" Pa ngiti ko kay Ezekiel na parang nagmamayabang lang naman ako.

Oo nga pala,nakalimutan ko magpakilala sa inyo. Zack Lopez nga pala A.K.A Orthodox. Isa ako sa grupong P.O.E.M . Isa ako sa magagaling na magbalat kayo at pinakamalakas sa grupo. Saka ko nalang ipapakilala ang mga iba ko pang kasama. Makikilala nyo din sila sa ibang chapter basta keep reading lang.

Looks ko ba? Simple lang ako pero may dating sa mga babae maliban sa babaeng pulis na yun na si Ms. Loser. Haha! Ang weak nya eh kasi hindi nya ako mahuli huli at para syang tigre talaga kapag pumalpak sila.

Nga pala,maganda ba kotse namin? Black car at ang kintab nito,pang sports car syempre dapat ang bibilhin ko. Yung pera na pambili ng kotse? Kay Ezekiel galing yun dahil hinack nya ang account ng isang kilalang CEO ng company. Ayon, instant branded car! Pero nakulong si Ezekiel kaya nagplano kami ng grupo na palayain si Ezekiel.

"Pre,kailan ka ulit makakahakot ng pera?" Patanong ko kay Ezekiel habang tinataas ko ang dalawang paa front seat.

"Kapag may na research akong ulit na mayaman" pangiti ni Ezekiel habang nagmamanobela.

"Nice one! Sabi kasi ni Equinox kailangan na nya daw ng pambili ng branded na pang sniper na baril" sabi ko kay Ezekiel habang kinuha ko naman ang isang case sa likod.

Pinindot ko ang bawat pindutan ng case para mabuo ang password. At ayon,bumukas ang case at nakadungaw sa harap ko ang limpak limpak nakahilerang pera. Pinagbibilang ko ang mga malulutong na pera at pinag aamoy ko pa.

"Yes! Makakabili na ako ulit ng sports car!" Sabi ko habang pinagtatapon ko ang pera sa sobrang tuwa ko.

"Uy pre! Wag mo naman itapon! Pinaghirapan ko yan eh" pagalit ni  Ezekiel habang sinasalo nya ang mga pera na tinatapon ko.

Masaya ako eh ano magagawa nyo? Ayon! Tinapon ko pa lalo ang mga pera at nagmukhang umuulan ng pera sa kotse. Makakabili na ako ng gamot ni inay! At mapapa chemotheraphy ko ulit sya sa cancer! Bibilhan ko sya ng wheel chair! Isasama ko sya London at

"Pre! Tama na yan! Iligpit mo na nga yan! Baka mawala ang mga pera at baka hindi mo mapagamot mama mo!" Sabi ni Ezekiel at napahinto ako sa sinabi nya.

Ayon,natakot ako mawala ang mga pera kaya niligpit ko ang mga pera at inilagay sa case. Baka hindi ko mapagaling si inay.

Pagkaligpit ko ng pera sa case ay nag gagarahe na pala sa Ezekiel.

"Nandito na tayo,tapusin mo na yan iligpit" sabi ni Ezekiel at pinatay na nya ang engine ng kotse saka bumaba.

Bumaba na din ako dala dala ang case ng pera na ninakaw namin. Pagkapasok namin sa malaking bahay namin ay agad sumalubong sa amin na bala ng baril na muntikan na kami matamaan.

"Sira ulo ka Equinox! Bakit sa pinto pa ang pinag tatarget mong barilin ng baril mo!" Pasigaw ni Ezekiel sa kanya habang kunot ang mga noo nya.

"Ano ba naman guys? Hindi pa kayo nasanay? Expert Sniper naman ako eh" relax na pananalita ni Equinox.

Oo sya si Equinox pero bansag nya lang nya yan tulad sa amin. Charlie ang totoong pangalan ni Equinox at ginagampanan nya ang pagiging Sniper sa aming grupo. Mahusay sya humawak ng baril at asintado nya ang matatamaan nya. Ganyan kalinaw ang mata nya at iniingatan nya mata nya. Tulad namin ni Ezekiel,gwapo din si Equinox at maputi. Tinawag syang Equinox dahil nababalanse nya ang pag hawak ng baril kahit malakas ang hangin. Kaya ang bala ng baril nya ay sapul talaga na diretso.

Kalamitang kalabasa kinakain nya para mapanatiling malinaw ang mga mata nya. Maliban sa baril ay gumagamit sya ng pana at anumang sandata.

"Oh? Asaan na ang pera? Luma na itong Sniper gun ko eh at saka gusto ko bumili ng Shot gun" pasabi ni Charlie A.K.A Equinox.

"Na sa akin tol" sabi ko habang binubuksan ang case ng pera.

Sabay sabay kaming pangiti na makita ang pera at nagsipag hawak ito.

"Oops hatian tayo tol,grupo ito eh" sabi ni Ezekiel na humahawak din sa pera.

"Ano ang mga bibilhin nyo tol?" Sabi ni Equinox habang pinupunasan nya ang baril nya.

Napatingin muna ako kay Ezekiel para sya ang unang sumagot. No choice kaya sya ang nagsalita una.

"Wag nyo na nga ako titigan pre, Laptop gusto kong bilhin yung pang gaming! At para maka hack pa ako ng mga big time na mayayaman!"  Pangiting sagot ni Ezekiel sa amin.

Matapos masagot ni Ezekiel ang tanong,sa akin naman napatingin ang dalawa.

"Haay,oo na ! Sa chemotheraphy ng nanay ko ulit tapos bibilhan ko sya ng wheel chair at pupunta kami sa malaking ferris wheel ng London! Pangarap kasi yun ni inay" sabi ko habang kinuha ko ang wallet ko na may picture ni inay.

"Ang sweet naman ng anak!" pangangasar ni Charlie at pabirong tinutukan ako ng baril with sound effects na Bang!

"Tama na nga yan,kumain na nga tayo nagugutom na ako eh" sabi ko kay Charlie at kinuha ko ang baril nya sabay hampas sa kanya.

"Hoy!  tsibugan na!" Sigaw ni Ezekiel sa kusina at binuksan ang laman ng ref.

 

Criminal LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon