Joseph's POV
"Cap."
Napalinga ako sa tumawag sa 'king si Lieutenant Gazpar.
"May nailigtas kaming ibang mga tao. Mga doktor din sila galing sa ibang probinsya pero napa-destino rin sila rito sa San Ignacio. Galing sila sa ibang mga barangay nitong San Ignacio." Paliwanag niya nang makalapit siya sa 'kin.
"Nasa'n sila?" Tanong ko.
Tumingin siya labas ng tent namin at muling tumingin sa 'kin. Mukhang nag-aalinlangan pa siyang sabihin sa 'kin ang nangyayari.
"Lieutenant, what happened?" I asked nervously.
He sighed. "N-Nasa labas sila. N-Ni-r-revive nila si...A-Alvarez, Cap."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano?!"
Kaagad akong lumabas nang sabihin niya 'yon. Sinundan naman niya 'ko agad.
Paglabas ko ay nadatnan kong umiiyak 'yong lalaking doktor na sinusubukang i-revive si Alvarez, na nakalupagi naman sa sahig.
Doon pa lang, bumagsak na ang balikat ko.
May iba pang nakapalibot sa kanila at nanatiling nakatingin lang sa mga ito.
Nakita ko rin si Jess na nakaupo sa gilid ni Alvarez. Nakita kong pinaltan niya ng isang itim na laso ang kulay dilaw na laso na nakatali sa may pulso nito. Pagkabuhol niya ro'n ay kaagad na siyang tumayo at hinayaang i-revive no'ng lalaking doktor si Alvarez.
Wala na itong buhay pero pinipilit pa rin itong buhayin ng doktor, at hinahayaan lang nila Jess 'yon.
"P-Pakiusap, 'w-wag kang mamatay! Ano ba?! G-Gumising ka riyan!" Sigaw no'ng lalaking doktor habang umiiyak.
Umiwas ng tingin sa kanila si Jess at pasimpleng pinunasan ang mga luha niya.
Hinawakan sa balikat ni Daniel 'yong lalaking doktor upang patigilin na ito sa ginagawa niya.
"Tama na, wala na siya." Pag-awat ni Daniel dito.
Doon na lalong naiyak 'yong lalaki at tumigil na sa pag-revive kay Alvarez.
Lumapit na rin ako sa kanila at nabaling ang atensyon nila sa 'kin. Umupo ako sa may tabi ni Alvarez at pinakatitigan ang mukha niya.
May isa na namang nabawas sa 'min.
Pinigilan ko ang sarili kong maluha sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.
"Your death will never go to waste, Alvarez. Pangako ko 'yan sa 'yo." Bulong ko.
Umupo rin sa kabilang gilid si Gazpar. Sumaludo ako kay Alvarez at gano'n din ang ginawa ni Gazpar.
As I stood up, my eyes landed on Jess, but I look away immediately.
Naglakad ako pabalik ng tent namin. Si Jess naman ay hindi ko namalayang sinundan pala 'ko rito sa loob.
"Nauubusan na tayo ng oras. Nauubusan na rin ako ng mga tauhan." Sambit ko pagkapasok niya.
She didn't say anything. She just suddenly hugged me.
Sa yakap na 'yon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. My tears fell one after the other
Nahihirapan ako lalo habang tumatagal. Pabawas na kami nang pabawas. Hindi ko pwedeng hayaang maubos na lang kami nang wala man lang kaming nagagawa.
Na wala man lang akong nagagawa.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)
RomanceSelf-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the world. She's like a miracle living inside a person's body. She can make a miracle out of an almost-de...