Jess' POV
"Ngayon, unti-unti kang humarap." Utos sa 'kin no'ng boses ng lalaki.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tatakbo na lang ba ako at tatakasan ang lalaking 'to o sundin na lang siya kasi baka barilin lang niya 'ko kapag tumakbo ako.
"Ikaw, kailangan mong mabuhay. Magliligtas ka pa ng maraming buhay. Hindi ka pa pwedeng mamatay ngayon hangga't hindi mo pa nagagawa ang misyon mo rito."
Tama, kailangan kong mabuhay. Hindi, hindi pa 'to rito matatapos. Kakasimula ko lang, hindi pwede.
Sa huli ay sinunod ko ang gusto niya. Marahan akong humarap sa kaniya at doon ay nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa 'kin at nakasuot ng pansundalong damit.
Sandali, pansundalong damit?!
"S-Sundalo ka?!" Gulat na sigaw ko sa kaniya.
Looking at him right now, his skin tone is a little dark. Hindi ko alam kung maputi lang talaga 'ko o sadyang moreno lang talaga siya. Magandang example 'yong tall, dark, and handsome sa kaniya, since gwapo at matangkad din naman siya, siguro mga 5'8. Clean cut ang buhok niya na bumagay sa kaniya.
Wait, why am I even describing his physiques?! I'm not here for that! This guy got into my nerves!
'Yong ngiti niya sa labi ay hindi nawala at bahagyang tumango bilang sagot sa tanong ko sa kaniya.
Sa inis ko ay nasampal ko siya sa pisngi niya nang napakalakas dahilan para magulat siya at mapahawak sa kaliwang pisngi niya na sinampal ko.
"Ganiyan ka ba bumati, miss?" Gulat na tanong niya sa 'kin.
"Bagay lang 'yan sa 'yo! Halos mamatay na 'ko sa takot! Akala ko mamamatay na 'ko tapos nagawa mo pa 'kong biruin nang gano'n?! Siraulo ka ba?! I was fvcking scared! Tapos tatawanan mo lang ako ngayon?! I thought I'm gonna die!" Hingal na hingal ako pagkatapos ko magsalita dahil sa galit.
Sa galit ko ay napaghahampas ko pa siya sa balikat niya, at kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko.
I was so scared. I really thought I was going to die today. I really thought I'm not going to see Daniel again.
"Wait!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa paghampas ko sa kaniya. "A-Are you crying?"
I glared at him while my tears are still flowing down my cheeks. Nagtanong pa talaga siya niyan.
He sighed, and I can see he's feeling guilty of what he did. Well, he should be!
"Okay. I'm sorry... miss. I was just messing around, I didn't know na... matatakot ka talaga."
His voice is more gentle now. Na parang sinasabi sa 'kin na nagsisisi talaga siya sa ginawa niya.
Inis ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya saka pinunasan ang mga luha ko.
"Well, you should know that I'm not used to this—" I sighed. "I can't die today, okay? And that... what you did really scared me. Hindi mo dapat pinag-t-trip-an ang kung sino man just because you think it's funny to you. It might seem like it's just a prank to you, but not to me. I need to survive today. At 'yong ginawa mo, I almost thought na nawalan na agad ng kwenta ang pagpunta ko rito kasi mamamatay na agad ako even before I do my misson here! It scared me to death, you should know that."
BINABASA MO ANG
A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)
RomanceSelf-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the world. She's like a miracle living inside a person's body. She can make a miracle out of an almost-de...