Epilogue

2.5K 27 3
                                    

Third Person's POV

2 years after

October 7, 2021

Jess smiled as she peered out the hospital's large glass window as she sat on her wheelchair.

Tanaw ang buong kapaligiran mula rito.

"Nandito ka lang pala." Napalingon si Jess sa nagsalitang si Daniel. "Kanina pa kita hinahanap saka nila Tita at Tito. What are you even doing here?"

She smiled at her best friend. "Gusto ko lang makita ang buong paligid...one last time."

Nalungkot bigla ang mukha ni Daniel sa narinig niya sa kaniyang matalik na kaibigan.

Her appearance has changed significantly over the past two years. She has already lost a lot of weight. Jess has become nothing more but skin and bones, and her pale and dry lips, that used to have a natural redness, are cracking. Her eyes were almost sulken because of how thin her face is.

Dalawang taon nang lumalaban sa sakit na acute leukemia si Jess. Simula nang ma-diagnose siya ay patuloy siyang lumalaban dahil 'yon ang huling kahilingan ng asawa niyang si Joseph bago ito mamatay.

Kahit nangungulila sa asawa at kahit pa gaano na niya kagustong makasama na ito ay pinilit niya ang sariling lumaban para mabuhay. Ipinagpatuloy niya ang buhay niya kahit pa mahirap para sa pangako niya sa kaniyang asawa. Gusto niyang sa muli nilang pagkikita nito ay masaya ito dahil tinupad niya ang pangako niya kagaya ng pagtupad nito na pakakasalan muna siya nito bago ito mamatay.

Muling tumingin si Jess sa labas na hindi natatanggal ang matamis na ngiti sa labi niya. Na para bang kahit alam na niya ang kahihinatnan niya ay masaya siya. Wala siyang pinagsisisihan sa naging buhay niya matapos mamatay ng kaniyang asawa.

"Alam mo bang 2nd death anniversary ni Joseph bukas?" Mahinang tanong ni Jess kay Daniel kasabay ng pag-ngiti nito. "October 8, 2019. I'll be with him...on that day also, but two years apart."

Napatingin sa kaniya si Daniel dahil sa sinabi nito.

"I know. Do you want to visit him tomorrow?" He asked, ignoring what Jess said.

Umiling lang si Jess. "Hindi na, magkikita na rin naman kami e."

Nawalan ng sasabihin si Daniel dahil sa narinig.

Matagal na nilang alam na malapit nang bumigay ang katawan ni Jess. Pinaghanda na sila noon pa ng doktor. Inihanda na nila ang kanilang kalooban kung sakali mang tuluyan na silang iwan ni Jess at sumama sa asawa nitong matagal na niyang gustong makasama.

Alam nila kung gaano na nangungulila si Jess kay Joseph kaya kung sasama na ito sa asawa ay wala na silang magagawa. Nagawa na niyang lumaban ng dalawang taon sa sakit niya. Kalabisan na kung hihilingin pa nilang lumaban pa ito kahit alam naman nilang nahihirapan na rin si Jess. Kahit masakit ay gugustuhin pa nilang gano'n ang mangyari kaysa ang makita nilang maghirap pa ito.

"Nararamdaman kong malapit na kaming magkita ng asawa ko." She muttered in a soft voice.

Tumulo ang mga luha ni Jess. It was tears of joy. Sa wakas, after 2 years, they'll be together again.

"Malapit na 'ko, Joseph. Hintayin mo 'ko, magkakasama na ulit tayo." Bulong niya sa hangin.

Si Daniel naman ay kaagad na pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. Huminga siya nang malalim bago pumunta sa likuran ng wheel chair ni Jess.

"Let's go back to your room, Jess. Baka kung mapa'no ka pa rito." Ani nito.

Tumango naman si Jess habang nakangiti.

A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon