Chapter 5

2K 32 4
                                    

Jess' POV

"Hindi ba siya titigil kakatingin sa 'kin at kaka-kindat?" Inis na bulong ko sa sarili ko.

Nakasakay kami ngayon sa isang sasakyan upang pumunta sa kabilang baryo nitong San Ignacio. Marami raw sugatan na sundalo ngayon doon kaya naman sinundo kami ni Daniel ng limang sundalo, na kasamahan ni Joseph.

Wala si Joseph. Hindi raw siya sumama at nag-hintay na lamang doon sa Matangay, 'yong baryong gustong bawiin ng gobyerno mula sa mga terorista.

At kanina pa 'ko nababastusan at naiinis sa isang sundalong kaharap namin ni Daniel dito sa sasakyan. Kanina pa niya 'ko tinitingnan at kinikindatan e. Isa pa, sasampalin ko na talaga 'to.

"Jess." Napatingin ako sa katabi kong si Daniel nang tawagin niya 'ko. "Are you okay? You look uncomfy."

"Actually, no. Kanina pa 'ko—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumigil na 'yong sinasakyan namin.

My eyes were stucked by the surroundings. At first, I was unable to move my body because of what I'm seeing. Sira-sira na ang mga istraktura rito. Halatang ilang beses na 'tong pinagganapan ng giyera. It's so painful to look at.

There're so many painful stories that're hiding in this place. Stories that I never want to know or read about. It will pain me for the rest of my life, in which I don't want to happen.

Unang bumaba 'yong limang sundalo na sumundo sa 'min bago si Daniel.

Tutulungan sana akong makababa ni Daniel nang makababa na siya nang dumating naman si Joseph na tumatakbo palapit sa 'min.

"Doc. Guillermo, mabuti nakarating kayo agad. Nando'n 'yong mga kasamahan naming sugatan." Sambit niya nang makalapit siya kay Daniel.

Nginitian naman siya ni Daniel. "Okay, I'll go now."

Umuna na si Daniel bitbit ang gamit namin panggamot. Bigla ko namang naalala na hindi pa nga pala 'ko nakakababa at masyadong mataas 'tong sinakyan namin.

"Ahh, hello? Hindi niyo man lang ba 'ko tutulungang bumaba muna?" Pagpaparinig ko sa kanila.

Nakangiti namang nilingon ako ni Joseph at inilahad ang kamay niya sa 'kin.

"Ako na ang tutulong sa 'yo, Doc. Beautiful." He looked at me intently which made me blush a little. "Surgeon ka pala."

"May pangalan ako. It's Jess, Jessica Sanders. Hindi ba sinabi ko na sa 'yong 'wag mo 'kong tatawagin sa ganiyan?" Mataray na tugon ko bago hinawakan ang kamay niya para makababa ako.

"Hindi ba ang sabi mo ay 'wag kitang tawagin na Ms. Beautiful? Kaya Doc. Beautiful na lang, it's suits you, since you're...beautiful."

Pabulong na lang ang ginawa niya ro'n sa huling salitang sinabi niya.

I was about to answer nang mapatili ako nang sumabit ang paa ko kaya naman na-out of balance ako at nahulog, pero mabilis akong nahawakan ni Joseph at nahigit para hindi tuluyang mahulog at matumba sa lupa.

Nang tuluyan akong makatakap sa lupa ay napatingin ako kay Joseph na sobrang lapit ng mukha sa mukha ko.

Nakarinig ako ng mga tuksuhan sa mga kasama niyang sundalo kaya naman bahagya ko siyang naitulak palayo.

"Wow. Thank you ah." He said in a sarcastic tone. "Alam mo, Doc.? For a surgeon like you, kakaiba ka bumati at magpasalamat ah." He teased.

I faked a smile. "Alam mo, Cap? For a soldier like you, kakaiba ka manantsing!"

He scoffs. "Tyansing? I was just helping you. Kung hindi kita sinalo kanina, baka nasa lupa ka ngayon at nagasgasan 'yang maganda mong mukha...Doc. Beautiful."

A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon