Chapter 16

1.3K 21 0
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains or mentioned r*pe, h*rassment, vi*lence, de*th, kidnapping, s*icide, and strong language that some readers might find distressing and traumatizing. Read at your own risks.

--

Jess' POV

I slowly opened my eyes but my vision was still blurry, so I closed my eyes again for a moment and opened them again.

I looked around even though I was still a little dizzy because of the chloroform. I figured it was a chloroform. I was familiar with that.

"Gising ka na."

I saw Klara standing in a corner of the dark room where I was now.

She slowly approached me and now I could see her serious face more.

"Kumusta ang tulog mo, Doc. Miracle? Maayos ba?" Tanong niya.

I glared at her. "Traydor ka, Klara! Isa kang traydor! Paano mo 'to nagawa? Paano mo kami nagawang lokohin?!"

Umupo siya sa harapan ko para magkatapatan kaming dalawa. Noon ko lang din napansin na nakalupagi ako sa sahig habang nakatali ang dalawa kong mga paa at mga kamay.

"Ginagawa lang namin 'to para mabago ang takbo ng bansa natin mula sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno." Aniya saka hinawakan ang pisngi ko nang mahigpit. "Dapat nga matuwa ka pa sa 'kin dahil gusto ko lang mapabuti itong Pilipinas, na hindi mangyayari kung mananatili sa pwesto nila ang mga opisyal na siyang nagpapahirap sa bansang 'to."

I broke free from her grip on my cheeks.

"At ano'ng gagawin niyo? Aangkinin ninyo ang Pilipinas at kayo ang uupo sa pwesto? Nagpapatawa ka ba, Klara?" I scoff. "Sa ginagawa niyo, wala na rin kayong ipinagkaiba sa mga pulitikong nagpapahirap sa taong bayan! Wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila. Ikaw ang siyang nagpalubog sa sarili mong bayan. Ikaw at ang grupo mo ang nagsimula ng kaguluhan sa San Ignacio. Walang ibang dapat sisisihin dito, kundi kayo mismo!" I exclaimed.

The anger on her face was obvious.

Inis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumayo sa 'kin.

"May ipapakilala nga pala ako sa 'yo." Ngumisi siya kaya naman napakunot ang noo ko. "Siya ang taong matagal mo nang gustong malaman kung sino."

Mula sa silid kung nasaan ako ay may isang armadong lalaki ang pumasok higit ang isang matandang babae na kung titingnan ay mga nasa 50's na. Umiiyak ito lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Patulak itong inilapit sa 'kin no'ng lalaki. Mabuti na lang at maagap ko siyang nasalo gamit ang nakatali kong mga kamay.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko ro'n sa matanda.

Tumango siya habang patuloy na umiiyak.

"A-Ayos lang ako...a-anak ko."

I let go of her and eyes widened when I heard the last thing she said.

Anak?

"Siya ang nanay mo. Matagal na siyang nasa amin simula nang muli namin siyang mahuli." Napatingin ako sa nagsalitang si Klara. "Magpasalamat ka sa 'kin kasi pinag-reunion pa namin kayong mag-ina."

That caught me off guard.

What?! No, this can't be. No.

I looked at the old lady again when she held my hands.

"P-Patawarin mo 'ko, a-anak ko. Patawarin mo 'ko kung n-nagawa kong iwanan ka a-at ipamigay sa iba." She said, crying.

That's when I burst into tears.

A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon