Jess' POV
"Am I going to die?"
Napatingin ako sa batang lalaking nasa harapan ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. At doon pa lang, alam ko nang natatakot siya.
I gave him a gentle smile to make him feel at ease.
"Bryan, right?" I asked.
Tumango naman siya sa tanong ko.
"Do you know what people call me?"
He didn't answer at all. Tinitigan lang niya 'ko at mukhang clueless siya sa tanong ko.
"They call me Doc. Miracle. Do you know why?"
"W-Why?"
Bahagya kong ginulo ang buhok niya.
"Because I can make a miracle out of an almost dead patient. I am one of the best surgeons in the world. And all of my operations were a success." Pinindot ko nang mahina ang ilong niya. "Now, do you believe in miracle?"
Ngumiti siya nang malawak. "Yes, Doc. Miracle!"
Napatawa ako sa itinawag niya sa 'kin.
Kahit palaging 'yon ang tawag sa 'kin ng mga pasyente ko at ang ilan sa mga katrabaho ko rito sa ospital, natatawa pa rin talaga ako 'pag naririnig ko 'yon sa kanila. But at least nakakadagdag 'yon sa self-confidence ko.
Humble pa rin naman ako. Lumilingon pa rin naman ako sa pinanggalingan ko. Syempre, sa parents ko. Pinalaki nila 'ko at pinag-aral sa isang magarang medical school sa New Zealand. Minahal nila 'ko na parang totoo nila 'kong anak.
Yeah, they're not my real parents. Ampon lang nila 'ko. Hindi kasi sila nabigyan ng tiyansa na magkaroon ng anak, and luckily I came.
Iniwan lang daw ako noon sa harapan ng ospital, na pagmamay-ari nila. Galit ako sa totoo kong mga magulang, pero kahit papa'no ay nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanila dahil sa narating ko ngayon.
I am one of the best surgeons now. I wouldn't be here if were not because of them.
Kapag nakita ko sila, ipapamukha ko sa kanila kung sino na 'yong sanggol na iniwan lang nila sa harapan ng ospital na parang isang kuting lang.
But I guess, I just have to move on. I am now 29 years old. 29 years na 'yong nakakalipas at panigurado namang nakalimutan na nila 'ko.
Gusto ko lang din naman silang makilala para kahit pa'no ay masagot ang ilan sa mga katanungan ko. Sa mga katanungan ko tungkol sa pagkatao ko.
"Hey, Jess! Are you okay?"
Nagising ako sa reyalidad nang pumitik sa may mismong mukha ko si Bea, ang assistant nurse ko.
Gano'n na kami ka-close kaya hindi na 'ko nagpapatawag pa sa kaniya ng Doc.
"Y-Yeah." Maikling tugon ko kalakip ng isang maliit na ngiti.
"We're starting the operation." Pagpapaalala niya sa 'kin.
And with that, isinuot ko na ang mga dapat kong isuot para sa isasagawa naming operasyon.
Matapos kong maisuot ang mask ay bumulong ako sa isipan ko.
One day, someone will die in my hands. But not today.
Matapos ang mahigit dalawang oras na operasyon ay natapos na rin.
Napangiti ako nang tuluyan ko nang matanggal ang suot kong gloves at mask.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)
Roman d'amourSelf-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the world. She's like a miracle living inside a person's body. She can make a miracle out of an almost-de...