TRIGGER WARNING: This chapter contains or mentioned r*pe, violence, g*nshots, explosions, and strong language. This chapter is disturbing and might be distressing or traumatizing to some readers. Read at your own risks.
--
Jess' POV
Nagulat ako nang paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Joseph na nakasandal sa may dingding sa labas ng banyo. Napatigil ako sa pagpapatuyo ko ng buhok ko dahil sa gulat sa kaniya.
"What are you doing here? Kanina ka pa ba naghihintay riyan?"
He gave me his genuine smile. "Hmm? Medyo, but don't worry, it was worth the wait since nakita na kita."
"You're waiting for me outside the bathroom like a creep." I stated.
"Well, good evening to you too, Doc. Beautiful." Sarkastik na bati niya sa 'kin. "I'm not a creep. 'Wag kang mag-alala, I didn't take a peek. Hindi kapani-paniwala but I'm a gentleman. I don't do that. I respect women."
"Really?"
"Really."
Kumunot naman ang noo ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko upang kunin doon ang suklay ko. Nang makuha ko 'yon ay muli na 'kong humarap sa pintuan ng kwarto ko palabas pero nagulat na naman ako dahil nando'n siya ulit.
"You said you're not being a creep but here you are proving it by following me around. Alam mo? Kung hindi lang kita kilala, baka matakot na 'ko dahil diyan sa inaasta mo." Hindi siya umimik sa sinabi ko at nanatiling nakangiti lang sa 'kin. "Isama mo pa 'yang creepy mong ngiti."
He chuckled. "Itong ngiting 'to, madami nang napangiti 'to, 'no? And you're just going to call it creepy?"
"Yabang." Bulong ko. "What do you want? Bakit ka nandito?" Tiningnan ko siya habang sinusuklay ko ang basa kong buhok. "If you're going to ask if Lieutenant Gazpar is already okay, yes is my answer, Captain."
"Hindi naman siya ang ipinunta ko rito kundi ikaw." Mabilis niyang sagot.
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "What do you want? Nasugatan ka? Nabaril ka? O malapit ka nang mamatay?"
He chuckled again. "Ganiyan ka ba talaga makipag-usap?"
"Hindi, sa 'yo lang." I quickly answered.
Nauubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to. Kung bakit naman kasi pinapasok 'to ni Daniel dito e.
"Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin, Cap?" Inis na tanong ko. "If you're not injured nor dying, leave."
Nabigla ako nang kunin niya ang kamay ko at inilagay roon ang isang radyo na ginagamit nilang mga sundalo.
"Masyadong delikado ang San Ignacio para sa 'yo kaya sa tingin ko ay kakailanganin mo 'yan." Aniya. "Tawagan mo lang ako gamit 'yan kapag nasa panganib ka, dadating agad ako."
Hindi ko inaasahang bibigyan niya 'ko ng ganito. Gano'n ba siya nag-alala sa 'kin kahapon kaya binigyan niya 'ko ng ganito ngayon?
Huminga siya nang malalim saka ako muling nginitian. "Well, sabi mo nga, hindi pa naman ako injured at hindi pa rin mamamatay, kaya aalis na 'ko. See you, Doc. Beautiful."
Sinabi niya rin kinumusta lang din daw niya si Lieutenant Gazpar at ibinigay niya lang daw 'to sa 'kin kaya siya sumadya rito ngayong gabi. Babalik na rin daw siya agad sa pwesto niya.
"Joseph." Tawag ko na ikinalingon naman niya agad. "Uhm...t-thank you...for this." Pagtukoy ko sa radyong ibinigay niya sa 'kin. "Sana lang hindi ko 'to magamit."
BINABASA MO ANG
A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)
RomanceSelf-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the world. She's like a miracle living inside a person's body. She can make a miracle out of an almost-de...