Isa akong makasalanan at aminado ako dun. Lahat naman siguro tayo.But I was chosen and I'm grateful for that.
Isa lang naman akong simpleng tao na sinubok ng maraming problema. Nadapa, sinubok ang pananampalataya, nagdusa pero kumapit parin kay God.
Iba ang pagmamahal n'ya at proud akong sabihin na masaya sa piling ng ating Panginoon.
Pero syempre habang nabubuhay tayo ay patuloy tayong susubukin ng maraming problema. Pero ang mahalaga dun ay hindi tayo magpadala sa tukso. Wag nating hayaan na mabulag at malinlang tayo ng panandaliang saya sa mundong ito.
Lahat tayo ay binigyan ng choice sa buhay at pinipili ko ang daan patungo sa ating Panginoon. Mahirap man ang daang iyon, In the end I know it will be worth it.
Mahal na mahal na mahal ko ang Panginoon, ikaw ba?
At mahal na mahal na mahal n'ya din tayo. O higit pa doon, walang makakapantay sa pagmamahal n'ya para sa atin.
Si God, s'ya ang nagturo sa akin ng totoong pagmamahal. Yung hindi pinipilit dahil kusa itong darating at mararamdaman. Tinuruan n'ya din akong makontento sa lahat ng binigay n'yang biyaya. S'ya ang katangi-tanging hindi sumuko sa akin. Dahil iwan man ako ng mundo, si God ay mananatili parin sa tabi ko.
Sinulat ko ito para kay God. Dahil sa title nga nito na "For His Glory".
Gusto kong malaman n'yo na hindi lahat ng ating ginagawa ay may kabuluhan. Sa huli, malalaman din natin kung ano ang dapat nating pahalagahan. Pero sana naman wag na nating paabutin sa ganun.
'Yang lungkot, pag-iisa, at labis na sakit na iyong nararanasan, lahat yan may dahilan. Magtiwala ka lang at lumapit sa kanya, s'ya ang bubuo ulit sa durog mong puso. Kung sa tingin mo ay may kulang sa buhay mo, alam mo na ang solusyon at kung ano iyon. Walang iba kundi ang Panginoon.
"FORHISGLORY"
written by Kymfern6/22/19
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4