Minsan kapag sobrang dami na ng mga problema natin, yung tipong nagpatong patong na at feeling natin ay mag-isa nalang tayo sa laban. Yun ang mga oras na wala tayong ibang gagawin kundi ang umiyak, magalit at minsan sinisisi pa natin si God.God, ba't mo hinayaan na maghirap ako ng ganto?
Hindi mo ba ako mahal at pinapahirapan mo ako?
Naging mabuti naman ako sa'yo ah, sa kapwa ko, pero bakit ganito ang kinahinatnan ng buhay ko?
Talaga bang totoo ka, kung totoo ka bakit parang hindi ko nararamdaman na mahal mo ako, Lord bakit ganito?
Ayan! Sobrang dami nating tanong sa kanya. Kasi nga nasasaktan tayo, at kapag nasasaktan tayo ay nako-kontrol tayo ng ating emosyon.
Pero kapag naman na sinisi natin s'ya. Mabigat sa dibdib di ba? hindi ka mapanatag kasi alam mong mali ang ginawa mo.
Mali talaga na sisihin s'ya kasi imbes na mas lumapit ka pa sa Panginoon ay unti-unti mong nilalayo ang sarili mo sa paraang iyon.
Ang pagsubok ay ginawa upang subukin ang katatagan natin lalo na ang ating pananampalataya sa ating Panginoon. Kaya kung sobrang bigat ng problemang meron ka, wag mo s'yang sisihin, wag kang lumayo sa kanya. At wag kang magpapadala sa mga temptasyon sa mundong ito. Wag kang magpapalinlang sa kaaway, dapat ay lumapit ka, magdasal at humingi ng gabay at lakas sa Panginoon.
Jeremias 29:13
"Kung lalapit kayo sa akin ng buong puso, tutulungan ko kayo"
Kaya isa itong aral sa atin na kapag may problema ay sa Panginoon dapat tayo lumapit. Wag nating aliwin ang ating mga sarili sa makamundo at walang kabuluhang bagay. Mahal tayo ng ating Panginoon. At sabi nga ng kaibigan ko, ay dapat maging inspirasyon natin si Job kapag tayo ay sinubok ng maraming problema. Dapat maging tapat tayo sa ating Diyos katulad n'ya. Mawala man sa atin ang lahat ay ang Panginoon lang ang ating sasambahin. At katulad ni Job ay isipin nalang natin na kaya sa atin binigay ang napakahirap na pagsubok na iyon ay dahil sobrang laki ng tiwala sa atin ng Panginoon. Alam n'ya na tapat tayo sa kanya, na kahit na anong pagsubok man ay hindi tayo kayang ihiwalay sa kanya at sa kanyang pagmamahal.
At tulad din ni Job ay kapag nanatili tayo sa Diyos hanggang sa huli ay gagantimpalaan n'ya tayo. Hindi lang dito sa lupa, bibigyan n'ya tayo ng walang hanggang buhay. Magiging totoo ang ating saya at wala na itong humpay.
A/N : Sinulat ko ang (For His Glory) na tungkol lahat sa Panginoon dahil naisip ko na puro lovestory ang mga katha ko dito sa wattpad. And now it's time na si God naman ang magpakilig sa inyo. Yieee, mas nakakakilig naman talaga ang pagmamahal ni God. ❤
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4