A/N : Masaya ako na may nagbabasa neto...kung sino ka man ay sana mabago ang iyong pananaw sa buhay at ang relasyon mo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabasa ng akdang ito. Actually ginamit lang ako ni God para maparating sa'yo itong salita nya. God bless you and God loves you!:)
Sabi ng iba ay kung ano ang nagpapasaya sa'yo ay dun ka.
Pero pagdating kay Lord ay iba.
Kailangang gawin mo ang bagay na magglo-glorify sa kanya.
"Christianity is'nt always about sunshine and happiness. It's hard work and dedication to him, not us. So do what glorifies God."
Alam mo yung nakakalungkot lang kasi sooooobrang dami nating ginagawa na sa huli ay wala rin naman palang halaga. Mare-realize mo yan eh sa journey mo kasama si God. And of course magsisimula ang journey na iyon na tinatawag na life kapag tinanggap mo s'ya sa buhay mo.
They say life starts at forty but the truth is "Life begins once Jesus becomes the reason you live it"
Oo, minsan hindi natin ramdam na buhay tayo. At may mga bagay na hinding hindi tayo kayang i-satisfy. Pera, kapangyarihan, katanyagan/kasikatan, followers/fans, relationships, accomplishments, at kahit na ano pa mang yaman sa mundo. At kung minsan kahit na gaano pa kalaki ang laman ng bank account mo ay hindi nito kayang bilhin ang iyong peace of mind.
"If you are not seeking God's will, hindi ka mapapanatag. Our greatest need is God at kung wala s'ya sa iyong buhay ay mararamdaman mo at mararamdaman na nay kulang"
Kaya sana unahin mo si God...Do things that will glorify him not other people..not even yourself.
Kapag may Panginoon ka kasi sa buhay mo ay makokontento ka, yung tipong magfo-focus ka nalang sa will nya para sa'yo kaya lahat ng mga gusto mo ay isasantabi mo nalang at magiging masaya ka dahil alam mo na mas maganda ang plano nya sa buhay mo.
Actually, sa kanya lang talaga natin mararamdaman ang totoong meaning ng contentment.
Minsan akala natin ay yung partner natin or bf/gf o ang ating lahat lahat pero hindi eh...dapat si God palagi ang no. 1. At s'ya ang gawin n'yong center sa relationship n'yo kasi hindi talaga yan magwo-work ng kayo lang dalawa. Kailangang may blessing yan kay Lord!
Pero kapag ikaw naman ay single eh dapat wag kang magmadali sa love. Kusa itong dumadating hindi hinahanap. Tsaka Godly relationship is worth to wait naman di ba?
Man or woman of God is really worth waiting for!
I must say.
At minsan kapag nagmadali ka lalo na when it comes to marriage with an immature person ay pagbabayaran mo ng ilang beses ang pagkakamaling iyon.
So take it easy....
Mas magandang hintayin mo nalang ang taong nilaan ni God para sa'yo.
"Put God first before anything else and everything will follow"
Kasi naman nakaka-amaze yung pagmamahal ni Lord eh. Mapapaluha, mapapangiti ka nalang sa kayang gawin nya sa buhay mo! At yung buhay mo ay tuluyan ng mag-iiba kapag involve na s'ya. Ikaw ay tuluyan ng magbabago. Pati ang iyong puso....kasi kapag hindi na tama ang mga ginagawa mo at ang puso mo ay puno na ng kasalanan ay bina-block nito ang blessings na matatanggap mo. At kapag binuksan na ng Diyos ang floodgates ng pagpapalaya papunta sa'yo ay wala ng makakapigil dun kahit ang kaaway pa man. Walang ibang may kayang pigilan yun papunta sa'yo!
Pero kapag nakasarado ang puso mo ay kahit na anong blessing pa man ay hindi nito kayang makontento.
Sad right?
Kaya dapat ay hayaan mo s'ya na baguhin ang puso mo.
Mag-pray ka.
Alam mo ba na napaka-makapangyarihan ng prayers?
Dahil kaya nitong gumawa ng mga milagro sa buhay mo.
Kaya naman bago ka gumawa ng isang bagay ay mag-pray ka muna...at humingi ng guide kay God.
Lumapit ka lang sa kanya...ng buong puso.
"Don't let your struggle become your identity"
Ang past mo ay hindi nagde-define sa'yo! Tandaan mo yan.
Hindi yun nagde-define sa kakayahan mo, sa future mo, at sa mga magagawa mo!
Ang future na hinanda ni God para sa'yo ay hindi nakabase sa kung ano ka man noon, o sa nakaraan mo!
Hindi naman kasi magiging madali ang lahat eh sa journey natin kay Lord pero ang sigurado ay sa huli magiging maayos ang lahat...tayo ang magwawagi! We will eventually have a smooth landing.
At alam natin kung saan iyon. Walang iba kundi sa langit! Someday sana!
Gusto mo yun?
Ako gusto ko yun!
Eh ano nga ba ang dapat nating gawin para mapunta tayo sa langit?
Walang iba kundi ang mag-repent sa ating mga kasalanan, magtiwala ng buong puso kay Jesus Christ at tanggapin s'ya bilang personal savior sa ating buhay.
Pero wag naman sana nating gawing goal lang ang makapasok sa heaven dahil lang takot tayo sa impyerno kundi dahil mahal natin ang Panginoon at gusto natin s'yang makasama habang buhay.
Okay? Hehe...
"Whoever keeps commandments keeps their life, but whoever shows contempt for their ways will die"
May nabasa ako na ang mga napupunta daw sa impyerno ay yung mga taong inisip na napakabuti nilang tao at hindi nila kailangan si Lord sa buhay nila.
Yung mga sarili ang ginagawang Diyos. Yung mga taong hindi naniniwala na totoo ang Panginoon. Eh kung ang mga anghel nga ay naniniwala sa Diyos, ang mga demonyo ay naniniwala sa Diyos...ikaw pa kaya?
Pero kapag ang sarili lang natin ang ating iintindihin at sa sarili lang nating kalakasan tayo dumedepende ay mabibigo rin tayo sa huli.
Kasi may limitasyon ang lahat ng meron tayo pero kay God...wala! So we should only rely on God. Him alone.
Wake up, y'all!
Oo, minsan pinaparamdam sa'tin ng mundo na hindi tayo karapat dapat na mabuhay....na wala tayong kwenta pero si God alam nya na kaya mo, kahit kailan ay hindi ka nya susukuan....
Ibigay mo lang sa kanya ang buhay mo dahil ang purpose nya para sa'yo ay mas malaki kaysa sa kayang i-offer ng mundo sa'yo.
Masyado mang mabigat ang problema na meron ka, mas malaki pa rin ang Diyos na iyong pinaglilingkuran!
Please wag mong sayangin ang pagkakataon na binigay nya.
God chooses you kaya wag kang bumitaw sa kanya.
I-focus mo lang ang mga mata mo kay Jesus wag sa iyong mga problema.
Di ba nga sabi nila.
Kapag daw nagtiwala ka sa Panginoon sa oras na binibigay nya sa iyo ang lahat ay hindi doon nasusukat ang pananampalataya mo sa kanya kundi sa oras ng pinakamadilim na yugto ng iyong buhay.
At sabi nga ni God...
Kapag hindi natin maintindihan ang mga nangyayari ay wag tayong tumakbo palayo sa kanya. Dapat ay tumakbo tayo papunta sa kanya at humingi tayo ng kalinawan sa kahat at s'ya naman ay ituturo sa atin ang daan.
"Behind a strong person, there is GOD"
Kaya wag kang mag-alala, hayaan mo si God na kumilos sa buhay mo. He won't fail you!
"Hindi takot si Satan sa'yo, pero takot s'ya sa Jesus na nasa 'yo"
Kaya patuloy ka n'yang nililinlang gamit ang kasinungalingan ng mundo.
Pero kahit na ganun. Kahit hindi mo man makita ang daan ay magtiwala ka lang sa Panginoon at gagawa s'ya ng paraan.
THIS IS FOR GOD'S GLORY!
-- GOD BLESS US ALL --
PS: Some of those messages in bold letters are from twitter.
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4