"Even when it hurts"

13 1 0
                                    

Alam mo yung feeling na akala mo pinabayaan ka na ni Lord kasi hindi mo maramdaman na mahal ka n'ya. Minsan feeling mo hindi naman n'ya dinidinig yung mga panalangin mo. Minsan napapalayo yung loob natin kay God eh lalo na kapag puro negatibo nalang ang ating iniisip.

Yung pagkakataon na mapapagod ka na sa kanya. Yung pipiliin mo nalang na talikuran lahat pati ang koneksyon n'yo sa isa't isa. Kasi akala mo hindi ka nya mahal, na hindi nya nakikita lahat ng sakit at hirap na nararanasan at nararamdaman mo. Minsan pa nga kahit na marami na s'yang naibigay sa atin pero sa isang failure lang ay panghihinaan agad tayo ng loob. Agad natin s'yang kamumuhian at mawawalan agad tayo ng FAITH sa kanya.

Sa totoo lang, naranasan ko na 'yang nga ganyan eh. Minsan pa nga ay nagpo-post ako noon sa fb tungkol kay God pero ang puso ko ay wala na sa kanya. Wala na yung apoy sa puso ko, wala na lahat pati ang pananampalataya ko sa kanya. Pero lagi parin akong nagpo-post tungkol sa kanya kasi gusto ko nalang na mainspire yung ibang tao na makakabasa nun kahit na ako mismo ay hindi na nararamdaman yung presensya nya. Nabulag ako nun sa galit eh, nag-focus ako sa masasakit na pinagdaanan ko. Akala ko kasi tutulungan n'ya ako eh pero wala namang nangyaring ganun.

Days passed. Mas lalong lumala yung mga nararanasan kong problema na para bang buhay nga ako pero para naman akong patay, nawalan ako ng gana sa lahat. Ayokong humarap sa mga tao, ayoko na sa buhay ko, pagod na pagod na ako.

Until one time. Ininvite ako ng friend ko sa church. Pumayag agad ako kahit na wala na akong faith kay God nun.

Pero nung araw na pupunta na dapat kami ay biglang nagbago ang isip ko. Ang sabi ko "ayoko ng pumunta, para saan pa ba iyon...lolokohin ko lang ang sarili ko, ayokong magpaka-plastic sa harap ng simbahan at sa ibang tao, pagod na akong magpanggap".

Desidido na ako nun na hindi na pupunta pero nag-away naman kami ng ate ko kaya naisip ko na sumama nalang sa kaibigan ko para makalimutan ko saglit ang problema sa bahay.

At ayun nga...ang sabi ko sa sarili ko nun ay isantabi mo muna lahat ng problema mo kapag andun ka na kasi yun din ang advice sakin ng isa ko pang kaibigan. Ayun nga para bang araw araw ay pipili nalang ako ng maskara na susuotin. Yung tipong kailangan hindi malaman ng iba ang tunay na ako para manatili sila sa tabi ko. Yun ang ginagawa ko, kinukubli ang tunay kong pagkatao.

Nag-enjoy ako papunta dun hanggang sa byahe. Pero isang kanta ang nagpabago bigla sa nararamdaman ko.

"Even when it hurts"

Take this fainted heart
Take these tainted hands
Wash me in your love
Come like grace again

Even when my strength is lost
I'll praise you
Even when I have no song
I'll praise you
Even when it's hard to find the words
Louder then I'll sing your praise

I will only sing your praise

Hindi ko alam kung paano i-explain ang naramdaman ko nung napakinggan ko yung kantang yun. Napaiyak ako kasi alam ko sa sarili ko na sumuko agad ako sa kanya dahil lang sa mga problemang nararanasan ko. Yung tipong walang wala na nga akong makapitan...lumayo pa ako sa kanya!

Tinanong ko kaagad sa kaibigan ko yung title nung napakinggan ko sa jeep kasi sobrang ganda ng message ng kanta. Bigla ay natauhan ako!

At naisip ko nun.

Bakit ang dali kong sumuko sa'yo Lord?

And I set my mind.....

And said to myself..

"From now on....kahit na anong hirap...anong sakit....ay mananatili parin akong magpupuri sa Panginoon.

I'll praise him even though it hurts sometimes.

Sa buhay kasi akala natin ay hindi tayo mahal ng Panginoon pero ang totoo...mahal na mahal nya tayo at hindi nya tayo hahayaang mag-isa.

Oo kahit na sabihin na natin na dadaan tayo sa mahihirap na pagsubok pero isa lang ang masisiguro natin. Kasama natin ang Panginoon sa lahat ng panahon maging sa pagharap ng lahat ng pagsubok sa ating buhay.

Dapat kung may nais ka mang hilingin sa kanya ay dapat buong puso mo itong hingin. At wag ka ding madismaya kung hindi mo agad makuha yung hiniling mo, trust in his perfect time and by that he will give you only the BEST.

One thing I can assure to him that time.

I won't give up everything just because I'm badly hurt.

Kasi minsan dahil sa sakit nagiging selfish na tayo eh. Yung sarili nalang natin ang iniintindi natin. At minsan naiisip natin na kaya naman natin ng wala s'ya. Na mas mapapabuti tayo ng ating mga pangarap para sa ating sarili.

Pero kahit na makamit mo man lahat ng ninanais mo, in the end may kulang parin sa'yo. Makakaramdam ka parin ng emptiness. At para mapunan ang puwang sa puso mo, kailangan mong i-give up lahat ng meron ka.

Ang tanong...

Handa ka bang iwan ang lahat ng meron ka??

Para sa Panginoon...

Para sa buhay na ipinangako nya?

Sa buhay, tayo ang may hawak ng ating hinaharap sa pamamagitan ng ating mga desisyon.

At minsan ang mga desisyong iyon ay magpapatatag o magpapakita sa'yo sa katotohanan.

So choose wisely.....

Be careful with everything you do with your life....

Lahat may consequences pero tandaan mo kahit na ano man ang pinili mo...kahit na sobra kang naging makasalanan sa mundong ito.

May Diyos parin na handa kang patawarin .

"Our greatest weaknesses lies in giving up. The most certain way to succeed is always to try just one more time" -ctto

Okay lang na magkamali. Ayos lang na maging mahina...ang mahalaga ay huwag kang susuko...

Dahil kasama mo ang Panginoon sa bawat laban...

At kahit na ilang beses man tayong mag-fail ay dapat sumubok tayong muli..

Dahil hindi tayo pababayaan ng Diyos.

Walang imposible sa kanya..

Always remember.

"The Lord is always on our side"

Kaya dapat hindi tayo panghinaan ng loob. Everyday is a brand new day and we must do things wholeheartedly as for God, not for men"

-Col. 3:23



Even when the morning comes
I'll praise you

Even when the fight is won
I'll praise you

Even when my time on earth is done
Louder then I'll sing your praise

I will only sing your praise 🎵

Kahit na gaano pa kabigat ang problema ay huwag kang titigil sa pagpuri sa kanya.

Dapat pa nga ay mas lalo kang lumapit sa kanya para humingi ng tulong at gabay para harapin lahat ng pagsubok mo sa buhay.


"Trust his PLAN, not your PAIN"



PS : At sana hindi lang sa church natin pinapakita ang pagmamahal at faith sa kanya dapat sa atin ding mga tahanan. At wag din tayong nagtatanim ng galit sa ating kapwa dahil utos ng Diyos na mahalin kahit na ang ating mga kaaway. Naniniwala ako na ibi-bless ka pa nya kapag nagpatawad ka. Isantabi mo na lahat ng masasakit na alaala, lahat ng nanakit sa'yo kasi hindi mo pwedeng tanggapin si God, hindi s'ya makakapasok sa puso mo kapag hindi mo pa nabibitawan lahat ng hinanakit mo sa iba.

At hindi ka tuluyang magagamit ni God for his will kapag ang puso mo ay hindi marunong magpatawad. Wag kang mag-alala tutulungan ka ni God na maging puro ang puso mo. Ang dapat mo lang gawin ay magtiwala sa kanya.




G O D B L E S S U S A L L

To God Be The Glory!

ALL FOR HIS GLORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon