A/N : Actually yung title ng part na 'to ay kinuha ko sa lyrics ng favorite song ko na "What A Beautiful Name"
"You have no rival, You have no equal
Now and forever, Our God reigns
Yours is the Kingdom, Yours is the glory
Yours is the Name, above all namesWhat a powerful Name it is
What a powerful Name it is
The Name of Jesus Christ my King "❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Kumusta ka?
Kumusta ang relasyon mo sa Panginoon?
Sana ay nananatili ka paring tapat sa kanya dahil s'ya kahit kailan ay hindi nagbago, ilang taon pa man ang lumipas ay s'ya parin ang Panginoon na mahal na mahal ka.
Siguro may mga panahong sinusubok ka ng mga temptasyon dito sa mundo. At patunay yan na sinusubok ka dahil alam ng kaaway na tapat ka sa Panginoon.
Minsan hindi natin napapansin na natutuon na pala ang oras natin sa ibang bagay, sa makamundong gawain.
Wag kang bumitaw kay Lord kahit na kailan para hindi ka matukso dahil kapag kumapit na sa'yo yan ay baka mahirapan ka ng tangihan yan at iwan. Baka tuluyan ka ng malayo sa Panginoon.
Katulad ko, sobrang fan ako ng isang k-pop girlgroup (Twice) at narealize ko na hindi pala yun tama. Dapat si God lang ang idol natin, dapat s'ya ang ating role model. Minsan kasi akala natin ay simpleng paghanga lang hanggang sa hindi na natin namamalayan na addiction na pala. Hindi na pala kompleto ang araw mo kapag hindi mo napapanuod ang mga videos at mvs nila. Yung tipong puro pictures nila ang laman ng gallerys mo.
Napagtanto ko na hindi pala yun tama lalo na at inilalayo na ako nun sa ating Panginoon. Nahahati na ang oras ko para sa kanya at tuluyan na akong kinain ng makamundong sistema.
Nakakalungkot lang kasi na ganun pala ang kinahantungan ng simpleng paghanga ko. Naging bulag ako sa katotohanan na tanging ang Diyos lang ang sasambahin at wala ng iba. Akala ko nung una ay wala namang mali dun hanggang sa naramdaman ko nalang na parang hindi na tama.
Kaya siguro minsan nade-depress ang mga tao kasi ginagawa nilang happy pill ang ibang tao, para sa'kin hindi naman yun ganun kasama pero dapat kay God lang tayo dumepende dahil paano kung nawala yung happy pill mo eh di magmumukmok ka nalang? Pero kapag si God ang ginawa nating happy pill ay tunay n'ya tayong bibigyan ng kasiyahan at hindi lang yun tutulungan n'ya pa tayo sa kahit na anong problema na ating hinaharap. Kaya sana laging s'ya lang ang ating tatakbuhan kapag malungkot tayo at hindi maintindihan ang mga nangyayari sa buhay natin. Si God kasi palagi 'yang iintindi at handang magpatawad sa atin. Hindi s'ya magsasawa na tanggapin ulit tayo kahit na napakalaki pa ng ating kasalanan. Higit sa lahat ng kayamanan sa mundo, karangyaan, at pangyarihan ay tanging Diyos lang ang nag-iisang pinakanangingibabaw. Wala ng iba, walang makakapantay sa kanya.
Kaya kapag nag-focus ka sa mga bagay dito sa mundo ay tiyak na malulungkot ka lang at laging magtatanong. Pero kapag pinili mong gawin ang mga bagay na kaloob ng Diyos ay laging mapapanatag ang iyong loob. Magiging kontento ka at magiging masaya.
Sobrang ganda ng ibinigay sa ating buhay ng Panginoon, napakabuti n'ya. Isinakripisyo n'ya nga ang anak n'ya para satin eh at nangangahulugan lang iyon kung gaano n'ya tayo kamahal.
Pakiramdaman mo ang iyong puso. Isipin mo na ang Diyos lang ang tanging kailangan nito. Isigaw mo kung gaano mo kamahal ang Panginoon, ipakita mo sa lahat ng ginagawa mo! Maging masaya ka dahil nararamdaman mo ngayon ang presensya n'ya. Magdasal ka at magpasalamat dahil wala ka ng ibang kailangan pa kundi s'ya. Tanging s'ya lang..
Isipin mo na ang langit ang tunay mong tahanan at pinahiram lamang sa'yo ang kung anong meron ka ngayon. Ang buhay mo ay balang araw ay kukunin n'ya din sa'yo sa tamang panahon. Ang lahat ng meron ka lahat yan mawawala din. Ang kayamanan na inaasam mo ay mauubos din. Pero ang pagmamahal n'ya ay mananatiling totoo sa'yo hanggang dulo. Ang mga pangako n'ya ay hindi n'ya babaliin katulad ng ginawa ng ibang tao sa'yo. Magtiwala ka lang....s'ya lang ang tanging kailangan ng puso mo.
Wag ka ng maghanap pa ng ibang makakabuo sa'yo. Nariyan ang Diyos at ang kailangan mo lang ay tanggapin s'ya.
Isigaw mo ngayon. "Ang Diyos ay sapat na sa akin". S'ya ang buhay ko! Wala akong magagawa kapag wala s'ya. Mahina ako pero s'ya ang nagpapalakas sa akin. Sa Panginoon ako kumukuha ng lakas kaya sa kanya ko lang isusuko ang buhay ko. S'ya lang ang tangi kong sasambahin, s'ya lang ang aking pagkakatiwalaan dahil marunong s'yang tumupad sa mga pangako n'ya. S'ya ang buhay ko at wala akong magagawa kung hindi dahil sa kanya.
G O D B L E S S U S A L L
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4