Para saan at kanino nga ba ang mga ginagawa natin?
Siguro minsan para sa ibang tao, para maging cool sa paningin ng iba, para ipamukha kung anong naabot mo sa buhay, at minsan para sa ating sarili lamang. Pero bakit ganun? Parang hindi naman tayo nakakaramdam ng pagiging kontento kapag ginagawa natin ang mga bagay bagay para sa ating sarili at hindi para sa kanya.
Sa Panginoon.
Minsan akala natin ay nananatili parin yung ating puso sa Panginoon pero ang hindi natin maamin ay unti unti na pala itong nawawala.
Paano?
Sa ating mga ginagawa. Minsan hindi na natin nagagawa ang kanyang mga utos at kung ano ang tama kasi alam natin na mapapatawad n'ya din naman tayo. Ang hindi natin mawari ay nawawala na tayo sa kanya.
At minsan ginagawa natin ang mga bagay hindi na para sa kanya kundi para sa ating sariling interes.
Ang Panginoon ay mahabagin kaya kung ano ang kahilingan ng iyong puso ay ibibigay n'ya lalo na kung ito ay makakabuti sa'yo. Alam ni God ang tama at mabuti para sa'yo kaya wag kang mabahala. God will provide. Wag kang mangamba! Si God na ang bahala sa'yo. Wag mo sana s'yang pagdudahan at sana gawin mo s'yang inspiration sa lahat ng ginagawa mo.
God will always be there for you, no matter what!
Maaring hindi natin maintindihan ang kanyang mga plano pero dapat hindi tayo mawalan ng tiwala sa kanya dahil s'ya lang ang nakakaalam sa lahat.
Ang mga bagay na akala mo ay s'yang kailangan mo. Sa huli ay mapagtatanto mo rin na hindi pala ito ang mahalaga, kundi ang iyong pananampalataya.
Do things for God's Glory.
Hindi mo na kailangang mangamba kung hindi man in sa paningin ng iba ang iyong mga ginagawa ang mahalaga ay natutuwa ang Panginoon sa mga ginagawa mo.
Hayaan mo na kung mapahiya ka man sa maraming tao ang importante ay alam ng Diyos kung ano ang laman ng iyong puso at kung ano ang intensyon nito.
Pakatandaan mo:
Isaiah 40:31
Those who trust in the Lord will find new strength. They will soar high on wings like eagles. They will run and not grow weary. They will walk and not faint.
Yung akala natin na makakaya natin ang lahat all by ourselves ay napakalaking mali. Dahil sa Panginoon lamang natin makukuha ang ganap na ispiritwal na lakas. At iyon ay magbibigay din sa atin ng mental and physical strength. Oh diba, praise God!
Kapag na sa Panginoon tayo ay magagawa natin ang mga bagay na akala natin ay imposible. Dahil kay God walang imposible!
God will always be with you wherever you go, kaya wag kang panghinaan ng loob maging matatag ka palagi. Put all your worries away, God will renew all the things tha'ts been lost. At s'ya ang nagsisilbi mong liwanag, at sa kanya hindi mo na kailanman makikita ang dilim.
Ang sabi nga sa Proverbs 3:5
Trust in the Lord with all your heart and lean not on your understanding.
Kaya we should do things through him and with him. For all his glory because we shouldn't count on just ourselves but him. We should know that he is God and he will provide. We should trust him and let him take the path.
S'ya ang magtuturo sa atin sa tamang landas.
S'ya lang ang dapat nating pagkatiwalaan dahil tayo ay likas na mahina. Minsan nagfe-fail ang katawan at utak natin pero kapag si God ang ating lakas ay magagawa natin ang ninanais ng ating mga puso.
TO GOD BE THE GLORY
AMEN
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4