A/N: Naisip kong isulat ito pagkatapos kong napanuod ang isang video sa youtube, kung gusto nyo rin itong mapanuod at mainspire ay i-search n'yo lang ang "Break your chains and follow me".
Ang daming nakakabit na kadena sa atin. Nakagapos tayo sa maraming bagay kaya hindi natin magawang lumapit sa Panginoon.
Ano nga ba ang nagpipigil sa atin sa paglapit at pagsunod sa Panginoon?
Guilt, Pain, Anger, Envy, Lust, Wealth, fame, loneliness, temptation, etc.
Yang mga yan...yan ang dahilan kung bakit parang nakagapos tayo at hindi makagalaw patungo sa daan kung nasaan ang Panginoon. Hindi natin s'ya masundan dahil may mga mabibigat na nakakabit sa ating katawan.
Tinatawag ka ng ating Diyos, na sumama sa kanya pero nahihiya tayo minsan dahil alam natin na tayo ay makasalanan.
Iniisip natin na madumi na tayo at hindi tayo karapat-dapat sa Panginoon. Napakabuti n'ya habang tayo naman ay puno ng kasamaan, marami tayong mga bagay na nagawa sa nakaraan dahilan para mapuno tayo ng mga bagaheng mabibigat at tila ba tayo ay nakagapos na at hindi na makausad pa.
Ang tanong?
Hindi ka ba napapagod na dalhin ang mabibigat na kadena na yan sa iyong katawan.
Ilang taon ka ng nagtiis!
Matagal mo ng inaasam ang totoong kasiyahan.
Yung tipong magaan sa kalooban, walang nakaharang sa'yo at sa Panginoon.
Hindi ba, nagsakripisyo si Jesus Christ at nagpapako sa krus?
Para saan ba iyon?
Para maging mahina ka at tanggapin nalang na habangbuhay kang ganyan?
HINDI!
Wag mong hayaan na manaig ang kaaway.
Yung mga iniisip mo na baka hindi ka mapatawad ni God dahil lubhang mabigat ang mga kasalanan na iyong ginawa ay paraan lamang ng kaaway upang hindi ka makabalik sa Panginoon.
At sa pagkakataong iyon ay nadadagdagan na naman ang mabibigat na kadena sa iyo, dahil sa GUILT na yun.
Ang Panginoon ay mahal na mahal ka, hindi ka n'ya tatalikuran. Papatawarin ka nya kahit na gaano pa kalaki ang nagawa mong mali. Alam mo kung bakit?
Dahil mas malaki parin ang pagmamahal nya kumpara sa iyong mga kasalanan.
Si God, nandyan lang yan naghihintay sa pagbalik mo kaya wag kang ma-guilty na bumalik muli sa kanya.
Pero sana wag namang laging on and off ang relationship mo kay God porket lagi ka n'yang pinapatawad. Dahil kahit kailan ay hindi iyon naging maganda at mabuti para sa'yo.
Tanggalin mo na ang mga kadena na nagpapahirap sa'yo at sa kanya ay sumunod ka. Ang Panginoon ay bibiyayaan ka kapag nasa kanya ka. Lahat ng mga naranasan mong masasakit at mahihirap mong pinagdaanan ay magbubunga rin ng maganda. At ang mga nawala sa'yo ay papalitan ni God ng mas better. Ay hindi pala. The term would be BEST dahil ang nais lang naman nya ay ang Best para sayo.
Nahihirapan ka ba?
Hindi mo ba naiintindihan ang mga nagyayari sa'yo?
Marahil dahil nakatuon ang atensyon mo sa rehas at kadena na tuluyan ng nagkulong sa'yo. Sa kasamaan ay inilalapit ka nito kaya ang gawin mo ay iwan mo na ito at tanggalin/alisin.
Walang sinuman ang magnanais na hindi umusad at manatiling nakagapos. Kaya kapatid! Dapat lang na ikaw ngayon ay makalaya.
Palayain mo na ang sarili mo sa kalungkutan, sa pangit mong nakaraan, sa lahat ng masasakit mong karanasan, sa lahat ng failures mo, sa lahat ng galit, hinanakit, inggit, guilt, at kung ano man yan na nagpapabigat sa loob mo!
Ang Diyos naman ngayon ang tanggapin mo, tiyak na hindi mo iyon pagsisihan. Kumapit ka lang at magtiwala sa kanya. Aalisin nya lahat ng iyong kasalanan sa panamagitan ng pagmamahal nya.
Wag kang mahiyang lumapit sa kanya, mahiya ka kapag huli na ang lahat at saka ka pa makakawala sa gapos ng kasalanan na nagpipigil sayo sa paglapit sa kanya.
You are a masterpiece.
One in a million.
Ang buhay mo ay may dahilan.
May purpose.
Mahalaga ang existence mo!
Kaya wag kang magpatalo at malito sa ibinubulong ng kaaway.
Kung naniniwala ka sa Diyos ay dapat maniwala ka rin na totoo ang kaaway. At ang puntirya nya ay ang utak mo. Lilituhin nya ito sa pamamagitan ng iyong pagpaparamdam sayo na wala kang halaga. Pero kapag pinili mo ang Diyos ay ipaparamdam nya sayo ang iyong halaga!
Hindi ka isang aksidente.
You exist because of love.
Your life has its cause.
At kung ano man ang nararamdaman mo ngayon o pakiramdam mo ay lumalayo ka na sa Diyos ay ang dapat mong gawin ay magdasal. Lagi kang kumapit sa kanya sa oras na hindi mo na kaya at mahandle ang mga problema.
Hindi ka kailanman magiging malaya kapag nagpatalo ka, ibahin mo lang ang mindset mo. And give your heart, soul, and mind fully to God.
Mahal ka ng Panginoon lagi mong tandaan yan. And LOVE, HOPE, AND FAITH last FOREVER kaya sana wag kang mawalan ng kahit isa sa mga ito. Hanggang sa pagbalik nya. Hanggang sa makamit mo na ang panghangbuhay na kasiyahan kasama ang Diyos Ama.
G O D B L E S S Y O U!
D O N ' T G I V E U P
G O D L O V E S Y O U:)
-TO GOD BE THE GLORY-
AMEN
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4