Habang nagma-mature ka ay mas lumalawak ang kakayahan mong umintindi. At ngayon narealize ko ang isang napakahalagang bagay sa buhay ko.
Minsan hindi natin maintindihan ang plano ng Panginoon sa ating buhay. May mga pagkakataon na may inaalis s'yang tao na akala natin ay hindi natin makakaya kapag wala ang mga ito. Ang akala natin ay pinaglalaruan na lamang n'ya tayo dahil hindi naayon sa gusto natin ang mga bagay na nangyayari sa ating mga buhay.
Maaring hindi ngayon pero darating din ang oras na mahihinuha natin ang kanyang magandang ginagawa.
Ayon sa Jeremias 29:11
"Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan n'yo at hindi sa kasamaan n'yo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng MAGANDANG KINABUKASAN"
Yan mismo ang narealize ko ngayong araw, at nakangiti ako ngayon habang sinusulat 'to. Iba talaga 'pag ang Diyos na ang kumilos sa buhay natin. Kaya n'yang gawing posible ang mga impossible.
Ang plano sa atin ni God ay kailanman hindi makakasama sa atin. Magtiwala lamang tayo sa kanya.
Sa sarili kong karanasan ay...tinanggal ni God lahat ng taong mahalaga sa akin. Mga kaibigan, pamilya ko, at pagmamahal mula sa kanila. Nakakalungkot pakinggan di ba? Inisip ko nun na wala na atang itinira si God sa buhay ko dahil pati ang sarili ko ay nawala. Nawalan ako ng self confidence nun, at hindi ko mahanap ang sarili ko. Para bang hindi ko na kilala kung sino ba talaga ako. Kasi naman lahat ng mahalaga sa'kin ay nawala;wisdom, faith, trust, and hope.
Pero kahit na ganun ay patuloy parin akong lumalapit kay God, dahil alam ko na s'ya lang ang katangi-tanging makakabuo ulit sa'kin. Nasasaktan man ay patuloy parin ako sa pananampalataya sa kanya dahil alam ko na may dahilan ang lahat.
At ayon nga, totoo nga na ang plano ng Diyos ay mas maganda pa sa ating plano para sa sarili natin. Oo, tinanggal n'ya lahat ng bagay na meron ako, pero ang kapalit nun ay ang mga natutunan ko.
Si God lang pala talaga ang mananatili sa'yo hanggang huli, iwan ka man ng lahat ng tao pero s'ya hinding hindi.
Ngayon ay napagtanto ko na s'ya lang pala ang kailangan ko sa buhay. Nawala man ang lahat sa akin ay alam kong hindi ako mag-isa sa laban dahil kasama ko ang Panginoon at s'ya lang sapat na para sa akin.
Ngayon ay masasabi kong masaya at kontento ako sa buhay na meron ako. At yung lahat ng hirap na napagdaanan ko? Hindi ko pagsisihang maranasan yun dahil iyon ang nagpabago sa akin, dahil dun naging mas mabuti akong tao. Dahil sa lahat ng pinagdaanan ko ay mas naging malapit ako kay God. At ang bagay na iyon ay hinding hindi mahihigitan ng kahit na anong halaga.
Panginoon,
Patawarin mo sana ako kung hindi ko kaagad napagtanto na ang mga nangyayari sa akin ay parte lamang ng plano mo. plano hindi para mapasama ako kundi mapabuti. Kay buti mo, Panginoon...wala kang katulad. Mahal kita sa habang panahon. Ikaw lang ang kailangan ko, sa'yo ako humuhugot ng lakas araw araw at hinding hindi na ulit ako matatakot sa bukas...dahil alam ko na kasama kita. Sana mas marami pang tao ang makakilala at tumanggap sa'yo. Yun ang hiling ko dahil sobrang saya sa piling mo, iba ang pakiramdam na nand'yan ka palagi.
Hindi pa huli ang lahat.
Siguro mahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi natin nakikita pero mas mahirap ang magsisi sa huli.
Sa buhay ay wala tayong kasiguraduhan pero sa Panginoon, makikita natin ang panghabang buhay na kasiyahan.
Tama na ang paggawa ng makasalanang gawi. Tama na ang labis na pagbabad sa social media, sinasayang nito ang oras mo para sa Panginoon. Dapat alam mo ang iyong limitasyon. Tama na ang pagiging toxic! Tama na ang paggawa ng mali kahit na alam mo ang tama! Tama na...panahon na para ika'y magbago. Lumapit ka lang sa Panginoon at tatanggapin ka n'ya ng buong puso. S'ya lang ang kailangan mo, ang puwang sa puso mo ay s'ya lang ang makakapuno.
GOD BLESS EVERYONE, MAHAL KAYO NI GOD!:)
BINABASA MO ANG
ALL FOR HIS GLORY
SpiritualMan shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. -Matthew 4:4