Prologue

962 17 0
                                    

Athena's POV

Nandito ako ngayon sa likod ng school. Kung saan may malaking puno at nakaupo ako sa sanga nito. Ako ay nakasandal sa katawan nito habang nakaupo sa sanga ng biglang...

"Tulong!"

May sumigaw at para bang takot na takot na hinahabol ng kung sino. Kaya na alarma ako at nagmasid sa paligid.

"Tulong!!"

Sumigaw na naman ito at naghanda na ako habang nakasampa parin ako sa sanga ng puno dahil papalapit na sakin ang sumisigaw na iyon. At na pag-alaman ko na lalaki ito dahil sa boses.

Third Person's POV

Nandito kami ngayon sa school ng Gregory International School dahil may pinapahanap ang boss namin at gustong ipapatay.

Sa tulong na mga kasama ko ay nakita namin ang pinapahanap samin ni boss at saktong sakto dahil malapit sya sa likod ng school kaya nilapitan namin sya ng mga kasama ko.

Boss Calling...

"Tumatawag si boss." sabi ko sa mga kasama ko.

Sinagot ko ang tawag ni boss kaya inutusan ko silang tignan ang hinahanap namin habang kami ay naglalakad.

"Boss?"

"Nakita nyo na ba ang pinahahanap ko?"

"'ENEMY SPOTTED' boss. Sinusundan na po namin sya."

"Good. Sige balitaan nyo ako mimiya."

"Sige boss."

At pinatay nya na ang tawag kaya nagpokus kami sa pagsunod sa lalaking ito ng biglang...tumakbo ito patungo sa likod ng school kung saan ma-puno. Siguro ay napapansin nya na kami kanina pa. Kaya dali-dali kaming tumakbo ng mga kasama ko.

"Tulong!"

"Tulong!!"

Na-alarma kami ng bigla itong sumigaw kaya lalo naming binilisan ang pagtakbo patungo sa kanya.

Sa sobrang kali-linga namin ay nalingat kami nito at nawala ito sa aming paningin.

Athena's POV

Sa sobrang taranta ng lalaki ay di nya ako napansin kaya sinitsitan ko sya para makuha ko ang atensyon nya at di naman ako nabigo dahil tumingin sya sa taas ng puno kung nasaan ako.

Kaya ang ginawa ko ay nilambitin ko ang paa ko sa sanga ng puno kung saan ako nakaupo kanina at lakas loob na hinila ang kamay nya papunta sakin at nagtagumpay naman ako.

Saktong dating ng mga hoodlum na humahabol sa kanya.

"Nasaan na yon?!" Sabi ng lider nila dahil mahahalata mo ito sa pustura palang.

Kaya nagtago kami sa sanga ng puno para di kami makita at ng makita ko ang mukha ng lalaki ay nagulat ako dahil kilala ko ito. Kitang kita sa mukha nya ang kaba at takot.

"Mapapatay tayo ni boss!" sabi naman ng isa pang kasama nila.

"Halika doon tayo at baka nandoon sya! Bilisan nyo!!" sabi ulit ng lider nila kaya nakampante na ako.

Humarap ulit ako sa lalaking ito na nasa harap ko.

"Bakit ka nila hinahabol at parang gusto kang patayin?" sabi ko sa lalaking kaharap ko.

"H-Hindi k-ko a-alam." sagot naman nito sa kabadong tono.

"Huwag kang matakot dahil ligtas kana." aniya ko pa. At halatang nawala ang takot na nararamdaman nya ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Kaya di sya nakapagsalita.

"Kilala mo ba sila?" tanong ko ulit sa lalaking kaharap ko.

Tumingin naman sya sakin bago sumagot.

"H-hindi ko sila k-kilala. Bigla na lang nila akong h-hinabol kaya napunta ako dito dahil wala akong mapuntahan." sagot naman nya.

Magsasalita na sana ako ng magsalita sya ulit.

"S-salamat sa pagtulong mo dahil di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung n-nakuha nila ako." takot na namang sabi nya kaya sumagot ako.

"Nandito na ako. Ligtas kana." sabi ko naman sa kanya at doon napanatag ang loob nya.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT AND FOLLOW! Thank you so much! d^^,v

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon