Chapter 5

165 5 0
                                    

Athena's POV

---BRISZK---BRISZK--­-

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko kaya kinapa-kapa ko ito sa may bed side table ng kama ko habang nakapikit pa.

'ano bayan aga-aga pucha inaantok pa ako eh letse talaga oh!'

Kinusot ko muna ang mata ko saka tinignan ang caller...

~Aubrey Calling~

"Oh? Aga-aga inaantok pak---" hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil pinangunahan nya nako.

"Hoy Dude anong aga-aga? Ha? Aba late ka na, tignan mo kung anong oras na kaya."

"Aba'y malay ko ikaw kaya tumingin inaantok pako eh sige na ibaba kona to inaantok pa nga kasi talaga ako kaya bahala kana sa buhay m---"

"Hoyyy!!!"

"Anak ng!, wag ka nga sumigaw nakakabingi ka Dude," sabi ko sabay layo ng cellphone sa may tenga ko Tsk! Aga-aga na nga naninigaw pa ganda ng morning ko pucha, bibig ng kaibigan kong madad---

"Hoy! Athena nakikinig kaba? Aba bahala ka talaga sa buhay mo, mag ISA ka magreport."

"Tsk! Mag isa naman talaga ako magrereport bakit?, makikisawsaw kaba sa reporting ko?" Takang tanong ko.

"Gaga, ibig kong sabihin late na!, kaya kumilos kana. Psh! Slowww bye," sabi nya saka ibinaba ang linya.

Tsk! late late mo mukha mo aga-aga pa eh, Anong oras nab---

"Naknampucha---" sabi ko na nanlalaki pa mata "peste! Late na nga ako, 8:16am na amp." Binilisan kona lang ang pagligo, hindi nako kumain sa bahay, naisipan kong bumili na lang ako ng umagahan bago pumasok kaya dumeretso ako sa Krispy Kreme Coffee Shop. Malapit sa may school namin na may katabi din na karinderya pero social ang mga paninda. Pinarada ko muna ang Motor ko saka pumasok sa loob ng Krispy Kreme Coffee Shop.

Umupo ako sa isang table para makapagpahinga ng may lumapit na waiter na may dalang Menu.

"Good morning Ma'am," masiglang bati nya saka inabot sakin ang menu. Tumango lang ako saka kinuha yun.

'Hot Coffee,

Kaffe' Kreme ₱250
Espresso,      ₱210
Cappuccino, ₱183
Mocha,          ₱145
Americano,  ₱118

Marami pa kong nakitang flavor. Pero dahil late nanga ako, nag madali nako. Nagpahinga pa ako ng saglit, hindi rin naman nagtagal at kinuha ko nalang ay ang Espresso. Nagbayad nako at ng lalabas na sana ako sa Coffee Shop nang may nakabundol sakin dahilan kaya natapon ang dala kong kape. Kalahati ang natapon, buti nalang nailayo ko kaagad sa Uniform ko.

"Sorry Miss, Sorry talaga, Miss ayos kalang ba? Hindi ko naman sinasady---"

Hindi nya naituloy ang sasabihin nung mapansin nyan'g nakatingin nako sa kanya. Ang ingay ba naman parang babae, madaldal. Kalalaking tao eh napak---

"Miss wag mo naman akong tignan ng ganyan, nakakatakot ka naman eh." Sabi nya saka tumingin sa likod nya. May kasama pala sya, pero ang isang to mukhang tahimik hindi man lang umiimik. Tinignan ko yung kasama nya mulo ulo hanggang paa saka binalik iyon sa mukha nya dahilan para magtama ang paningin namin. Blanko lang ang ekspresyon nya, kaya ibinaling ko nalang ang paningin ko sa lalaking nakabundol sakin.

"Ayos lang, pasalamat ka hindi sa Uniform ko natapon, kundi---"

"K-kundi a-ano?" Parang takot na takot na aniya nya.

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon