Chapter 14

207 5 3
                                    

Aubrey's POV 

Pagkatapos maglinis, ay nagpahinga nako sa kwarto.

'Hayyy…pagod nako'

Sabi ko sa isip at tumayo papunta na sana ako sa may cabinet para kumuha ng damit ng may nadali ako sa may ilalim ng kama ko, kaya tinignan ko iyon.

'oh shit!

"Yung gitara ko!!!" Sigaw ko sabay kuha ng feather duster at pinunasan ang gitara ko na may alikabok na.

Nandito kalang pala, hindi kona kasi matandaan kung saan kita nailagay. Andami ko pa namang alaala sayo AA-blue.

A/N: AA-blue ang pangalan ng Gitara ni Aubrey-Ganda. Charot! Pinangalanan nila iyang AA means AllenAubrey at Blue dahil kulay Asul na Gitara. Sige mga ka³bees tuloy nyo na ang pagbabasa, sorry sa istorbo ^_^

Hayyy…si Ate-Gandang Author talaga oh! So ayun nga balik tayo. Kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan naghiwalay kami. Bumuntong hininga ako, bago magsalita sa isip, kausap si AA-blue.

'alam mo namang iniwan nako ng nagbigay sayo' sabi ko pa sa isip at inalala ang nangyaring yun.

-Flashback-

"Peter!!!" Naiiyak na sigaw ko kay Peter.

Nasa bahay niya ako. Mag isa lang siyang nakatira dito, dahil nasa abroad ang parents nya pareho. So nalaman ko na may kinikita sya sa isang Bar, nakita ko ang text nila sa cellphone nya ng malanding babaeng yun. At isa pa, hindi ko matanggap na may babae sya.

'Mahal kita Peter eh, pero bakit? bakit ako? Pano mo nagawa sakin to? Hindi naman tayo ganito noon eh, niregaluhan mo pa nga ako ng gitara nung birthday ko, tapos ngayon…masama ba magmahal?

Maging sa isip ay naiiyak na sabi ko.

"Bakit kaba sumisigaw ha!? At bat Peter ang tawag mo saki---"

--PAK--

--PAK--

Dalawang magkasunod na sampal ang iginawad ko sa kanya pero kulang pa yon sa pambabae nya!

"Puta! Bakit mo ko sinampal!?" Namumula sa galit na sabi nya.

"Ha!? At ikaw pa ang may karapatang magalit ha!? Sinampal lang naman kita dahil nalaman kong nambabae kang hayop ka!?" Sigaw ko at pinaghahampas sya, todo pigil naman sya sakin.

"Saan mo naman nakuha yang balita mo ha!? Sa kapitbahay ba!?" Sigaw nya sakin, sabay kuha ng jacket niyang nasa sofa at lumabas ng bahay nya.

"Eh saan ka naman pupunta?" Sigaw na tanong ko pero dinedma lang nya. "Peter naman eh!" Biglang baba sa tonong sabi ko pa. "Niloloko moko!" Sigaw ko ulit, pero sa galit na tono na. Lumabas na rin ako ng bahay at hinabol siya na mabilis namang nakasakay sa taxi. Kaya sumakay ka agad ako sa kotse ko kahit madilim at sinundan ko sya. Tumigil ang sinakyan niyang taxi at bumaba sya, sabay mabilis na pumasok sa…

'RB? anong klaseng lugar to?

Tanong ko sa isip ko pero hindi nako nag aksaya ng oras. Pumasok kaagad ako sa loob ng… Resto Bar? eto yata yung meaning ng RB. Baka eto yung bar na lagi niyang pinupuntahan kaya agad agad akong naghanap kay Peter sa mismong loob ng bar.

"Peter!!!" Sigaw ko, nagtinginan naman ang ilang nakakita sa sigaw ko, dahil medyo malakas ang volume ng music.

"Bakit ba ha!?" Malumanay ngunit mararamdaman mo doon ang inis na sabi ni Peter papalapit sakin.

"Ano ba kasi!? bakit ba kasi nambabae ka!?" Sigaw ko sa kanya.

"Pwede ba? Aubrey ha! Manahimik kana lang, nakakahiya ka sa ibang customer oh! Pinagtitinginan na tayo, nakikita mo ba ha!?"

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon