Chapter 10

114 3 0
                                    

Johanne's POV

Nagising ako sa tahol ng mga aso, kaya nag-mulat ako ng mata at tumingin sa orasan dito sa may kwarto ko.

'5:30am na pala, pa-sikat na ang araw'

Tumayo nako at lumabas ng kwarto ko, pero bago ako lumabas ng bahay, sinilip ko muna si Tatay sa kwarto nya. Natutulog sya habang hawak ang bote ng alak. Tsk! Si tatay talaga oh' kinuha ko ang kumot at ikinumot sa kanya saka ako lumabas ng kwarto nya. Kumuha ako ng timba bago lumabas ng bahay, at dumaretso sa poso' para mag igib. Pagkatapos ay nag saing nako. At naligo bago umalis ng bahay, pumunta ako sa bahay ni Tita Rosa kapatid ni Tatay Roger para makitawag sa cellphone ng pinsan ko. Wala kasi akong cellphone kaya sa pinsan kong si Rosalyn muna pina save yung number ni Jayron noon. Gamit ang bike, narating ko din ang bahay nila.

"Good morning, Tita Rosa." Bati ko pa, nasa labas sya nagwawalis.

"Oh ikaw pala Johanne, ano ang pinunta mo dito ng ganitong kaaga, aber?" Si Tita, medyo masungit sakin yan, pero pinapakitaan ko parin sya ng kabutihan.

"Ah gusto ko lang ho sanang makitawag kay Rosalyn, kung pwede ho sana." Sabi ko pa.

"Sige, nasa loob sya, pumasok kana lang." Sabi nya pa at nagpatuloy sa pagwawalis.

"Sige ho, salamat." Sabi ko pa at pumasok na sa loob.

"Rosalyn," tawag ko.

"Rosalyn, nasaan ka?" Tawag ko pa.

"Ah, Kuya Johanne nandito ako sa kwarto ko!" Sigaw ni Rosalyn. Kaya pumunta ako sa kwarto nya. At binuksan ang pinto tsaka ako nagsalita.

"Rosalyn pahiram nga ako saglit ng cellphone mo, makikitawag lang ak--"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng makitang naka-tapis lang sya ng tuwalya. Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto pero bago ko pa man yun magawa, may nakita akong anino sa may gilid ng kama nya, dahil sa ilaw ay naaninag ko iyon. Pero hindi ko na lang yun pinansin pa at dumaretso na lang ako palabas sa kwarto nya. Umupo muna ako sa sala at hinintay sya.

***

"Ah Kuya Johanne, eto yung cellphone oh." Sigaw nya kaya tumayo nako at pumunta sa kwarto nya. Nakabihis na sya kaya kampante nako, kinuha ko ang cellphone nya at hinanap ang number ni Jayron. Pero bago ko pa man yun tawagan humarap muna ako kay Rosalyn.

"Hindi ba tumawag o nag text man lang yung number na sinave ko noon?" Tanong ko kay Rosalyn.

"Hindi Kuya Johanne eh," sabi nya at lumingon sa may kama kaya napalingon din ak--

"Sino yan!?" Medyo napataas ang  boses ko sa kanya.

"Ah Kuya, si Darwin nga pala, Boyfriend ko." Pakilala nya doon sa lalaking nakaupo sa may kama.

"Boyfriend mo? Tapos nung naligo ka eh, naka-tapis ka lang kahit nandito sya sa loob?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

'tsk! Kababaeng tao eh, magbibihis lang kailangan pa kasama ang boyfriend nya'

"Oo kuya pero wala naman kaming ginagawang masama eh, at hawak nya yung cellphone ko, naglalaro sya." Sabi nya pa.

"Oh sya sige-sige, pero dapat hindi kayo masanay ng gana'n, okey? Masyado pa kayong bata para magsama sa isang kwarto, at ilang taon kana nga ulit?" Tanong ko pa.

"14 Kuya," nakayukong sabi nya pa.

"Sige, yaan mona lang, lalabas muna ako at tatawagan ko lang ang kaibigan ko." Sabi ko at lumabas na.

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon