Chapter 12

106 1 0
                                    

Faith's POV

"Saan ba tayo pupunta ha?" Si Leo kasama ko sila ni Cassandra.

"Sa RB, makikipagkita ako kay Allen." sabi ko naman.

"Huh? Sino ba yun Faith?" Takang tanong ni Cassandra.

'psh! usisera pala to'

"Manliligaw ko."

"Ha?" Silang dalawa at sabay tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Tsk! Ngayon lang ba kayo nakarinig ng manliligaw ko? At gulat na gulat kayo?" Natatawang sabi ko.

"H-hindi naman sa ganon Faith pero yung sinabi mong A-Allen? Yun ang ngayon ko lang narinig." May pagtataka pang sabi ni Cassandra, tumingin naman sakin si Leo.

"Ah dalawang linggo na syang nanliligaw sakin. Nakipag break daw sa kanya yung girlfriend nya kasi nalaman nung babae na nambabae sya, eh ako lang naman ang babae ni Allen." Sabi ko pa sabay inalala yung pangyayaring yun.

-Flashback-

Pagka alis nung ex ni Allen, nag inom kami. Late na kasi akong dumating kaya hindi kona alam ang nangyari at kinuwento na lang sakin ni Allen.

"Haha, alam mo ba Faith, galit na galit yun, kasi niloko ko daw sya eh. Hindi ko naman sya niloko, sadyang wala lang sa kanya yung gusto ko." Sabi ni Allen sabay inom ng Vodka.

"Eh ano ang nangyari?" Nakikisakay na tanong ko sa kanya.

"Ayun, nakipaghiwalay sakin. Edi sabi ko SIGE, MAGHIWALAY NA TAYO haha, eh ikaw kasi ang gusto ko." Dare-daretsong sabi nya na ikinabigla ko.

'eh ikaw din naman ang dahilan kaya ako nakipaghiwalay kay Jayron'

"A-ah." Naiilang kunyari na sabi ko.

"Pwede ba akong manligaw sayo?" parang nawala yung tama ng alak na sabi nya sakin.

"Hehe, loko ka talaga Allen, lasing ka lang kaya mo nasasabi yan," pabiro ko pa sa kanya.

"Hindi Faith, Hindi sa lasing ako. Gusto lang talaga kitang ligawan." sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Per---"

"Walang pero-pero Faith, oo at hindi lang ang gusto kong marinig mula sayo." Nakangiti pang sabi nya.

'nako wala na nga ang tama ng alak sa sistema nya'

"O-oo Allen." Sagot ko.

"Hoo...yes! Haha sasagot kadin pala may pa pero pero kapa." Biro nya.

'teka ano nga ba yung pangalan ng ex-nya?

"Ah A-Allen, pwede ba akong magtanong?" Umpisa ko.

"Hmm...ano yun baby?" Sabi nya.

"Anong baby ha? Anong baby-baby ka dyan?" Sabi ko sabay hampas sa braso nya.

"Haha, biro lang naman." Sabi nya pa ng tatawa-tawa.

"Ah tatanong ko lang sana kung ano yung pangalan nung Girlfrien--"

"Ex Faith, ex- hindi Girlfriend, at kung meron man akong magiging Girlfriend ikaw na yun." Sabi nya ng seryoso. Kaya medyo kinabahan ako.

"O-oo nga E-Ex nga, sabi ko nga." Palusot ko.

"Aubrey ang pangalan nya. Sila ang may ari ng Star Mall." Sabi nya pa sabay inom ulit ng Vodka.

"Ah Aubrey, hindi ko pa sya nakikita eh." Sabi ko at uminom din ng Vodka.

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon