Chapter 16

46 3 0
                                    

Johanne's POV

~knock!~~knock!~

Natigil ako sa paghuhugas ng pinggan ng may kumatok.

"Sandale!" sigaw ko at nagpunas ng kamay saka pumunta sa pinto.

"Sino ba--" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng makita ang nakakalokong ngiti ng kaibigan kong loko.

"Oh ginagawa mo dito?" nakataas ang isang' kilay na tanong ko.

"Hindi ba pwedeng papasukin mo muna ako? Aba' bisita ata ako dito! Hahah--"

"Wala akong bwisita, tsk! Oh pasok!" Sabi ko at iniwan sya sa pinto. Inayos ko na muna ang uupuan nya.

"Oh nakakahiya sa bwisita ko eh!" sabi ko sa kanya. Nginisian naman ako.

"Wala bang pa-kape dyan?" Nakangising tanong nya pa.

"Dun sa patay libre kape, patimpla ka pa." Sabi ko naman ng nakangisi, at ngumuso lang ang loko sakin.

"Oh sya sya, eto na magtitimpla na nga eh. Jusko!" Iritadong sabi ko, akala ko naman makakaligtas nako dito hindi pala. Tsk!

"Yunnn! Hahaha, the best ka talaga bro." Nakakalokong tawa nya. Pumunta nalang ako sa kusina at pinagtimpla sya ng kape.

***

"Ano ba kasi ang sadya mo at pumunta ka dito?" Paunang tanong ko.

"Niyayaya kasi tayo nila Aubrey na maggala eh." Sabi nya, nanlaki naman ang mga mata ko. Muntik ng maibuga sa kanya yung kape nya.

"Teka! naman bro, kape ko yan eh bakit mo ininom? Tsh! Fvck you bro. That's mine!" Sagot naman nya at kinuha bigla ang kape nya na hawak ko.

"Eh bakit naman kasi nila tayo yayain maggala?" Nagtatakang tanong ko pa rin.

"Ewan ko nagtext sakin si Aubrey, hindi ko nga alam kung paano nya nalaman yung number ko eh." Sabi ni Jayron habang hinihipan ang kape nya. Pero nakangisi.

"Oh eh bakit ka ngisi-ngisi dyan?"

"H-Ha? Wala bro. Natatawa lang"

"Weh? Natatawa ba talaga? Oh baka may tinatago ka?"

"Ayy bro, I'm not gay, kaya wag mo kong panghinalaan dyan. Baka mamaya may gawein ka sakin, at nagiisip kalang ng paraan para maikama mok---Aray!" ingit nya agad. Binatukan ko eh, kung ano ano ba naman isipin gago lang.

"Eh saan ba kasi tayo gagala?"

"Ewan ko, sabi nya magtetext daw sya sakin eh. Bat may gagawin ka ba bro? Sabihin kona lang di ka makakasama kasi---"

"Sige sige, sasama nako. Wala din naman akong gagawin dito eh" sabi ko.

"Teka sandali parang---Ayy! Bro may trabaho ka diba? Sunday ngayon."

"Oo meron nga, kaso late na akong nagising kaya dina ako nakapasok. Saka sabi din naman sakin ng kasama kong si Lance sa trabaho, kung sakaling mga 7:00am lagpas nako nagising wag na daw ako pumasok ganun daw kasi yun. Dahil ayaw ni Madame FF ang late." Mahabang paliwanag ko. "Saka isa pa, wala si Tatay dito." Dagdag ko pa.

"Huh? Eh bakit nasaan tatay mo?"

"Hindi ko alam. Basta pag uwi ko kagabi wala sya dito. Walang tao dito sa bahay."

"Sige bro magbihis kana lang, Antayin kita."

"Sige," yun lang at tinapik ko ang balikat nya. "Maliligo pala muna ako bro." Pahabol ko pa bago lumabas ng bahay. Sa poso ako naliligo eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon