Chapter 15

21 1 0
                                    

Johanne's POV

Sa bahay..

"Tay, ito na po yung gusto nyon'g ulam. Binili kona ho Tay." Sabi ko agad at inilapag ang binili kong pritong manok sa lamesa. Pumunta naman ako sa kusina para tignan kung may sinaing na.

'bakit hindi sumasagot si tatay?
At bakit walang sinaing?

Tanong ko pa sa isip, kaya bago magsaing ay sumilip muna ako sa kwarto ni Tatay--- nasaan yun? Wala si tatay dito sa bahay eh, saan kaya sya nagpunta?

--tok---tok--

May kumatok kaya agad agad akong dumaretso sa pinto at tinignan kung sino iyon.

"Magandang gabi ho Aling Nena ano ho ang inyong sadya?" Paunang sabi ko agad kay Aling Nena.

"Ah iho, ang iyong tatay ay nagsabi sa akin na aalis sya at sa isang linggo na daw babalik." Sabi naman sakin ni Aling Nena.

"Ho? Eh kailan daw ho sya babalik?" Nagtatakang sagot ko.

"Sa isang linggo nga iho," ulit ni Aling Nena.

'tsk! lutang'

"A-ah." Napapakamot sa ulong sabi ko. "Pero kailan lang ho pala sya nakaalis?"

"Kanina lamang. At hindi lasing ang tatay mo." Gulat na dinig ko sa sinabi ni Aling Nena. "Aba'y, himala nga iyon." Parang hindi rin makapaniwalang sabi ni Aling Nena.

'saan kaya nagpunta si Itay?

"Oh pano Johanne iho, ako'y uuwi na at ang aking tindahan eh baka maubos ang paninda." Paalam ni Aling Nena.

"Sige ho Aling Nena, magiingat ho kayo." Yun lang at nakaalis na si Aling Nena kaya sinarado ko na ang pinto at pumunta sa kusina. Kinuha ang timba at nag igib para magsaing.

***

"Kala ko pa naman gusto ni Tatay ng pritong manok tapos ngayung nandito na at naibili kona saka naman umalis si Tatay." Sabi ko sa sarili ko habang naghahain mag isa sa hapagkainan, dalawang manok pa naman ito tag isa kami.

***

Inayos kona agad ang pinagkainan ko at pumasok na sa kwarto ko. Inayos rin ang higaan bago humiga.

'mag iipon ako at bibili ako ng cellphone para naman may matawagan ako at mapagtanungan'

Sabi ko sa isip at natulog nalang.

-KINABUKASAN-

Athena's POV

"Uyy--- dude! Gising na." Boses ni Aubrey.

'teka Anong ginagawa nya dito sa bahay ko? At pano sya nakapasok eh nakakandado lagi ang bahay ko.

"Athena!" Gising ulit nya.

'teka bakit ba kasi nandito tong si--- ay putsa! Dito nga pala ako natulog sa kanila. Kaya naalimpungatan akong gumising'

d-_-b

"Sorry dude, akala ko sa amin ako natulog, kaya nagtataka ako kung bakit nandito ka sa bahay ko. Alam mo naman, nakakandado mga bintana at pinto. Kaya napaisip ako kung paano ka nakapasok dit---"

"Blah! Blah! Blah! Blah! Blah! Blah!Blah! Blah! Blah! Blah! Blah! Blah!" Naglalakad na papalayong sabi nya.

d-_-b

'Bastos talaga tong babaeng to, kung kelan kinakausap ng maayos saka babanat ng ganon'

"Hoy! Bwiset ka talaga! Kinakausap ka ng maayos tapos bababatan moko ng ganya--"

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon