Chapter 11

100 3 0
                                    

Johanne's POV

"Bro, sorry sa mga nasabi ko, akala ko kasi mapapagaan ko ang nararamdaman mo eh." Sabi ko sa kanya. Okey okey na sya.

"Ayos lang bro, alam ko naman'g pinagagaan mo lang ang loob ko."sabi nya pa.

"Pero, tanda mo pa naman kung paanong niloko nya kong talaga diba?" Dagdag nya pa.

"Oo, bro, kitang-kita ko nga eh kung paanong pinagmukha ka nyan'g tanga sa harap ng maraming tao. At pagsalitaan ng masasakit na salita." Sabi ko at inalala yung nakita ko.

-Flashback-

Sinundan ko yung kotse na nakita ko dahil kilala ko kung kanino yon. Hanggang sa huminto ito sa harap ng isang…

RB? Ano to?

Bumaba sa kotse si Jayron. Kilala ko kasi yung kotse nya eh. Nagmamadali syang pumasok sa loob ng FB. Hindi nya alam na nakasunod ako sa kanya. Kaya pumasok din ako sa loob ng… RESTO BAR?

'Anong klaseng Bar to?? the heck! ito ba yung ibigsabihin ng RB.
'akala ko pa naman kung ano letse!

'kelan pa sya natutong pumunta sa ganitong lugar---

'okey naiintindihan ko na kung bakit. Now this is War!

"Dito mo ba dinadala yung pera na binibigay ko ha? FAITH! eto ba yung sinasabi mo na babayaran mo dahil kelangan mo ha!!!" Galit na sabi ni Jayron sa Girlfriend nyan'g si Faith. At ngayon ko lang narinig na tinawag nyan'g Faith na dapat ay Sweetie nya.

"HAHAHA" nakakalokong tawa ni Faith kay Jayron. Tsk! Insane.

"Anong itinata-tawa mo ha? Sweetie naman eh!" Biglang garalgal na boses ni Jayron at bigla namang sumeryoso si Faith sa kanya.

"Hindi mo ba alam ha? Oh hindi mo lang nahahalata na hindi kita MAHAL! Dahil look Jayron, PINEPERAHAN lang kita!." Sigaw ni Faith kay Jayron, dahilan kaya napatingin sa kanila ang ilang mga customers.

"Halata nga eh, halata naman na pineperahan mo ko pero ano? Wala eh mahal kita kaya nagpapakumbaba ako, because I deserve a second chance Faith, and I know na magbabago ka at tulad ko mamahalin mo rin ako." Nangingilid na luhang sabi ni Jayron.

"Hahaha, insane Jayron, kabaliwan ang magpakatanga sa taong hindi ka naman minahal, nagpakabulag ka kasi sa pagmamahal mo kaya hindi mo alam na puro katangahan na yung nangyayari sayo, itigil muna nga to, tapos nako sayo. Salamat sa pera mo, hindi na kita kailangan." Pagdidiin ni Faith sa huling sinabi at akmang tatalikod na sya ng yakapin sya patalikod ni Jayron.

'tsk! tong lalaking to talaga, basta mahal nya magpapakatanga na, hindi man lang maawa sa sarili nya, alam nya namang hindi sya deserve ni Faith eh! Tsk! Mukhang perang babae'

"Jayron Ano ba!? Ha? Bitiwan mo nga ko!" Pasigaw na sabi ni Faith kay Jayron na nakayakap sa likod nya.

"Ayoko Faith! AYOKO! Wag mo kong iwan please. M-Mahal na M-Mahal kita please. S-Sweetie D-Don't do this t-to me. I-I Love Y-you" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jayron.

"Psh! Baliw kana Jayron. Dapat sayo pinapadala sa Mental Hospital, masyado mong binulag ang sarili mo, hindi naman kita Mahal at mas lalong hindi kita MINAHAL! at buti nalang talaga hindi kita minahal dahil baka nagmahal pa ako ng isang baliw na gaya mo, kaya pwede ba? Layuan muna ko, leave me alone! Jayron because I don't need you anymore." Pagdidiin ni Faith at malakas na inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Jayron.

"But, Faith Mahal kit--"

"Pero paano ako? Hindi naman kita mahal. Kaya wala na tayo Jayron, wala na tapos na. HIWALAY na." May pagkakadiin na sabi ni Faith at lumabas na sa Bar.

ENEMY SPOTTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon