Chapter 6 Akyat Mansiong Gang

134 6 0
                                    

Mara POV

.

"Anong gagawin mo?" mahinang sambit niya ngunit may diin. Tsss! Di nga pala niya alam na mansion namin ito at ang porpose kung bakit ako nagpa-hatid dito. "Saka, kanino 'yan mansion? Mas malaki pa sa mansion namin." tanong nito at kita ko sa mukha niya ang pagka-mangha, napangisi naman ako sa aking isipan. Oo malaki nga pero, aanhin mo ang malaking bahay kong mga devil ang nakatira. Pfffft..

"Yan ang mansion na aakyatin ko ngayon, kaya kung pwede lang antayin mo na lang ako sa loob ng kotse mo at wag kang gagawa ng kung anong ingay. Mahirap na baka mahu-" Sh*t! He cut me off!

"Aakyatin mo?!" bulalas niya, Sinenyasan ko siyang hinaan ang boses niya. "Ano ka, mag-nanakaw?! Hoy babaeng baliw! Baka nakaka-limutan mo na pwede kang makulong!" Pffft! Hahahah.. Oo ipa-kukulong ako ng sarili kong pamilya.

"Hayss! Manahimik ka na lang, basta antayin mo na lang ako sa loob ng kotse mo. Sandali lang ako, may kukunin lang ako. Sige na.." itinulak ko pa siya ng bahayga papunta sa kotse niya, nange-nge-alam pa sa diskarte ko at nauubos ang oras ko. Tinalikuran ko na siya at pinewesto ko na ang sarili ko para umakyat kaya lang...

Anak ng parents naman talaga niya, Oh!

Hinila na naman ako ng baklang ito..

"Ano na naman?!" inis na wika ko sa kanya.

"H-hoy! Babae, huwag mo ng ituloy yan. Kung kailangan mo ng pera sige pahihiramin kita." Singhal nito na akala mo naman pera ang kukunin ko sa loob. Aist! Napa-sabunot ako sa sarili kong buhok, makulit din pala ang isang ito!

"Relax! Okay?! Makinig ka mabuti, Okay? Ang bahay na 'yan ay mansion namin, at hindi ako nag-punta para nakawan ang sarili kong tinitirhan. Okay? Meron akong ililigtas sa loob ng mansion na 'yan at kung ano pa ang mga katanungan dyan sa isip mo, Please! Mamaya ko sasagutin, utang na loob! Ubos na ang oras ko, dadating na ang evil witch sa bahay na 'yan! Kaya isa pang pigil, patay ka na sa akin!" dire-diretso kong lintanya sa kanya.. Hiningal ako doon ah.. Tss!

Mabilis akong umakyat sa gate namin, tsk! Kahit na naka-palda ako ay, Okay lang dahil naka-short naman ako na pan-loob. Nang marating ko ang tuktok ng gate namin ay tumalon ako pababa sa loob, kaya ko naman kahit medyo may kataasan. Wala na akong oras!

BLAAAG!

(Tunog yan ng pag-lagapak ko, Whaha!)

Ito na naman ang secret agent look ko..

How I wish, wala sanang maka-huli sa akin.

Chad POV

.

WHAT THE EFF!

O_____O

May lahi bang akyat bahay ang babae na ito? Grabi! Parang sanay na sanay kung umakyat ng mataas! Nasa tuktok na siya ngayon, hindi man lang nailang na naka-palda siya.

DARN!

She's really crazy! Alam niya bang kung gaano kataas ang tinalon niya? Hindi ba siya nag-iisip? Paano kung magka-mali siya ng bagsak!?

HOLLY SH*T!

Bakit ba simula ng makilala ko ang babae na 'yan, madalas na akong sumisigaw at nag-mumura? This is insane! She's a trouble maker, I known! Tss!

Saka, Sinabi niya na mansion daw nila yan. So bakit kailangan niya pang-akyatin ang sarili niyang bahay? Anong pag-iisip ang meron ang babae na yon? Iba rin ang tililing niya! Grabi! Sumasakit ang ulo ko sa kanya, Sino naman ba ang ililigtas niya dyan?

Can be called this, Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon