Chapter 12 Dinner.

116 5 0
                                    

Mara POV

Completo kami ngayon sa hapag-kainan maliban kay Oppa Aiden, malamang nasa korea pa siya ngayon. Alam kong bussy 'yon sa preparation ng kasal niya at tumutulong pa sa pag-papatakbo ng negosyo namin doon. -________-

Sana nga malugi na ang companya namin!

Tss!

Baka sakali kasing maging tao na ulit ang pakiki-tungo ni witch sa amin.

Tahimik kaming kumakain, halos ang mga tunog lang ng kutsarang sumasagi sa platong babasagin namin ang ingay na naririnig--ay mali pala! Ako lang pala ang maingay na kumain sa mesang ito. Pfft. Kita ko ang pasimpleng tawa ni Oppa tristan. Ang tahimik kasi, nakaka-bingi!

"Hanggang ngayon ba Iha, wala ka pa rin manners pag-dating sa hapag-kainan?" formal na tanong ni Witch, tss! Pati ba naman sa pag-kain ay kailangan pa rin niya ako diktahan? Hindi ko na lang siya pinansin at nag-patuloy sa pag-kain. Ganto ako, kaya bakit ko kailangan baguhin ang sarili ko ayon sa gusto niya? Hayss!

Dyan naman siya magaling, ang punain ang mga mali ko, ang punain ang mga hindi niya gusto sa akin.

Kelan niya ba ako pinuri?

Kelan niya ba napansin ung mga bagay na ginawa kong tama?

Wala, diba?

Hindi ako mag-papa-per-pekto sa kanya, para lang maging magaling sa mata niya.

Matapos namin kumain ay sinerve na ang dessert. Ito favorate ko dito ang kumain ng dessert, dahil stress ako sa kanila kakain ako ng marami. Hihihi..

Letche plan! ^_____^

"Iho, hows the business?" muling wika ni witch. Ito ang ayoko pag-dating sa usapan, puro business. Tss! Itinuon ko lang ang pansin ko sa kinakain ko at hindi na nag-abala pang makinig sa pag-uusap nila about business. Nakisali na din si Eonnie, sympre siya nga ang nag-aasikaso ng business dito sa pinas.

"Manang, meron ba pa? Pahinge pa ako." mahina kong wika kay manang na nasa likod ko lang, mahirap na makita na naman ako ni witch. Mapuna na naman ako. Tumango lang si manang at ngumiti bilang sagot.

Bumalik ako sa maayos na pag-kaka-upo, nahuli ko pang naka-ngiting naiiling si Oppa. Minsan naiisip ko mukha ba akong kengkoy? May sayad din itong si Oppa eh. Patuloy lang silang nag-uusap habang ako ay naka-upo lang dito at inaantay na mag-serve ulit si manang ng dessert para sa akin.

Hayss!

Sa totoo lang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Paano, wala akong ideya kong bakit nandito ngayon si witch. Hindi naman 'yan bigla-biglang uuwi, maliban na lang kung importante ang pinunta niya dito. Nag-simula na ulit akong kumain pagka-serve ni manang.

"Mara." nagulat ako ng tinawag ako ni Witch. Tumingin ako sa kanya ng may formal na mukha at hindi sumagot. Pero sa loob-loob ko kinakabahan na naman ako sa sasabihin nito, kung ano naman ang kapuna-puna ang sasabihin niya. "How's the school?" tanong nito. Dahan-dahan niyang nilapag ang kutsarang ginamit niya at mahinhin na pinunasan ang gilid ng kanyang bibig.

Wow! talaga bang 'yan ang dapat na unang itanong niya sa akin?

Paano kong sabihin ko na, ayon sa unang araw ko ay naka-tanggap lang naman si Oppa ng sunod-sunod na reklamo sa akin.

Pero, posibleng hindi makarating sa kanya 'yan.

"It's okay, I think." I said at binalik ang paningin sa aking pag-kain.

"Hanggang kelan mo gagawin ang mga ginagawa mo? Hindi ka ba napapagod sa kakatakas sa mga butler mo?" medyo may kasungitan nitong wika. Kitam, alam niya. Tss! Minsan naiisip ko kong anak ba ang turing niya sa amin o robot na dapat kinokontrol.

Can be called this, Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon