Chapter 10 Confuse

117 4 0
                                    

Mara POV

.

"Sorry po Ma'am Mara pero bilin ni Ma'am Lucy na kayo lang po ang gusto niyang maka-usap." Bungad at magalang na sabi ng isang butler na nasa harap ng pinto ng office ni Oppa.

"She's my friend, Just let us in." Utos ko, Kasama ko si Ashy para i-explain namin ang nangyaring gulo sa cafeteria. Alam kong hindi maniniwala si Eonnie kung ako mismo ang mag-sasabi kaya isinama ko siya.

"Pasensya na po, Ma'am Mara. Mahigpit pong pina-bibilin sa amin na kayo lang po ang gusto niya makita at maka-usap." hinging tawad ni Butler at bahagya pa itong yumuko. Nag-paka-wala ako ng isang malalim na buntong-hininga, mukhang galit ngayon si Eonnie. Humarap ako kay Ashy at mapait na ngumiti.

"Ashy, siguro ako na lang muna ang haharap sa ate ko. Meron ka bang sundo ngayon?"

"Sigurado ka ba, Mara? Pero ako ang dahilan kung bakit ka napa-away.." malungkot nitong wika at hindi sinagot ang tanong ko. I smile to her with a cheerful look and wink at her.

"Asus! Ano ka ba naman? Sinabi ko naman sayo na kaibigan mo ako, natural lang na gawin ko 'yon. Ako si Mara, pino-protektahan ko kung sino man ang malapit sa akin lalo na ang mga nagiging kaibigan ko. Tandaan mo yan, Okay?! So, don't feel guilty for what I deed. Saka, sanay na naman na akong salubungin ang sungay ni Eonnie. Tandaan mo may sungay din ako." I try to joke at her, mukhang effective naman. She's smile at me that make her more beautiful.

"Thank you, Mara. I'm lucky to have a friend like you." naka-ngiting wika nito. Achehe.. Binola pa ako, ako nga ang maswerte eh. Akalain mong mag-kakaroon ako ng kaibigan na anghel na gaya niya.

"*wink* Wala 'yon, ito naman. Kinilig ako doon. Hahahaha." tawa-tawa kong wika, tumawa naman siya sa sinabi ko. "May sundo ka ba ngayon? Gusto mo ba ipahatid kita kay butler?" tanong ko.

"Ahh.. Oo meron akong sundo ngayon, Mara. Hindi mo na kailangan mag-abala."

"Sige, Ipapahatid na lang kita kay butler sa may parking lot. Mahirap na baka nag-kalat ang kampon na naka-away natin kanina. Hihihi.. Saka, pwede ba ako humingi ng favor? Maari bang patago ko muna sayo si Rostar, iyon ung gitara na bitbit ko kanina."

"Sure, ikaw pa. Iingatn ko 'yon para sayo dahil sabi mo mahalaga sayo iyon."

"Salamat." bumaling ako ng tingin kay butler. "Butler, nasaan ang gitarang pinahawak ko sa inyo?" tanong kay butler na nananatili pa din naka-tayo sa may pintuan.

"Nasa kotse po, Ma'am Mara." agad na sagot nito.

"Ganon ba, Maari niyo po bang iabot yon kay Ashy. Siya na muna ang mag-tatago non at ihatid niyo siya sa may parking area kung nasaan ang sundo niya. Siguraduhin niyong maihahatid niyo siya ng maayos at walang sino man ang mananakit sa kanya." maautoridad kong utos.

"Yes, Ma'am Mara. Masusunod po."

"Paano, Ashy ingat ka." paalam ko sa kanya.

"Call me if you need someone, Okay? Yes I will, Ikaw din." paalam din nito, I wave my hand to her. Lumakad na sila paalis, nag-bow na muna ang dalawang butler bago sumunod kay ashy.

Kaya ko toh! Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses. Pinihit ko ang door knob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Isang matalim na tingin ang sumalubong sa akin, si Eonnie naka-upo sa may couch. Naka-halukipkip ang mga kamay sa kanyang dibdib, mag-kasalubong ang mga kilay at namumula sa galit.

Tumingin ako sa gawi ni Oppa na naka-upo ito sa may office table niya, tahimik ngunit bakas sa mukha na may nangyaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa. Tumingin siya sa akin na may pilit na ngiti at tumango lang ito, nginuso si ate na para bang sinasabing harapin ko na siya. Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya, I feel sad to Oppa. I can see a painful on his eyes even if he try to smile at me.

Can be called this, Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon