Chapter 14 Punishment

119 5 0
                                    

Mara POV

Andito kami naka-upo sa may couch malapit sa office desk ni Oppa. Parehas na seryosong mukha ang sumalubong sa akin, lalo na si Oppa. Pero hindi naka-ligtas sa mga mata ko ang simpleng pag-ngisi sa akin ng lalaking empakto na ito.

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag ngayon, Ms. Stone?" sobrang formal ang pakiki-tungo ni Oppa sa akin, pero hindi mawawala sa tono nito ang seryoso. Nagulat at naguluhan man ako ay pinilit kong hindi ipahalata.

"I don't have any idea, Mr. Park." agad na sagot ko, hindi ko siya tinawag na Oppa dahil baka isa sa dahilan kaya tinawag niya ako sa surname ko ay nasa harap kami ng ibang tao at isipin nila ay binibigyan ako ng special treatment at dahil sa kapatid ako ng asawa niya.

"Do you know him?" tanong nito at sabay baling niya ng tingin sa kaharap kong lalaking empakto, naiinis ako dito dahil sa nakikita ko sa mga mata niya ang pang-asar na para bang sinasabi 'Lagot ka!'

"No, I don't know him even his name. Why?" sagot ko, kalmado lang ang pag-sasalita ko at napaka-casual. Pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumabog sa kaba kung saan ba patungo ang usapan nito. Masyadong formal ang pakiki-tungo ni Oppa at seryoso. Sa totoo lang may idea na ako kung bakit ako nandito, lalo na at kaharap ko ang empakto na lalaki na ito, saksakan pa ng gwapo. See? Nakuha ko pa siyang purihin sa isipan ko kahit na naiinis ako sa kanya. Hahahaha.. Okay, nababaliw na naman ako.

Ang pinag-tataka ko lang ay bakit dito siya dumeresto kay Oppa, pwede naman mismo sa office ng disciplinary committee siya mag-reklamo. Naku! damuhong ito, parang gustong mas maging masama ang image ko kay Oppa. Porket ba narinig niya na takot ako kay Eonnie. Tss!

"He's the son of Mr. Amir Lee, one of my father business partner. Shiro Ray lee the one and only his son." Pag-papakilala ni Oppa. Oh? E, ano naman paki-alam ko sa pangalan niya at sa papa niya? Hindi naman ako interesado na makilala siya. <____< "And I heared what you did to him yesterday. Its that true?" O_____O b-bakit parang nag-iba na ang tono niya sa akin? Parang pigil nagalit at inis.

"Y-Yes." napapa-lunok kong sagot. "But Oppa, Let m-" he cut me off.

"Hindi ako humihingi ng paliwanag ngayon sayo, Ms. Stone. Gusto ko lang marinig ay ang sagot mo sa aking katanungan." he paused. "Alam mo naman na nasa rules and regulation na bawal ang ginawa mo, pinalagpas ko ang una mong ginawa dahil ipinagtanggol mo ang kaibigan mo. Pero ang ginawa mo kahapon ay hindi tama, paano kung mapahamak ang anak ni Mr. Lee? What you did is really wrong, Ms. Stone. I hope you aware for that?" tumango lang ako at tumungo, hindi ko na nagawa pang sumagot.

Nahiya tuloy akong humarap kay Oppa, siguro ay isa sa mga importanteng tao ang ama ng damuhong ito. Bakit? muka naman siyang Okay ngayon ah? Kung maka-pag-report naman ito kala mo ay mamamatay na sa nagawa ko. Alam kong masakit yon pero tinansya ko ang lakas ng pag-papa-bagsak ko sa kanya. Tss! Lampa ba siya?

"Sorry to tell you, Ms. Stone. But you need to face your punishment." muling wika ni Oppa, medyo kalmado na ang tono nito. Pero hindi ko pa din magawang humarap sa kanya dahil sa kahihiyan. Ang dami na nga niya iniisip, isa na doon ang problema nila ni Eonnie.

"Don't worry Oppa, Hindi ko naman tatakasan kung anong parusa ang ibibigay sa akin. Pasensya na kung pati ikaw ay naaabala ng dahil sa akin." humarap ako kay damuho ng walang emosyon, naiinis ako sa kanya pero ayoko ipahalata. "Mr. Lee, I'm sorry for what I did to you." bahagya pa akong nag-bow upang pag-hingi ng tawad na labag sa aking loob. Naku! kung alam lang ng damuho na ito na kanina ko pa siya pinapatay sa isip ko..

"I accept your apology, Ms. Stone." seryoso nitong wika, hindi na ako nag-abala pang sumagot sa kanya dahil baka masapak ko na siya. Langya! nakita ko lang naman ang simpleng pag-ngisi niya. Humanda ka sa akin pag-labas natin dito, makaka-tikim ka ng sapak sa akin. Tama na siguro ang upper-cut at flying kick. *insert devil laugh* Ngumisi ka lang ng ngumisi, damuho ka.

Can be called this, Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon