02

397 26 4
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

"Uy, anong ganap kanina? Nakita ko yung eksena nyo ni Jaehyun?" Sabi ni Nakamoto at tinusok tusok pa ako sa tagiliran. After ng game nila pumunta sya agad sakin para makichismis about doon sa eksena namin ni Jaehyun kanina na nakita nya pala. So nandito sya ngayon para asarin ako.

"Wala nga sabi."

"Meron eh. Ano yon bat may pagulo ng buhok? May something eh, bilis mong magdamoves ah, paturo naman."

"Ang malisyoso mo ha. Wag ka ngang maingay dyan. Baka dumating si Jungwoo marinig ka pa."

"Eh ano naman? Edi pareho kayong may crush kay Jaehyun. Pero atin lang tong dalawa ha, mas bagay kayo. Ayieeeee!"

Napangisi lang ako ng palihim doon. Sya itong nagsabi na wag na ako makiagaw kay Jungwoo pero sya naman itong kauna-unahang supporter ko. Haha! Magaling. Mahal ko talaga tong Hapon na to.

"Pero hindi pa kami friends Nakamoto." Nakasimangot kong sabi sa kanya kaya naman napataas yung kilay nya.

"Hindi pa kayo friends nun? Sus, maniwala ka sakin, ituturing ka ng kaibigan ni Jaehyun kasi kung hindi, hindi ka nya kakausapin."

"Ha? Ganun ba yun?"

"Oo, buti nalang pala sumama ka sa kanina. Hindi ka sana kinikilig dyan ngayon."

Napatango nalang ako, medyo may kaartehang taglay din pala ang lalaking yun pagdating sa kaibigan, eh ano naman? Kanya kanyang life style naman yan.

At dahil good mood ako ngayon, sinabihan ko si Nakamoto na wag na kaming pumunta ng cafeteria para kumain, ipagluluto ko nalang sya. At syempre tuwang tuwa ang gago. Well, masaya din naman ako na ipagluto sya.

Tapos na din naman mag-ikot yung taga monitor samin kaya pwede na ko magluto. Well actually, bawal magluto dito. Meron namang gas stove sa labas pero ayoko magluto doon at ayokong naeexpose. So dito nalang. Matagal tagal na din akong hindi nakakapagluto.

--

Nakaramdam ako ng may yumakap sakin paglabas na paglabas namin ni Yuta sa dorm. I saw Jungwoo smiling at me kaya napangiti na din ako.

"Hi hyung!" Bati nya at dinikit pa lalo yung pisngi nya sakin.

Ang clingy talaga nito.

"Bakit hindi pa kayo dumirecho sa room nyo?" Tanong ko naman.

"Gusto kita kasabay."

"Gusto ka ba?" Singit naman ni Yuta.

"Tangina mo ah!"

Bago pa may magawa si Jungwoo na hindi karapat dapat kay Yuta ay napigilan ko na sya. Nagtext si Taeil hyung kanina, nauna na daw sila ni Kun sa room. Wala kaming pake.

Joke lang. Wag ganon.

Panay naman ang reklamo ni Jungwoo habang nakatingin sa phone nya. We're on our way to our rooms when we heard him complains suddenly.

"Tanginang lalaki to hindi ako tigilan." sabi nya na nakasimangot at gigil na gigil magtype sa cellphone nya.

"Sino yan? Jowa? Akala ko ba si Jaehyun lang?" Sabi pa ni Yuta.

Kanino ba talaga pumapanig tong bading na to? Yung totoo Nakamoto?

"Jowa? Ews. As if."

"Arte. Maganda ka?"

"Oo bakit? Angal ka?"

"So sino nga yan?" Ako na nagtanong at ako'y curious din.

"Si Lucas. Kagabi pa ako kinukulit nitong puta na to. Saan nya nakuha ang number ko?"

"Bakit daw? Baka gustong pumorma?" Tanong ko ulit.

"Hindi. Pinipilit akong sumali sa basketball team nila. Tanginang gago to gusto ako pag mukaing tanga."

"Okay lang yun, mukha ka na namang tanga. Isa pa, makikita mo si Jaehyun doon at makakasama ayaw mo non?"

"Taena ka Nakamoto hyung! Ikaw nagbigay sa Lucas na yon no?!" Dinuro pa nya si Yuta at dahan-dahang lumapit.

"Bat nambibintang ka jan? Tanungin mo yung dalawang Chinese na idol na idol si Ten baka alam!" Singhal ni Yuta.

"Bat nambibintang ka din?"

"Eh sinimulan mo eh!"

"Bading ka!"

"Mas shokla ka!"

"Mukha kang kulugo!"

"Mama mo panot!"

"Hyung panot ka daw!" Liningon ako ni Jungwoo bigla at naka kunot-noo pa. Mukhang kaunting pitik nalang iiyak na.

"Hindi kita anak gago."

"Awts. Ang sakit pala ang itanggi ng taong importante sayo. Tara walwal." Bigla nyang niyaya si Yuta, nagbago naman yung ekpresyon nya at tumango sabay alis nilang dalawa ng nag-aakbayan.

"Hoy seryoso kayo?"

"Pakisabi kay sir may sakit kame."

"Hindi hyung! Nahulog kamo kami sa hagdan."

Tangina.

Bago pa sila gumawa ng katarantaduhan ay hinabol ko naman sila para pigilan.

At ang mga tanga ayun nagpahabol.

---

JAEHYUN

"Hoy, pinakain nyo na ba yan?"

"Kailan ba yan hindi kumain?"

"Bakit ganyan ang mukha? Check nyo nga baka may sakit. Mamaya nyan mamalayan natin natawa nalang mag-isa yan, delikado tayong lahat."

Dahil sa sinabing iyon ni Johnny, natawa naman sya nung tumingin ako. Wow, sino kayang baliw sa amin?

"May iniisip lang."

"May iniisip? Pero nakatingin naman kay Taeyong. Wag ako toy!" Sabi naman ni Doyoung at umiling-iling.

"Oh, bakit ka nandito? Kailan pa?" Bigla kong naitanong nung mapansin ko sya. Saming magkakaibigan, sya lang yung hindi nagbabasketball? Bakit? Mas gusto nya sa banda.

"Kita nyo yan. Nashushunga na."

"Kasi nga nakatitig kay Taeyong."

Hindi ako sumagot kasi hindi ako yung tipo ng tao na nagsisinungaling, at wala din akong balak itanggi.

Naencounter ko sya kahapon. At last! Dahil matagal ko ng pinapangarap yun. Buti nalang at hindi ako na-stutter nung makaharap ko sya.

I mean, I knew him for a very long time. Pagkatapak ko pa lang siguro ng high school noon, sya agad ang napansin ko.

Buti kasama sya ni Yuta kahapon.

He's really gorgeous, and beautiful.

I want him.

Pero paano?

"Tol, mukang type ka din nung Jungwoo. Narinig ko yun kumanta kagabi, pinapalitan ng lyrics yung Boombayah ng pangalan mo." Hansol said while playing with his phone. Naglalaro sila ng ML ni Winwin. Mga adik.

"Jungwoo? Diba kaibigan ni Taeyong hyung yon? Oh my gosh, you're in trouble." Johnny, and gasped. Mukha namang fake yung gasp nya. Parang nang aasar.

"Gago wag ka maingay. Baka marinig ka ni Bieber." Ten said while hugging Johnny's waist.

"Bakit? Type ni Lucas si Jungwoo?" Hindi malapaniwalang tanong ni Mark.

"Ay boi late na late ka na sa balita." - Johnny.

"Ginagawamue." - Ten.

"Hoy grabe kayo kay Mark! Hindi kasi sya chismoso!" - Doyoung sabay akbay kay Mark.

"Hindi chismoso ang term don. Curious dapat para sosyal. Hina mo naman tangina ka. Uwi ka na nga!" Biglang sigaw ni Ten sa kanya pero tumatawa.

Mga siraulo.

Imbes na tulungan ako sa problema ko kung paano ko makukuha ang buong atensyon ni Taeyong, ayan sila. Naggagaguhan. Tsk.

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon