13

320 12 3
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

Kagagaling ko lang sa date namin ni Jaehyun ngayon. Oo date yon, wag kayong magreklamo. So, hinatid nya ako dito sa dorm, buti kamo at wala si Jungwoo. Ayon kay Taeil hyung, he went somewhere with Lucas daw so ayun.

"Hoy bakla."

"Ano Hapon?"

"Anong drama yung nabalitaan ko kay Doyoung? Wow ha, never ever kong naiisip na isheshare mo yung crush mo kay Jungwoo."

"Gago ba you? Bakit ko naman ipagdadamot si Jaehyun? Hindi naman sya sakin, wala din syang gusto sakin tapos crush sya ni Jungwoo. Kingina mag eexplain nanaman ba ako? Kaka explain ko lang kay Ten ah!"

"Wow. Eh kasi diba yung crush mo noon na si JR ba yun? Ni hindi mo hinayaang makita namin, kala mo naman talaga eh aagawan ang gaga. Eh hindi naman pala magiging kayo!"

"Paalala mo pa hayop ka. Napaka paasa ng gagong yun, akala mo super gwapo eh mas gwapo pa nga si Taeil hyung sa kanya."

"Akala ko si Jaehyun sasabihin mo eh." Yuta chuckled.

"Duh, given na yon. Kailangan may maka appreciate na gwapo din si Taeil hyung no. Dapat pala kay Doyoung ko sinasabi to." Napakagat ako mg labi. Hehe.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko at may text na dumating from the man of my dreams. Sino pa ba?

Niyayaya lang naman nya ako magdinner sa labas. Hindi sa canteen kasi crowded daw yun at gusto nya kaming dalawa lang.

Ayoko mag-assume mga bakla pero-

"Bakit ba ang bait-bait nito sakin Nakamoto? Ganito rin ba sya sa inyo?"

"Sino?" Takang tanong ni Yuta sakin. Hina naman makagets anubayeeen.

"Si Jaehyun nga! Sino pa bang tinutukoy ko?"

"Malay mo si JR yan."

"Tangina mo ha." I rolled my eyes. Trip nanaman akong asarin nito. Minsan ang bait sakin, minsan supportive tas madalas gago.

Friendship revoke!

Charot lang. Wag nga kayo, yan nga ang numero uno kong supporter para pinilit na i-push ko ang kapokpokan kong nararamdaman kay Jaehyun eh.

"Mabait si Jaehyun pero hindi ganyan kabait samin okay? Ikaw ang madalas kasama nyan dapat mas alam mo."

"Luh, malay ko ba. Kita mong kinikilala ko pa e. Mamaya nyan mag-assume na talaga ako na bet ako ng isang to."


THIRD PERSON

Gustuhin mang nagsalita ni Yuta ay napilitan na lamang syang umiling-iling. The fun will be missed if sasabihin nya kay Taeyong na gusto nga sya ni Jaehyun kahit na minsan nangangati na syang magsalita. Pero hindi pwede, dapat si Taeyong mismo ang makapansin.

Meanwhile, pinuntahan naman ni Lucas si Jungwoo sa dorm nito para sumabay magdinner.

"Ginagawamue?" Jungwoo asked him at nakakunot-noo pa. Mukhang badtrip ito.

"Napano ka?" Lucas asked him back.

"Wala lang to. Ano nga? Mambubulabog ka nanaman?"

"Hindi, yayain kita magdinner ngayon."

"Wala akong gana. Next time na."

Lihim naman silang pinapanood ni Hansol na kasalukuyang nagising at naalimpungatan. Totoo ngang medyo masungit si Jungwoo na to kasi pati sya kanina nasungitan nito, hindi rin naman nya alam kung bakit.

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon