32

213 11 0
                                    

**✿❀ ❀✿**

Walang ibang magawa si Yuta sa mga oras na to kundi ang haplusin ang likod ng kaibigan dahil kanina pa itong hindi tumitigil sa pag-iyak. It looks like, hind maganda ang naging usapan nila ni Jaehyun kanina.

Knowing Jaehyun, syempre mahina sya when it comes to his loved ones at madaling masaktan kaya malamang hindi maayos ang magiging takbo ng isip nun.

Mabilis namang napatakbo si Ten, Kun at Taeil after nilang marecieve ang text ni Yuta. Hindi na nya tinext si Jungwoo at baka umiyak din yun.

"Beh Taeyong, tahan na." Ten caressed him carefully.

"Bakit ganun? Hindi ba sya naniniwala sakin? Hindi ba sapat yung actions ko?" He cried, like a baby. Pero totoong iyak nya yan.

"Hindi naman siguro sa ganun. Hintayin mo munang kumalma ang pag-iisip ni Jae bago mo kausapin."

"Pero d-diba dapat hindi lilipas ang gabing to na hindi kami ayos? Nakamoto anong gagawin ko? Baka makipagbreak sya sakin! Ayoko!"

Kun sighs at sya na ang pumunas ng luha ni Taeyong. Hindi nauubusan ng luha eh.

"Wag mong isipin yan. Hindi yon makikipagbreak sayo!"

"Paano kung marealize nya na hindi nya ako talaga mahal?"

"Saktan kita gusto mo?" Sabi naman ni Taeil kaya sinamaan sya ng tingin ni Ten.

"Kalma tanda, kitang umiiyak na eh." Saway ni Ten sa kanya pero pinadaanan lang sya ng tingin nito.

"Di mo sure. Kaya ayaw nya akong pakinggan kasi mahina yung faith nya sakin then marerealize nya na hindi nya talaga ako mahal."

"Wag ka nga mag-isip ng ganyan. Trust him." -Yuta

"Hindi nga sya nagtrust sakin eh."

"So gagayahin mo? Baka nga magbreak kayo ng tuluyan?" Kun said. Because of that unti unti uling napaiyak si Taeyong at niyakap na si Yuta ng mahigpit.

"Ano kasing ginagawa ng kupal na yun dito? Paano nya nalaman na nandito ka?"

"Hindi ko alam. Bigla nalang syang sumulpot at mukhang nakainom pa ang putangina." He cried.

"Oh, eh asan na sya?"

"Andun sa police station nireport ko. Sinabi ko nakainom sya at bigla nalang hinila yung kaibigan ko at hinalikan. Syempre tinanggi kong kilala ko sya, bukas malaya na yun." Sagot ni Yuta at niyakap pabalik si Taeyong.

"Sabi na at may masamang binabalak yan eh." Napapailing si Ten. "But for now, hintayin nalang muna natin si Jae, he didn't mean to do this to you Tae. Napapangunahan sya ng emotions nya at baka kung anong masabi nya kapag pinilit mo syang kausapin ngayon."

Taeyong pouted, still crying habang nakayakap ng mahigpit kay Yuta. Hindi nya kasi kaya na magalit si Jaehyun sa kanya, ngayon pa nga lang eh miss na miss na nya yung boyfriend nya tapos nagkatampuhan pa sila dahil don sa damuhong JR na yun. Bakit kasi bumalik balik pa eh! Kung ganong nabobobo naman sya dun nalang dapat sya sa bahay nila. Kesa nanggugulo dito.

Parang kanina lang ang saya pa nila.

"Nakakainis naman eh!"

"Makita kita ko lang yang Junior na yan nako sinasabi ko sa inyo. Wag nyo kong pigilang sapakin yon." - Ten.

"Akala ko ba we don't do violence here?"

"Wala nagbago na isip ko." Hinila ni Ten si Taeyong sa pagkayakap kay Yuta at sya ang yumakap dito. Kung makikita nyo lang kasi si Taeyong na umiiyak, manlalambot talaga kayo kasi super nakakaawa syang tingnan. Ang sakit sa dibdib. "Don't overthink huh. Trust Jaehyun dear." Sabi nya while caressing Taeyong.

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon