22

291 20 0
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

So, weekend ngayon at one week na ang nakakalipas since naging mag-on kami ng crush ko. Since wala nga naman ang parents ko dito, wala akong inuuwian every weekend, sumasama ako kay Yuta kung saan man sya pumupunta.

Pero iba na ngayon.

"Sorry I'm late."

There, dumating na ang lalaking kanina ko pang hinihintay.

Baby ko. Mwehehe.

Sinunsundo nya ako dito sa dorm namin, ang aga-aga palang ang bango-bango na nya. Nakakainis, nakakainlove tuloy ng hard.

"Hindi na daw sya sasama sayo." Yuta said na naka cross arms at nakatingin lang samin ni Jaehyun.

"Saka na nga ikaw sumama. Si Taeyong muna, magpakilala ka muna sa parents ni Hansol hyung." Jaehyun teased but Yuta rolled his eyes. "Ayoko sumama sa kanya ngayon. Magsama sila nung Jun nya na yun. Yun nalang ipakilala nya para mas masaya."

Nakalimutan yata ni Jaehyun na may LQ si Yuta at Hansol hyung ngayon kaya naman napatango nalang sya.

Kasi naman si Hansol hyung eh, alam na may jowa na sya hinayaan lang yung Jun na yun na dumikit-dikit sa kanya. Kababata nya kuno yun at normal lang daw na ganun si Jun.

"Hay nako. Sana maayos nyo yan. Pano, mauna na kami?"

Jaehyun held my hand at pareho kaming nagpaalam na kay Yuta umalis. Nasalubong namin si Hansol hyung at mukha naman syang papunta sa dorm namin na nakasalubong ang kilay.

Napansin ko din yung isang box ng takoyaki na dala nya. Favorite ni Hapon yun ah. Sweet naman.

"Uy, may susuyuin."

"Andun ba si Yuta?"

"Oo. Puntahan mo na baka kung ano pang gawin nun."

"Sige salamat!"

Then, umalis na sya saka kami tumuloy na ni Jaehyun.

Actually, ano niyaya ako ni Jaehyun na doon sa kanila tumuloy ngayong weekend dahil ipapakilala nya ko sa parents nya.

Ang bilis nga, sabi ko kapag naka one month na kami kasi karamihan sa mga legal ang relationship dito nagbbreak eh. Ayoko matulad dun. Syempre gusto ko for life na kami. Ayoko na sa iba.

Pero hindi naniniwala si Jaehyun doon. Edi ako din. Nasa tao naman yun.

Nagulat nalang ako kahapon nung sabihin nya na ipapakilala na nya ako sa parents nya, akala ko pa nagbibiro lang sya pero seryoso syang nakatingin sakin nun. Sinabi na din daw nya na boyfriend na nya ako.

"Jae, paano kung hindi nila ako magustuhan para sayo?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi ko kaya maiwasan, one week palang kami pero madaming bagay akong nadiscover about him and mas nainlove ako lalo. Ayoko na lalo syang bitawan huhu.

He's really good. Wala akong masabi, magaling sya pagdating sa madaming bagay na hindi ko ineexpect.

Jaehyun held my hand and smiled at me. "Trust me, they'll like you."

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon