12

310 14 9
                                    

**✿❀ ❀✿**

THIRD PERSON

Badtrip si Jaehyun, sobrang obvious kasi kanina pa syang nakakunot-noo. Paano ba naman kasi, ang akala nya sabay sila ni Taeyong kanina pero iniwan sya nito kanina para makipag-usap kay Jungwoo.

Hindi pa sya mapakali nun habang naghihintay ng time para sa dismissal sa sobrang excited nya. Yun pala, iba ang nangyari.

He felt a little bad kanina for Jungwoo kasi nagconfess ito sa kanya about how much he likes him na may kasama pang love letter but, Jaehyun was uninterested. His mind was occupied by Taeyong and he was disappointed.

Wala ba itong nararamdaman everytime na sinusubukan nya iyong landiin? Malinaw naman yung intensyon nya eh.

Pero siguro, words din mismo ang kailangan ni Taeyong at hindi lang basta actions. Bakit ba hindi nya naiisip yun?

To be honest, hindi nya gaanong naintindihan ang mga sinabi ni Jungwoo kanina. Si Taeyong kasi eh.

Kaagad na napansin ng mga kaibigan ni Jaehyun ang behavior nito kaya pinili nalang muna nilang manahimik sandali.

"Ano kayang problema nyan?" Tanong ni Winwin kay Johnny. "Impossible naman na about sa basketball kung bakit sya badtrip diba?"

"Uy Doyoung, kausapin mo nga yan."

"Ako na losers." Sabat ni Johnny sabay kindat sa kanila.

Lumapit sya kay Jaehyun at inakbayan ito.

"Jae, ano? Ayos ka lang?" He asked.

"Oo. Siguro. Wala lang to."

"Yeah sure. Sobrang halata nga na wala eh." Johnny hemmed. "Si Taeyong ba? Si Lucas kasi medyo tahimik din eh."

Jaehyun looks at him and sighs. Mukhang iisa sila ng nararamdaman ni Lucas ah.

"Nakakatampo kasi sya. Ang saya-saya ko pa naman kanina sa pag-aakalang sabay kami. Yun pala, si Jungwoo yung pinalit nya. Hay ewan ko ba." Dismayadong sabi nito habang nagddribble ng bola. "Hindi ko naman sinisisi si Jungwoo dun, it's just..."

Hindi nya matuloy ang sinasabi nya at muling huminga ng malalim.

Wala pa yung coach nila kaya si Jaehyun ang magmomonitor dapat ngayon. Pero wala sya sa mood eh, maski ang mga tira nya pumapalya.

"Bakit kasi hindi ka pa umamin sa kanya? Feeling ko naman gusto ka din ni Taeyong eh."

"Akala mo ba madaling umamin? Seryoso ako kay Taeyong, sya yung gusto kong makasama buong buhay ko and ayaw ko syang madaliin. I'm not sure about that either, ayoko din mag-assume."

Medyo namamangha si Johnny sa nakikita nya. Oo nga't at matagal nang gusto ni Jaehyun si Taeyong noon pa man pero sa bawat pagkakataon na nawiwitness nya ang pabago-bago ng emotions nito because of Taeyong, namamangha pa din sya.

"Gets kita. Pero malay mo naman may reason si Taeyong kung bakit nya nagawa yun diba?"

"Mukhang hindi naman importante sa kanya yung nararamdaman ko eh. I don't know. Bahala na, basta nababadtrip talaga ako John." Halos itapon ni Jaehyun ang towel na kapit nya sa bleachers saka tumakbo ulit sa court para magpractice.

---

"Taeyong!" Ten called him as soon as nakita nya ang kanina pa nyang hinahanap.

"Uy Ten!" Lumapit sya dito kasama si Taeil sa likod. Wala nanaman si Yuta, at hindi alam ni Taeyong kung sang lupalop ng mundo ito pumunta. "Hi, may kailangan ka?"

"Wala naman, tumakas muna ako ng practice kasi ayokong mabuntungan ng pagkabadtrip ni Jaehyun."

Nanlaki ang mata ni Taeyong na tumingin kay Ten. "Ha? Badtrip sya?" Gulat na tanong nito. Napansin naman nya na nagbago ang expression ni Jaehyun kanina, ibig sabihin hindi sya namamalikmata?

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon