20

352 13 0
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

Mukhang napasarap yata ang cuddling session namin ni Jaehyun at nagising nalang ako na umaga na pala. I saw his roommate kanina na natutulog na din at mukha naman syang unbothered pero shet nakakahiya pa din! Gawa na din siguro ng sobrang pagod namin dahil sa practices, hindi namin namalayan na nakatulog kami, but yesterday is the best day.

Jowa ko na sya mga bakla. I can't believe it! Ang cute nya kasi kahapon, nadala lang ako. Though hindi ko naman pinagsisihan na sinagot ko na sya.

Eyes off him!

"Aalis na ako." Paalam ko sa kanya na ngayon ay nakayakap sakin ng mahigpit. Our face is so close and damn it, who told him to be this handsome?

"Mamaya na." He said with his morning voice. Kahit boses ang gwapo. Lahat nalang sa kanya gwapo. Jusko lord, deserve ko ba ang lalaking to?

"Eh pero may dayo tayo ngayon. Maghahanda pa ako."

"Mamaya pa tayo aalis. Dito ka muna."

"Ano kasi, nandito yung roommate mo Jae."

"Wag mo syang intindihin. Ilang taon din akong nagtiis sa kanya. Ako naman ngayon."

"What do you mean?"

"He had someone too na inuuwi din dito madalas. At ayoko man na makita, I have no choice because we are roommates."

"Baliw ka." Pinisil ko pisngi nya, ang fluffy kaya. Sarap ikiss.

"Sayo lang."

Ang sarap pala gumising ng ganito. Nakakagood vibes. Yung tipong umaga palang, yung favorite person mo agad ang makikita mo. It feels great. Kaya kayo simulan nyo nang lumandi at tama na muna ang pabebe nako.

Bigla nya akong kiniss sa lips kaya natigilan ako.

"Huyy!" Pabiro ko syang hinampas but he only chuckled. Gusto ko din naman! Hahhaha kaya lang nakakahiya nga at nandito yung roommate nya.

"You're cute kasi. Bakit ka tulala?"

"Wala. Masaya lang ako." I smiled kaya ngumiti din sya.

"Mas masaya ako baby. Hindi mo alam kung anong saya ang nararamdaman ko mula kahapon." He said while looking in my eyes. "Well, noon pa naman ako happy dahil nakilala kita."

Feeling ko nanlalambot ako doon sa sinabi nya, mistula bang, nagmemelt yung heart ko tapos mabilis yung tibok. OMG, ang sarap sa pakiramdam.

"Ehem! Ser may naghahanap sayo."

Pareho kaming lumingon ni Jaehyun doon sa roommate nya na nakatingin samin pero nakangiti.

Shit nakakahiya.

Bigla kong naitago yung mukha ko sa dibdib ni Jaehyun dahil sa hiya. Ito namang lalaking to parang proud na proud pa. Hayop Jaehyun ikiss kita jan e!

"Sino daw?"

"Si Johnny."

"Oy Mingyu papasok na ako ha!"

•Be Mine• (JAEYONG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon