Chapter 1 - A venatus principio

437 11 1
                                    

Chapter 1

A venatus principio

Nadine’s POV

“Kyaaaaaaaaaaaa!”

“Hoy luka! Wag ka nga sumigaw! Di pa naman nagsisismula yung palabas eh!”

“Hahaha! Practice lang yon, ‘nu ka ba!”

Nagsisismula na kaming manood ng movie. Andito kasi kami sa isang beach resort dahil ito na ang last day ng aming summer days kaya naman sinusulit na naming ng mga kaibigan ko.

“Hoy Nadine! Bakit lutang ka jan?” tanong ni Marie.

“Haha! Wala. Iniisip ko lang kung ano mga mangyayari saten ngayong school year.”

“Wag mo muna isipin yan! Enjoy na lang muna naten ‘tong last day naten.” sagot naman ni Phillip.

Tuloy lang kami sa panonood. Yung movie ay tungkol sa isang batang lalake na binubugbog ng tatay niya ng pitong araw hanggang sa mamatay siya dahil sinisisi yung bata sa pagkamatay ng asawa niya.

--

“Kyaaaaaaaaaaaaaa!”

Puro sigawan ang naririnig ko. Binigti kasi nung tatay yung bata… tapos ay sinasaksak sa binti yung bata gamit ang isang kutsilyo habang tawa ng tawa.

Nakakakilabot.. pero di na masyadong mapansin ang kaba sa katawan ko dahil sa sigaw ni Marie, habang si Zoey naman ay nagtatago sa likod ni Kyle.

“Hahahaha! Hoy! Tama na sigaw! Nakakabingi!” sigaw ni Phillip.

Haha. Natatawa na lang din ako sa kanila eh. Pero naputol ang sigawan at tawanan nang biglang nag-pause yung yung movie at nagplay backwards tapos nag-fast forward.

“Hala! Anong nangyare!?” nanginginig na tanong ni Zoey.

“Baka napindot niyo yung remote!” sagot naman ni Kyle.

“Eh ayun kaya yung remote sa ibabaw ng TV!” sagot ni Marie.

“Asan na si Zach!?” sigaw ko. Nagsimula na kong mag-alala dahil kanina ko pa siya di napapansin.

Sumigaw na si Marie na sinundan naman ni Zoey habang nagala naman ang mata ko. Nang biglang…

“Hahahahahahaha! Tingnan niyo mga mukha niyo!” singit na Zach na lumalabas sa isang madilim na sulok ng kwarto habang may hawak na camcorder. At biglang sinundan nung dalwa pang lalake.

“Sh*t! Ano bang trip yan!?” sigaw ko. Naiinis talaga ko. ‘Di kasi maganda yung biro nila. Aalis na sana ako pero hinawakan ni Zach yung braso ko at hinigit paupo.

“Haha! Sorry babe. Gusto lang naming gawin memorable tong last day naten” sabi ni Zach habang sinusuyo ako.

“Basta wag niyo na uulitin ha!? Sasakalin ko na kayo pag may nangyari ulit na ganto!?” sigaw ni Marie.

“Oo na po! Grabe maksigaw!? Wala nang bukas!?” sabi naman ni Phillip.

Napangiti nalang ako sakanila. “Haha! Wala na talagang susunod. Promise.” Sabi ni Zach

“Hahaha! Takot nalang natin masakal ni Marie!” singit naman ni Kyle

“Che! Tigilan niyo ko!” sigaw ni Marie habang inaayos yung movie dun sa part bago pa mangyari yung lokohan.

Sinimulan na ulit naming manood. Nasa part na kami na nasasakal yung bata at naka-focus lang sa mukha niya yung camera nang biglang naputol yung movie at parang nawalan ng reception

Fcuk. Ano nanaman to!?

“Hoy Mark Phillip Andayao! Tigilan niyo na nga! Kala ko ba wala nang susunod!?” sigaw ni Marie.

“Abo hoy! Maisigaw mo buong pangalan ko, parang iyo ah! Tsaka, dina naming pakana to!” sigaw ni Phillip.

Bahagya kong tinulak si Zach at sinigawan, “Ano ba ha!? Natatakot na ko! Tama na kase!”

“Babe! Promise, wala na talaga kaming ginagawa!” sagot naman ni Zach.

“Guys, tama na kase… please?” pagmamakaawa ni Zoey habang nakapatong ang ulo niya sa tuhod niya at nakahawak ang kamay niya sa kanyang ulo. Kinomfort naman agad siya ni Kyle at pinakalma.

Mejo kalma na din sina Marie kaya tinulungan nalang nila pakalmahin si Zoey.

“Baka naman sira talaga yung cd. ‘Yaan niyo na guys. Tulog na tayo. Maaga pa tayong aalis bukas eh.” Nangangatal kong sabi habang iniimis ang mga nagkalat na fries at popcorn sa sahig.

“Tara na guys. Tulungan niyo na kami maglinis nito, then tulog na tayo.” sunod na sabi ni Zach.

Inayos na naming yung mga gamit, pinatay ang tv at dvd, nagwalis ng kaunti, inayos yung cd, yung kama at natulog na.

Monday. 6am

“Ok na ba lahat? Wala nang naiwan? Walang nadala?” pabirong sigaw ni Phillip.

“Hahahaha! Baliw ka. Ok na. Sakay na dali! Baka ma-late na tayo sa school!” sigaw ko.

Sumakay na kaming lahat. Si Phillip yung driver, si Marie naman sa front seat. At dahil van naman ang sinasakyan namin ay nagkasya kaming lahat. Magkatabi kami ni Zach first row ng upuan. Sa likod naman namin ay si Zoey at si Kyle.

Ay, bago ko makalimutan, ako nga pala si Nadine Kleis Sobel. Senior highschool ngayong school year sa Labyrinth Academy. Classmate ko mula first year hanggang ngayon sina Marie Layne Lauchengco, si Zoey Alexis Santiago at Mark Phillip Andayao. Ibang section naman si Zachary Villanueva at si Kyle Joshua Sy. Magbest friend sila. At kaya naman naming nakilala ang dalwang to ay dahil pinsan ni Phillip si Kyle. Boyfriend ko nga pala sa Zach. 3 years na.  Si Marie  at Phillip naman… ewan. Mortal enemies daw eh. :D Si Kyle at Zoey. Close lang talaga. Pero, parang pinopormahan ni Kyle si Zoey eh.

Naputol ang pag-eemote ko, dahil biglang tumunog yung cell ko.

“Hello?” bungad ko. Pero wala naman sumasagot.

“Hello!?” Wala padin.

Ibababa ko n asana nang biglang..

“Magbilang na kayo. Pitong araw mula ngayon.”

*Toot… toot… toot*

--

A/N: "A venatus principio" A latin phrase for "A game beginning"

Sorry kung ganyan po. :) Di pa po kasi sanay gumawa ng story eh. Anyways, thanks sa mga bumabasa. :)

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon