Chapter 9 - Day 7 / Beginning of an End

71 1 0
                                    

ZOEY'S POV

Papunta na kami ngayon sa Laguna para ipagdasal ang bata sa nasabing palabas.

Pero, wala naman magagawa ito. Wala itong maitutulong. Nag-aaksaya lang kami ng oras at ng panahon. Subalit, naniniwala silang matatapos ito ng ganung na lang, at malakas ang paniniwala nilang iyon.. kaya't hindi na ko kumontra pa.

"Teacher Pao, andito na po tayo." narining kong marahang sinasabi ni Marie habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ni Teacher Pao.

Mumulat siya at bahagyang nag-inat. Tumingin tingin sa paligid at medyo natulala. Bakit kaya?

Nauna silang maglakad patungo sa bahay ng magulang ng bata. Naiwan lamang ako sa gilid ng kotse habang katabi sa Nadine.

Tahimik lamang kami. Iniintay na may lumabas sa bahay. At hindi nga kami nagkamali. May isang matandang babae na lumabas sa gate at binati ang mga batang nasa harap ng bahay nila at ngumiti.

"Zoey."

Natigilan ako sa pagmamasid ko sa nangyayari sakanila dahil tinawag ako ni Nadine.

Bahagya akong ngumiti at tinanong kkung bakit.

"Kasi, noong unang nagising ka sa ospital.. sinabi mo agad sakin na.."

natigilan siya ng ilang sandali. Bago huminga muna siya ng malalim at pinagpatuloy ang sasabihin.

".. gumising ako. Anong ibig mong sabihin?"

"Nadine.." mahinahon kong bigkas.

"Kaingalan mo lang--"

"Ok na tayo. Sasama ang nanay ni Allen satin." niglang singit ni Phillip.

"Allen?" tanong ni Nadine.

"Siya yung bata dun sa movie" sagot ni Zach

"Ah." yan lang ang tanging naisagot ni Nadine. Tumingin muna siya sakin ng makahulugan bago tuluyang pumasok sa kotse.

"Ok. Let's go." sabi ni Marie habang ngumingiti.

---------------

Sa sementeryo

"Ito. Ito si Allen." saad ng matandang babae habang ngumingiti ng mapait sa puntod.

Lumuhod si Zach na sinundan naman ng buong tropa. Mataimtim namin itong pinagdasal. Ang kaluluwa ng katawan na nasa ilalim ng lupang pinagluluhuran namin ngayon. Ang kaluluwang hindi namin alam kung nasaan, at kung bakit ito nanggagambala.

Halos kalahating oras din namin ito pinagdasal sa pamumuno ni teacher Pao. Taimtim ang aming mga dasal. Tunay sa aming nais. Galing sa aming mga puso.

Nang matapos na kami ay nagtayuan na kaming lahat. Ngumiti sa bawat isa at nagpaalam na.

"Tara na po." sabi ni Kyle sa matandang babae.

Hanggan ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit basta nalang ang kanyang pagsama samin.Na para bang naniniwala siya na buhay pa ang kaluluwa ng anak niya.

"Sige. Mauna na kayo." sabi niya ngunit hindi tumitingin.

Napatitig naman ako sa kanya bago tuluyang sumakay ng kotse.

---

NADINE'S POV

Hapon na rin kaya tumigil muna kami sa isang kainan bago tuluyang umuwi sa Maynila.

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon