Thursday. Around 6:45 am
Nadine's POV
*Tingin sa kaliwa* ... *Tingin sa kanan* ... *Tingin ulit sa kaliwa* ... *Tingin ulit sa kanan*
Hay. Ang tagal naman ni Zach. Malapit na mag 7 am. Pero hanggang ngayon, nakatunganga padin ako dito sa harap ng bahay namen, iniintay siya.
"Babe!"
Ay sa wakas! Halos 20 minutes din akong nakatayo dito. Nakakangalay pala. Nakita ko siya na patakbong papalit saken.
"Dumating ka din! San ka ba galing?" sa mejo pagalit na tono.
"Huff.. huff.. huff. Hayy.. wait lang." sabi niya habng nakapatong ang dalwang kamay sa tuhod at hinahabol ang hininga.
"Hayy, sorry babe. Na-late kasi ako ng gising eh. Kaya nga tumakbo na ko oh." Sabi niya habang halata ang pagkapagod sa boses niya.
"Oo na. Tara. Male-late na tayo nito eh."
--
SCHOOL.
Nakita ko sina Phillip na nagkekwntuhan nung iba naming classmate na lalaki. Habang si Marie at si Zoey naman ay nagsusulat lang. Naglakad na ko papuntang upuan ko which is sa likod ni Marie habang nasa left side ko naman si Zoey. Nagdadrawing lang si Marie ng kung ano, habang nagawa lang ng doodle si Zoey. Talented nga pala ang mga kamay namen kaya naging best friends ko sila.
Umupo lang ako at tumahimik. Akala ko di ako mapapansin ng dalwang to pero nagkamali ako. Humarap sakin si Marie at lumingon naman si Zoey saken.
"Ano nanaman yang mga tingin na yan?" tanong ko sakanila.
Nagkatinginan sila bago tumingin muli saken.
"Ano ba kayo?"
"Hayy, mukang nakalimutan niya ah." sabi ni Marie habang tumitingin kay Zoey.
"Oo nga eh. Kasi usually, siya yung nagawa ng plano pag ganto eh." sagot naman ni Zoey.
Teka, ano bang meron at parang may di ako naaalala? Ganun na ba ko ka-ulyanin?
"Hoy! Ano ba meron? Uso mag-share! >__________<"
"Haha! Girl! Birthday ngayon ni Zach! You forgot?" tanong ni Marie.
"Tsk, sariling boyfriend, nakakalimutan ang birthday? Musta naman yon?" pang-iinis na singit ni Phillip habang umuupo sa vacant chair sa harap ni Zoey.
"Hay.. oo nga pala. Masyadong occupied ang isip ko ng kung ano ano. Tsk.. teka, ano ba dapat gawin naten?"
"Umm.. ewan ko. Kasi, lagi naman ikaw yung nagawa ng surprise before. Helper lang kami!" sagot naman agad ni Marie.
Oo nga no? Mula nung naging kami ni Zach, lagi ko siya sinusurprise tuwing birthday niya. Di ko pa yun nakakalimutan noon.. pero bakit ngayon?
"Hello? Earth to Nads? Ok ka lang ba girl?" tanong ni Marie.
"Oo. Ayos lang ako. Umm.. ganto nalang.."
Lumapit naman agad sila saken para marinig ang plano ko.
"asdfghjklkjhgfdsa"
"Haha! I like!" sigaw ni Marie habang naka-pose na parang si Darna. =_______=
"Hoy! Baba mo yan! Ang baho eh!" pabiro namang sigaw ni Phillip.
"Che!" Umupo naman agad si Marie dahil pinagtitinginan siya ng mga classmates namen.
*Kriiiiing*
![](https://img.wattpad.com/cover/2205627-288-k154688.jpg)
BINABASA MO ANG
7 days to hell
Mystery / ThrillerNaransan mo na ba makakita o makaramdam ng multo? O demonyo? San ka mas takot? Naniniwala ka ba sa kanila? Madaming sasagot ng “Hinde.” Haha. Ganyan din ako.. NOON. Pero iba na NGAYON. Lalo na nung napanood ko ang “7 days to hell”.