Chapter 2 - Day 1

149 1 0
                                    

Chapter 2

Day 1

“Oh, ba’t ganyan mukha mo? Sino ba yon?” tanong ni Zach.

Natauhan naman agad ako. “Ah, wala. Wrong number lang siguro.” Sagot ko ng may pag-aalinlangan.

“Ah. Ano bang sabi?”

“Haha. Wala. Hayaan na lang naten.”

“Hmm… o’sige. Tara na. Andito na tayo.”

Bumaba na kami ng van at dumiretso sa gym. First day of school palang kase, kaya parang orientation pa lang. Mejo madami na din tao nung dumating kami sa gym. Ang daming bagong mukha. At panigurado, bagong pakikisama nanaman.

Umupo kami sa pang fifth row of seats mula sa unahan. Pagkaupo ko, napansin ko agad yung isang babae one row afar from our row na ang sama ng tingin. Iniwas ko na lang ang tingin ko, at di ko na lang pinansin.

Ang boring ng orientation. Kung ano ano naman sinasabi. About sa rules and regulations, mga restricted area ng school and such. Naglaro na lang ako sa PSP ni Zach since pasok-sa-left-ear-labas-sa-right ang nangyayari. -_- Maya maya nakaramdam ako ng pagtawag sakin ng kalikasan.

“Babe, pakihawak muna oh. CR lang ako.”

Lumabas na ko ng gym at dumaan sa back gate ng school. Nasa likod kasi ng school ang gym. Sarado naman yung CR sa gym since wala pang pasok ang mga faculty members kundi yung principal, head teachers at si manong janitor na laging nag-aayos ng upuan.

Pagdating ko sa CR, nakasalubong ko yung babae sa gym kanina. Nakakakilabot padin ang tingin niya, pero di ko na lang uli pinansin kahit mejo tumaas yung balahibo ko. Pumasok na ko sa isa sa mga cubicles at nag-wiwi.

Paglabas ko ng cubicle, pumunta ako sa isa sa mga wash sink at naghugas ng kamay. Nag polbo at nagsuklay. Habang inaayos ko naman ang buhok ko, may tumabi saken sa isa sa mga wash sink. Naghugas din siya ng kamay. Napatingin ako sakanya. Yung babae kanina. Mejo pinagmasdan ko siya,Nakasimple white dress lang siya. Knee length ang haba at hanggang siko naman ang buhok na parang hindi nasusuklay at katatakluban ang gilid ng mukha niya. Dahan dahan siyang tumingin sakin, dahilan para nakaramdam ako ng matinding takot at magmadali palabas ng CR.

Pagdating ko sa gym, wala nang tao. Si manong janitor na lang na inaayos yung mga upuan. Tumingin tingin muna ko sa paligid at pagtingin ko sa likod ko, nakita ko ulit siya. Yung babae kanina. Humiwalay lang ang tingin ko sakanya nang magring ang cell ko.

*Ring! Ring! .. Ring! Ring!*

“Hello? Babe! San kana? Andito na kami sa van.” bungad ni Zach.

“Ah, ganun ba? Sige, punta nalang ako jan.”

Binaba ko na ang phone at naglakad palabas ng gym. Papalabas na ko ng gym nang mapansin ko na nasa entrance padin siya.. nakatayo. Bumuntong hininga muna ko bago tuluyang lumabas. Nang madaanan ko siya, hinawakan niya ang braso ko at sinabing, “Mag-ingat kayo. Dadating siya.”

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya naman agad kong binawi ang braso at nagmadali palabas ng gym papunta sa may school field dahil dun nagpark si Phillip. Umalis na din naman kami agad pagdating ko dun.

Pagadating ko sa bahay, nagbless lang ako kay mommy at kumuha ng ilang biscuit sa tabi ng ref at umakyat na sa kwarto ko.

Binagsak ko na lang sa gilid yung dala kong bag tapos nagshower na.

Paglabas ko ng CR, bumulagta sa harap ko si kuya.

“Ano ba kuya!? Nakakagulat ka naman eh! Di ka marunong kumatok?”

“Marunong. Kanina pa nga ako nakatok eh. Syempre nasa CR ka kaya di mo narinig.”

“Kaya basta ka na lang pumasok?”

“Oo. Kuya mo naman ako eh. Hmp. Namiss ko lang naman ang bunso ko eh! Ano bang pinuputok ng butsi mo jan!?”

“Hayy. Sorry kuya. Pagod lang po talaga siguro ako.”

Niyapos ako ni kuya at hinalikan sa noo.

“Sige, pahinga kana bunso. Gisingin na lang kita pag kakain na.”

“Sige po.” At tuluyan na siyang lumabas.

Sweet namen noh? :) Ganun talaga.

Pagkalabas ni kuya, sinara ko na yung kurtina at humiga na.

“Mag-ingat kayo. Dadating siya.”

“Mag-ingat kayo. Dadating siya.”

“Mag-ingat kayo. Dadating siya.”

Agad ko naman tinakluban ng unan ang mukha ko at sumigaw. Bakit ba di ko makalimutan yung sinabi niya? Kinuha ko nalang yung iPOD ko sa bedside table at sinalpak nalang yung earphone ko at natulog na.

ZZZzzz..

7:30 pm

*Tok tok tok*

“Bunso? Gising kana. Dinner na tayo. Andito na din si daddy”

“----“

“Bunso?”

*Tok tok*

“-----“  *click*

“Hoy!”

“Ay pusa!”

“Hahaha! Sorry bunso. Dinner na. Baba kana.”

“Eto na po. Weyt laaang”

Napasarap na tulog ah.

Binuksan ko na yung ilaw. Nagsukaly tapos bumaba na.

Nagbless lang ako kay daddy tpos kumain na kame. Wala naman masyadong nangyari. Kwentuhan lang ng onte tapos ginawa ko na ang before-I-go-to-bed rituals ko at natulog na ulet.

Around 2:00 am

*Ring! Ring!*

“Ugh… -_-”

*Ring! Ring!*

“Ano ba yan!”

Kinuha ko na yung cell ko sa may bedside table habang sumusulyap sa orasan ko. “2:58 am” Tsaka ko sinagot.

“Hello?”

“Babe?” si Zach.

“Oh, ba’t naman an aga mo tumawag?”

“Anong ako? Ikaw tong unang tumawag eh. Tapos bigla mo binaba. Akala ko may problema kaya tumawag ulit ako.”

“Ano!?”

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon