Chapter 3 - Day 2

128 0 0
                                    

Tuesday 7:12 am

Andito na ko ngayon sa room. Bangag padin ako. Natakot na kasi ako sa nangyari kaninang madaling araw, kaya di na ko nakatulog ng maayos.

*FLASHBACK*

"Ano!?" nagulat kong tanong.

"Oo. Naiyak ka pa nga eh. Kaya nag-alala ako. Ano ba nangyare?" Halatang nag-aalala siya sa tono ng boses niya.

"He-- llo? Aaa-- noo b-baa?"

Nagstart na maging chappy yung line then..

*Toot.. toot.. toot.* It went dead.

Sinubukan ko siyang tawagan ulit kaso cannot be reached na. Binaba ko na ulit yung phone. Bukas ko na lang siya kakausapin.

*END OF FLASHBACK*

Tulala lang ako. Nakatitig sa kawalan. Lutang. Inaantok. Eff. -_-

"Hoy! Ba't parang madalas kang lutang?" tanong ni Marie habang umuupo sa upuan sa harap ko.

"Inaantok ako." I said coldly.

"Baket? Ano ba pinaggagawa mo kagabe?" tanong naman ni Zoey habang inaayos yung clip sa buhok niya.

Ni-rest ko na lang yung ulo ko desk. Ayoko makipag-usap. Inaantok talaga ko eh. Di na sila nagtanong. Alam na kasi nila pag ganun.

Napansin ko naman na dumating na si Phillip. At dahil ang lalakas ng boses nila, di ako makatulog. At naririnig ko din loud and clear yung mga pinag-uusapan nila.

"Nakita niyo na ba yung bago nating classmate? She's kinda creepy." tanong ni Phillip.

"Ha? Meron ba?" tanong naman ni Zoey.

"Oo. Ay teka.. baka andito na yun." sagot naman ni Phillip.

Bahagya kong tinunghay ang ulo ko, sapat para makita sila. Si Phillip na parang may hinahanap at si Marie at Zoey naman na sumusunod ang tingin.

"Ayun!" turo ni Phillip.

"Wag naman katuro, hoy! Masama yan!" sigaw ni Marie.

Tumunghay naman ako para makita kung sino yung tinuturo ni Phillip. Siya. Yung babae sa CR. Nakatingin din siya samen. Ang sama ng tingin niya. Parang, gustong pumatay.

Agad naman nagsi-ayusan ng upo sina Marie dahil dumating na yung teacher namen para sa first period.. which is TRIGO. Deym.

At dahil wala naman pumapasok sa utak ko dahil inaantok padin ako, ni-rest ko na lang yung ulo sa desk. Di naman na ko pinansin nung mga teacher dahil sa excuse ni Marie na masama daw pakiramdam ko. :P Galing magpalusot.

Natapos na ang first two period namen. So, ginising na nila ko para pumunta sa field. Gawain na namen yon mula 2nd year. Tambay lang sa field pag recess. Habang umuupo sa damuhan, natanaw namen na paparating na si Kyle. Wait, bakit wala si...

"Yo guys! :)"

"Oh, san yung pakner in crime mo?" tanong ni Phillip.

"Ah. Absent eh. Ewan ko ba dun." sagot naman ni Kyle.

Tiningnan nila ko ng what-the-heck-happened look. Nagkibit balikat nalang ako at dinukot ang phone ko. Dinial ko ang number niya, at after a few rings..

"Babe?" bungad niya na parang nahihirapan magsalita.

"Oh, ok ka lang? Anong nangyare sayo?"

"May lagnat ako eh."

"Ah ganun ba. Sige. Punta nalang siguro ako jan mamaya."

"Sige, miss na kita eh. :)"

"Ge, pahinga kana jan. See you later. I love you."

"I love you too." Then, the call ended.

Nakatingin lang sila saken. Waiting for an answer..

"Nilalagnat daw." sabi ko.

"Ahh.."

"Okaayy."

"Pagaling kamo siya."

Bumalik na kami sa room since malapit na ang next period. Mula 3rd period hanggang last, wala talgang pumapasok sa utak ko. Kopya nalang sa katabi pag may quiz.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaandd... *Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*

Yes! Nagbell na! Finally. :) Inantay muna namen makaalis lahat ng classmate namen, tsaka kami lumabas ng room para inatayin si Kyle sa room nila. Mejo matagal din kami nag-intay bago siya dumating.

"Sorry guys, may ginawa pa ko eh. Hehe, salamat sa pagintay." bungad ni Kyle.

"Ano naman ginawa mo dun sa loob? Eh mag-isa kana lang naman?" tanong ni Marie.

"Haha. Wala. Tara na!"

~~

KYLE'S POV

Ok. Mag-isa ako sa room. May pinapaprogram kasi saken adviser ko dito sa laptop niya. Para siyang video player na pede magslow or mag-cut through scenes or whatsoever. Nakita kong dumating na sa labas sina Zoey dahil slightly opened yung pinto.

Nung natapos na yung ginagawa ko, shinut down ko na yung laptop, mejo mabagal nga lang dahil madami na sigurong files. Inayos ko na yung gamit ko nang biglang nag-ring yung cell ko..

"Hello?"

"----"

"Hoy, wala ka bang balak mag-salita?"

"----"

"Bahala ka nga jan."

Pagkaend ko ng call, nagbagsakan yung mga libro dun sa teacher's table. Lumapit naman ako, para ayusin yon. Habang inaayos ko, may nalaglag na dalwang cd.

"7 days to hell" bulong ko. At "shooting" naman yung nakasulat dun sa isang cd. Dala na din siguro ng curiousity kaya nilagay ko sa bag ko yung parehong cd at lumabas na.

"Sorry guys, may ginawa pa ko eh. Hehe, salamat sa pagintay."

"Ano naman ginawa mo dun sa loob? Eh mag-isa kana lang naman?" tanong ni Marie.

"Haha. Wala. Tara na!"

--

Pagkadating ko naman ng bahay, nagpalit lang ako ng damit tapos kumaen at gumawa ng homeworks. Pagkatapos, humarap na ko sa computer at sinalpak yung unang cd. Ganun padin naman yung movie, putol padin. Di ko na napanood yung isa pang cd dahil dinalaw na ko ng antok, kaya naghilamos na ko, nagtoothbrush, humiga na sa kama at natulog.

ZZzzz..

2:48 am

Nagising ako dahil sa isang ingay sa labas. Hmm.. umuulan pala. Pero hindi yun ang dahilan. May bumabato kasi sa bintana ko. Sino ba namang matinong tao ang lalabas ng ganitong oras para lang mangbato ng bato sa bintana? Naulan pa.

Sumilip ako sa bintana at nagulat sa nakita ko. Isang batang lalake. Nakatungo siya kaya di ko makita yung mukha niya. Pinagmasdan ko lang siya, at pagkatapos ng ilang sandali ay tumigil na din. Napagod na siguro. Napansin ko na unti unti siyang tumutunghay.. at nang makita ko ang mukha niya.. duguan at ang isang nakakapangilabot na ngiti ang humarap saken.

SIYA. BAKIT ANDITO SIYA?

*Booogsh!*

--

A/N: Baka next week na po UD. Salamat talaga ng marami sa mga nagbabasa. :) At dumami pa sana. Mag-leave po kayo ng comment or anything para po mas makakagana magsulat. :) SALAMAT.

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon