Chapter 6 - Day 4|Day5 / The helper

72 2 3
                                    

NADINE'S POV 

6:45 PM

*Ding dong... ding dong*

Nandito kami ngayon kina Zoey para sa plano naming surprise party para kay Zach. Pero halos 15 mins. na kame sa labas.. wala pa din lumalabas na Zoey.

"Tawagan niyo kaya. Baka nakatulog na yun eh." suggestion ni Phillip.

"Ba't naman yun matutulog? T*nga din tong 'sang to eh." pang-aasar naman ni Marie.

"Ayan nanaman ho sila" habang nabuntung hininga si Kyle.

Biglang lumabas sa pinto ang isa sa mga katulong nila.

"Mam, sir. Sino po ba ang hanap nila?" tanong agad nya.

"Si Zoey po." sagot ko naman agad.

"Ay mam, wala pa po si mam Zoey eh. Di pa po umuuwi muli kanina."

"Ha? Di ba sya tumawag man lang kung san sya pupunta?" tanong agad ni Kyle.

"Hindi po eh. Pasensya na po. Ah, mam, sir.. maiwan ko po muna kayo ah? Madami po kaming ginagawa sa loob eh"

"Sige ate, salamat po.

Agad namang kinuha ni Kyle ang cellphone nya at tinawagan si Zoey..

"Sorry. The number you're trying to dial is either unattended or out of coverage are. Please try your call later"

"Wow. Sh*t lang. Asan na kaya yon?" inis na sabi ni Kyle.

"Chill ka lang men. Baka natraffic lang?" sabi naman ni Phillip.

"Pano matatraffic yon? Naglalakad lang naman siya pauwe. T*nga talaga to eh" sabat naman agad ni Marie.

"Oyy pede ba Maria! Tiligan mo na yang katatanga mo saken. Kanina ka pa ha? Nakakasakit kana. T^T" habang nagpapawa effect pa si Phillip.

"Tara na nga lang! Baka naisipan nyang mag-sipag dun sa project naten. Nalow batt siya, kaya di na nya tayo nasabihan." sabi ko naman agad.

"Oo nga boys. Think positive. O, tara bumili ng pang party! :D" sabat agad ni Marie.

Habang naglalakad kami papuntang grocery store..

*Ring.. ring*

"Hello?"

"Nasa ospital si Zoey." napatigil ako sa paglalakad kasabay ng pagitigil nya sa pagsasalita.

"Punta nalang kayo." at binaba na nya ang telepono.

"Oh. Sino yon?" tanong naman agad ni Phillip.

"Nasa ospital daw si Zoey." malumanay kong sagot.

KYLE'S POV

"Nasa ospital daw si Zoey"

Di na ko nagdalwang isip. Tumakbo na agad ako pabalik ng bahay. Kinuha ang susi ko, at pinatakbo na ang sasakyan.

Pagadating ko ospital, agad kong tinanong kong anong room nya at tumakbo na.

Pagdating ko don, pumasok na ko ng walang pakundangan at nakita ko na nakahigang walang malay si Zoey sa hospital bed. Tinitigan ko ang mukha nya. Sobrang namutla sya. Na parang naubos na lahat ng dugo nya sa katawan. At may sugat sya sa bandang kaliwa ng ulo nya.

"Nakita ko lang syang walang malay sa school corridor."

Napalingon ako sa nagsalita, at nakita ko ang classmate nilang babae. Di ko man sya kilala, pero alam kong may mga natatakot sakanya. Madalas kasi siyang pag-usapan sa room namin na mukang si sadako.

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon