Chapter 7 - Day 5 / A morte está próxima

59 1 0
                                    

A/N: Lutang ako kahapon. Sarreh sa mga typos, at kung alin pa man. XD Basta yon. Sarreh.

NADINE'S POV

Andito parin kami sa ospital. Kalmado na si Marie, pero hindi padin gumigising si Zoey. Wala naman daw matagpuang mga pagkakamali sa health condition niya. Kaya hindi daw maipaliwanag ng mga doktor kung bakit hindi padin siya nagigising. Siguro daw ay dala lang to ng sobrang pagod, kaya bumabawi ngayon ng pahinga ang katawan niya.

Nasa loob ng kwarto ni Zoey ang parents niya. Andito naman kami sa labas para bigyan sila ng privacy sa anak nila.

"Natatakot na ko. Hindi na normal tong nangyayari saten." sabi ni Phillip.

"Ano ba namang magagawa naten? Wala din naman tayong kaide-ideya kung bakit nagpapakita satin yang batang yan." sabat ni Zach.

"May magagawa pa kayo."

Tumingin kaming lahat kay Thea na malayo ang tingin sa bintanang katabi ng inuupuan namin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko agad.

"Kaya niyo pa itong lagpasan." mahinhin niyang sabi.

tumayo si Kyle, lumapit kay Thea at hinarap ito sakanya hawak ang mga balikat ni Thea.

"Pano!? Bakit ba di mo pa sabihin ng diretso!?" sabi ni Kyle habang niyuyugyog ang balikat ni Thea.

Agad naman kaming tumayo at lumapit sakanila para hindi na magkasakitan pa. Alam ko kung bakit ganyan si Kyle. Alam kong siya ang pinakanasasaktan saming lahat. Alam ko ang nararamdaman niya. Mahal niya si Thea, kaya sobra siya kung mag-alala, sobra siya kung masaktan sa mga nagyayari.

"Sorry Thea. Pero, sabihin mo nalang kasi kaagad. Alam mo naman na importante samin si Zoey. Kaibigan namin siya." mahinhin kong sinabi.

"Kailangan mo lang magising sa katotohanan." malumanay niyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin na.. kailangan kong--"

tumingin sya sa pinto ng kwarto ni Zoey at sinabing.. "Gising na siya." Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang naglakad papalayo samin.

"Ano bang pinagsasasabi non?" tanong ni Phillip.

"Di ko din alam." malumanay kong sagot.

Bigla namang nagbukas ang pinto sa kwarto ni Zoey, at lumabas ang mga magulang niya. Ngumiti siya samin, isang malungkot at pekeng ngiti.

"Gising na siya. Hinahanap niya kayo. Tatawag lang kami ng doktor."

"Sige po." sabay sabay naming sagot.

Pumasok kami ng kwarto at nakita namin si Zoey na nakaupo sa kanyang kama habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Zoey." mahinhing bigkas ni Kyle, at agad na niya itong pinuntahan at niyakap.

"Hayaan niyo na muna sila. Alam niyo naman si Kyle" sabi ko habang umuupo sa isang upuan malapit sa kama ni Zoey.

Tumingin sakin si Zoey at mahinang sinabi.. "Gumising kana.. para matapos na to."

Tiningnan ko lang siya. Iniintay kung ano ang sunod niyang sasabihin.. pero wala.

Tumayo ako, at naglakad palabas.

"Babe, san ka pupunta?" sabi ni Zach habang tumatayo sa kinauupuan niya.

"Walang susunod."

"Babe, ano ba?"

hinarap ko siya sinigaw.. "WALA NGANG SUSUNOD SINABI EH!"

Tumakbo ako.. tumakbo lang ng tumakbo. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko, pero sa ngayon.. kelangan ko lang tumakbo. Kelangan ko mapag-isa.

Nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papuntang rooftop. Tama. Pag talaga gusto ko mag-isa, laging sa matataas, mahahangin at walang taong lugar ako pumupunta.

Lumapit ako sa edge, at pinagmasdan lahat. Nilasap ko ang bawat hanging humahampas sa mukha ko. Pinansin ko na lahat ng detalyeng nakikita ko. Bakit ba ako pinipilit nilang umayos nito? Ni hindi ko nga alam kung ano gagawin ko. Hindi ko din alam kung bakit ba pinipilit nila kong gumising. San ba ko gigising? Ano ba to? Panaginip? Imahinasyon!?

"BAKIT BA AYAW NIYONG SABIHIN SAKEN!? HINDI KO NA NGA ALAM GAGAWIN KO! AKO BA TALAGA AAYOS NG LAHAT NG TO!? AKO LANG BA ANG DAPAT GUMISING!? SAN BA!? SA KATOTOHANAN NA MAMAMATAY NA TAYONG LAHAT!? SA PAGIGING INOSENTE KO!? WALA AKONG ALAM! SABIHIN NIYO SAKEN! KASALANAN KO BA LAHAT TO!?"

Naiiyak ako. Nasasaktan ako. Pakiramdam ko, kasalanan ko tong lahat. Pakiramdam ko, ako lang ang tanga dito. Wala akong alam. Wala, kahit isa.


Nagulat ako sa mga brasong umikot sa bewang ko. Si Zach.

"Babe. Wala kang kasalanan. Ok? Tama na."

Umikot ako para makaharap sakanya. Nang makita ko ang mukha niya, lalo lang akong naiyak. Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin, ikilos o gawin. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

"Tara na. Iniintay ka na ni Zoey sa baba. Namiss ka ng bestfriend mo."

Tumango lang ako at hinayaan siyang alalayan ako pabalik sa kwarto ni Zoey.

Pagpasok namin ng kwarto, nakatingin silang lahat. Isang tingin na, hindi ko maintindihan. Puro awa ang nasa mga mata nila. Parang nagmamakaawa. Hindi ko nalang ito pinansin, at tumabi ako kay Zoey.

"Nads, sorry sa nasabi ko kanina." sabi agad sakin ni Zoey.

"Wala yon. Sorry din kung nakapagtaas ako ng boses."

Umiling lang siya. "Ok lang yon. Wala sakin yon. Um, Nads.. may ikekwento ako."

Tiningnan ko lang siya habang nagtataka, at tumango.

"Habang natutulog ako, nakita ko tayo. Napanaginipan ko ang gabing nasa cabin pa tayo bago matapos ang summer break. "

"Ah." yan lang ang tangi kong nasabi. Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sakin to. Ano ang kinalaman nito sa sinabi niya kanina sakin?

"Pasensya kana, pero.. ito lang talaga ang masasabi ko.."

Tumingin lang ako sa kanya, inintay siyang magsalita muli..

"Gumising kana."

--

A/N: So kailangan 2 a/n sa isang chapter? Dejk. So, ayan. Sarreh sa pangit na UD. Namemental block na kasi ako. XD Bear with it nalang and.. plug lang ulet! Nasimulan ko na yung isa kong story na "Alice", pakibasa and pakisupport nalang din po. Thank you so mats! :* And yung meaning pala ng "A morte está próxima" ay "Death is near".

7 days to hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon