Chapter 2
Alyssa
"Alyssa?!"
Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Medyo madilim dito sa may bar, at may music din. Hindi naman peak season kaya hindi karamihan ang tao.
"So totoo ngang andito si Phenom," patuloy niya.
"Uy Mela! Andito ka pala," masayang kong tugon nang malaman ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Kasama ko sina Kim. Nabanggit nga ni Mika na nagkita kayo," nakangiting sabi ni Mela.
Muli kong naalala ang huli naming pagkikita ni Mika. Napangiti ako nung maalala ko ang biglang pag bitaw nung Manong kay Mika sa zipline.
"Sino kasama mo?" Tanong ni Mela na siyang pumutol sa akong iniisip.
"Ah, ako lang," maikli kong sagot.
Biglang hinila ni Mela ang kamay ko. "Tara, sama ka na lang sa amin. Sigurado akong matutuwa sila," at hindi na ako naka tanggi pa.
"Look who I saw at the bar?" Pa-tonong sinabi ni Mela habang papalapit na kami sa kanilang mesa. Sabaysabay silang lumingon sa amin.
Halata ang gulat at saya sa mukha nila, lalo na kay Kim. "Uy pards, andito ka nga! Akala ko niloloko lang kami nitong si Mika."
Nang marinig ko ang pangalan niya, agad kong binaling ang tingin ko sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin, agad naman niya akong inirapan at inilihis ang tingin.
Bumalik na si Mela sa kanyang upuan, sa tabi ni Kim. Naiwan akong nakatayo dahil hindi ko alam saan uupo. Ang tanging bakante lamang ay sa tabi ni Mika. Si Mika na parang galit yata sa akin.
"Aly, upo ka na." Anyaya ni Bang sabay turo sa bakanteng upuan. Dahan dahan akong naupo at ngumiti.
"Mela, nasaan na yung bucket ng beer? Beer ang pinakuha naming sayo, hindi si Valdez," pabirong sabi ni Ara. "Ay oo nga pala, nakalimutan ko," sagot ni Mela, "si Aly kasi e."
Napansin kong hindi pa rin umiimik si Mika. "Sige, ako na lang pupunta sa bar para mag-order," mahinang sabi ni Mika, saka tumayo.
Nang makaalis na si Mika, binasag ni Kim ang saglit na katahimikan. "Oh Aly, bakit ka nga pala nandito? Sino kasama mo?" Usisa ni Kim.
"Wala akong kasama. Wala din talaga akong plano pumunta dito sa Pagudpud. Nag drive lang ako nang nagdrive, hanggang sa makarating dito," natawa na lang ako nang ikwento sa kanila.
"Ang saya naman nun, solo road trip," sagot ni Bang.
"Hanggang kailan mo plano dito?" tanong ni Mela.
Napaisip ako sandali, wala nga naman akong plano. "Ang totoo, hindi ko alam. Haha. Wala naman akong plano pa."
"Ayos, edi sama ka na lang sa amin. Three more days pa kami dito. Bago bumalik sa Manila, at balik training," yaya ni Kim.
"Uhm, okay lang ba? Ayaw ko naman makagulo sa outing niya," mahiyaing sagot ko.
"Hahahaha, wag ka na mag inarte pards. Alam ko magkalaban tayo sa court, pero magkakaibigan naman tayo. Sama ka na sa amin," sabi ni Kim. Lahat din sila sa mesa ay nakangiting tumingin sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi umoo. Sabagay, wala din naman akong plano.
"Ayos!" "Okay!" "Papayag din pala!" Ilan sa mga narinig kong sagot.
Biglang dumating si Mika dala ang isang bucket ng beer. "Ayan, Miks may kasama ka!" naka ngising sabi ni Kim.
"Ha?" Naguguluhang sagot ni Mika habang nilalapag ang beer sa mesa.

BINABASA MO ANG
All Roads Lead Back to You
Roman d'amourWhen two lives converge and separate, which road will bring them back together?