Chapter 5
Alyssa
I admit I had a great time these past days. I was not expecting to find them here. Actually, plano ko naman agad umuwi pabalik sa QC. Pero I'm glad I stayed and joined Mika and her friends.
Hindi ko rin itatanggi na ito ang naging dahilan para maging magkaibigan kami ni Mika. Last night na naming ngayon dito. As usual, dinner na may konting inom lang. Patuloy ang kwentuhan at kulitan ng grupo.
"Valdez, san ka na bukas?" tanong ni Ara sa akin. "Uhm, balik QC na. Magdrive lang mag-isa," sabi ko naman.
"Sabay ka na lang kaya sa amin? Kasya pa naman," yaya ni Bang.
Ngumiti ako at sinabing, "hindi na, okay lang naman mag drive mag-isa. Saka hindi ko naman pwede iwan kotse ko." Naging close na nga talaga siguro kami, ayaw na maghiwahiwalay.
"Ako na lang," narinig kong bigkas ni Mika. Lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Samahan na lang kita, Alyssa," tipid na sagot ni Mika.
Mika
"Ako na lang. Samahan na lang kita," mahina kong sinabi. Hindi ko alam kung bakit ko biglang naisipan na sumabay na lang kay Aly. Siguro talagang naging magkaibigan na kami. And I can't seem to bear na mag-isa na lang siya mag drive pauwi for 12 hours.
Napansin ko naman lumiwanag ang mukha ni Aly nung mag volunteer ako. Ngumiti lang ako. And for a moment, nagtama ang mga mata namin. It felt that we were staring at each other's for a few minutes. Looking at her eyes calmed me down. Nakangiti siya, at makikita ito sa kanyang mga mata.
"Ehem, may kasama pa kayo. Andito pa kami. Bukas niyo pa masosolo ang isa't isa," sabi ni Kim na siyang pumutol sa pag titig ko kay Aly.
"Hoy Ye, anong plano mo dito kay Ly?" patuloy na pangaasar ni Kim.
"Wala! Kawawa naman mag-isa lang siya uuwi," sagot ko.
"E bakit ka defensive?" gatong naman ni Ara.
"Alam niyo, lagi niyo kasi inaasar si Mika. Malamang ayaw niya na sumama sa atin pauwi," sabat naman ni Mela.
Napansin kong nakatingin lang si Aly sa amin, tila namamangha sa kulitan namin.
"Teka, baka naman volunteer ako dito, ayaw naman ni Alyssa," sabi ko.
Ngumiti na naman tong si Aly. Kanina pa akong dinadaan nito sa ngiti at dimples niya ha.
"Oo naman. Syempre gusto kita," sabi ni Aly.
"Ha? Teka may hindi ba kami alam tungkol sa inyo?" tanong ni Bang.
"I mean, syempre gusto ko may kasama magdrive pauwi," paliwanag ni Aly.
"Ah akala ko nagka aminan na e," wika ni Kim.
Natapos na rin ang aming dinner, at minabuti naming bumalik sa kanya kanyang kwarto para mag ayos ng gamit.
After packing and preparing my things, humiga na ako sa kama. Naka ilang ikot at palit ako ng pwesto pero hindi pa rin ako makatulog. Para akong batang excited sa field trip kinabukasan kaya hindi makatulog.
Biglang tumunog ang fone ko. May notification ang facebook, twitter, at Instagram ko. I'm not really big on social media, for endorsement lang talaga most of the time ang mga post ko.
Napangiti ako nang makitang puro galing kay Alyssa yung notifications, nag request sa facebook at nag follow sa Instagram at twitter. Ilang araw na kami magkasama pero ngayon lang kami nag connect sa social media.
Naisipan ko na lang na mag message sa kanya sa messenger.
Mika > Nahiya ka pang magsend ng message dito. Haha >.<
Alyssa > haha. Salamat idol, sap ag accept ng friend request.
Alyssa > tulog ka na, idol. Mahaba pa byahe natin bukas.
Mika > I was about to sleep, ikaw lang tong istorbo. Hihi
Mika > joke lang un, idol
Mika > idol, joke lang. baka hindi mo ko isabay pauwi bukas
Mika > idol phenom...
Alyssa > slr
Alyssa > may ginawa lang
Alyssa > let's sleep na. see you tom
Mika > good night phenom
Alyssa >gnight
Alyssa
Mukhang tulog pa si Mika. Mga 8am sana ang balak ko umalis. Kaso wala pa si Mika. Nauna na sina Kim umalis. So wala akong choice kung hindi antayin si Mika magising.
I tried knocking at her room's door to no avail. Hindi ko naman matawagan ang fone niya dahil hindi ko alam ang number niya.
After a few minutes, I knocked again. Malapit na kasi mag 12nn, check out na rin niya yun. So she has to wake up na.
Makalipas ang ilang katok ang bumukas ang pinto. Nakasimangot si Mika dahil nagambala ang pagtulog niya. Ngunit bigla naman siyang nagpanic nung nakita niyang ako ung kumakatok. Saka niya lang siguro na realize na kailangan na naming umalis.
"Shet, Alyssa, sorry I over slept." Sabi niya.
"It's okay. Sige mag ayos ka na," sabi ni ko naman.
"Pasok ka, pasok. Promise bibilisan ko ang pag ligo." Sabi naman niya.
Pumasok ako at naupo sa sofa habang pinapanood siyang mag madali. "Relax lang, okay lang naman," sabi ko sa kanya.
"Nakakahiya e, sorry talaga," ulit niya, "hindi kasi ako agad nakatulog kagabi," patuloy niya.
Finally, natapos din siya and we are on our way.
______________________
sobrang sabaw. bawi ako, one stop. haha
comment and vote naman jan, guyth. baka sakaling mas makapagsulat ako. hihihi
~heart heart~
BINABASA MO ANG
All Roads Lead Back to You
RomanceWhen two lives converge and separate, which road will bring them back together?
