Chapter 4
Alyssa
"Ughh," ang sakit ng ulo ko. Hindi naman talaga ako sanay uminom. Matapos ang ilang saglit ay saka ko lang napansin na iba ang aking paligid. "Shit, nasaan ako?" nilinga ko ang aking paningin. Dahan-dahan akong umupo.
Napansin ko na lamang na may tao sa banyo nang tumigil ang tunog ng shower. Bahagya akong nagpanic. Anong gagawin ko? Alis na lang kaya ako? Bakit kasi ang sakit ng ulo ko?
Bago pa ako makapag desisyon ay bumukas na ang pinto ng banyo. At bumungad sa aking ang isang babaeng tanging twalya lang ang tapis.
"Gising ka na pala," bati niya.
"Mika," yun lamang ang tangi kong nasambit. Hindi ko alam kung lasing pa ba ako o hangover lang ito, pero natulala ako sa ganda niya. Para siyang anghel. Anghel na naka tuwalya.
"Ay sorry, magbibihis na ko," sabi ni Mika, na siyang pumutol sa aking pagtitig sa kanya.
Tumayo ako at tumalikod, ang awkward kasi. Shit nakakahiya ka talaga, saway ko sa sarili ko.
"Bagay pala sayo ang green," muli niya sabi.
"Ha?" tanong ko sabay lingon sa kanya. Nakapag bihis na siya. Simpleng white tank top at shorts.
Ngumiti siya at ngumuso sa akin. Saka ko sinundan ang kanyang tingin at Nakita ang aking damit. Green, number 3. Shirtsey niya to...
O.O
Biglang lumaki ang mata ko nang ma-realize kong pinalitan niya ang damit ko. Nakakahiya.
Mukang napansin niya ang pagbabago sa aking mukha at nagsalita, "ano kasi, masyado ka lasing. Ano, pinunasan kita at pinalitan ng shirt," marahan niyang sinabi.
Lalo naman akong nahiya, at hindi nakapagsalita.
"Hoy, wala akong nakita ha. At wala akong ginawang masama sayo," patuloy niya.
Saka ako tumingin sa kanya at napansing namumula na siya.
"ah, Salamat," sabi ko. "Pasensya na ha, grabeng abala ko." Patuloy ko. "Bawi ako sayo."
Ngumiti naman siya. "Wala yun. Libre mo na lang ako ng lunch," naka ngiti niyang sabi.
Tumingin ako sa relo at nakitang ala una na pala ng hapon. Doon rin ako nakaramdam ng gutom.
"Sige, lunch na tayo. Kaso pwede bang mag palit muna ako ng damit?" tanong ko.
"So, kinakahiya mo ung damit ko?" sabi naman niya.
"Hindi!" agad kong sinabi. "I mean, syempre gusto ko mag shower man lang bago pumunta sa restaurant."
"Sige, alam ko namang ayaw mo sa damit ko," sabi ni Mika.
"Ok fine, sige hindi ko na papalitan. Maghihilamos at toothbrush na lang ako ng mabilis." Sabi ko.
Buti na lang may extra toothbrush provided ng hotel. Binilisan ko mag freshen up dahil mukhang gutom na talaga siya.
"Okay, ready na ko,"sabi ko pag labas ng banyo.
"Yehey! Tara na, libre mo ha." Sabi ni Mika, parang batang sinabihang kakain sa jabi.
Nakarating kami sa restaurant ng hotel nang may bigla akong narinig na familiar na boses, "wow, may bagong recruit ang archers!" at nasundan pa ng isa "bakit parang nangitim si reyes?"
Nilingon ko at walang iba kung hindi si Kim at Ara ang nagsalita. Wala bang hangover tong dalawang to at ang lakas pa rin mang asar?
Lumapit kami ni Mika sa lamesa nilang apat.
BINABASA MO ANG
All Roads Lead Back to You
RomantikWhen two lives converge and separate, which road will bring them back together?
