Mika
"Kuya, wait! Wag mo muna ako bitawan," nanginginig kong sigaw. "Ma'am, wag ka mag-alala, may sasalo sayo dun," pa-ngiting sagot ni Kuya, pilit na inaalis ang kaba ko. "Hay, bakit pa kasi ako pumayag mag zipline. E takot talaga ako sa hieghts," isip ko.
"Ma'am," pag-putol ni Kuya sa iniisip ko, "safe naman po ito. Just enjoy the view and the thrill." Mukhang sanay naman si Kuya sa mga customers na duwag, tulad ko. Mga ilang minuto din siguro ako nasa jump-off point, suot na ang harness, helmet, at lahat ng safety gears. Kailangan ko na lang bumitaw kay Kuya para pwede na ko makapag zipline. Pero takot talaga ko. Wala akong pakialam kahit ang ganda ng View dito sa Pagudpud. Ang iniisip ko pag nahulog ako, hulog sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Lagot talaga sa akin tong sina Wafs. "Minsan, kailangan talaga natin mag let-go para maka-move on," muling banat ni Kuya. "Kuya kasi takot...," natigilan ako nung may marinig akong boses.
"Manong, bakit ang tagal naman nan? Kanina pa ko nag-aantay." Wika ng isa pang babaeng customer. Nilingon ko para Makita kung sino ba tong atribidang to. "Alyssa?" "Mika?" sabay naming nasabi nang magtugma ang mata naming. Nang mabanggit ko ang pangalan niya, lumingon din si Kuya. "Uy, isa pa sa idol ko to!" At sa sobrang saya ni Kuya, nabitawan niya ako, at tuluyan nang nakapag zipline.
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH! Syet syet syet!" ang sigaw ko. Hindi pa ko ready e. Walangya yan si Kuya, Nakita lang si Valdez tinulak na ko. Ilang Segundo pa at nanuyo na ang lalamunan ko kakasigaw. Sabay nang pag lipad sa ibabaw ng karagatan. Aaminin ko, maganda naman talaga ang view. Nagniningning ang dagat, ang mga bundok sa kalayuan, at malakas na malamig na hampas ng hangin sa mukha ko. Feeling ko it was the eternity while I dangle in the air, zooming through the zipline, pero nakarating din agad ako sa dulo. Doon nag hihintay sina Kim, Ara, Bang, Mela.
"Akala namin umuwi ka na sa Bulacan, tagal mo!" Pangaasar ni Kim ang bumungad sa akin. Nanginginig pa ako ng bahagya nang maalis nang tuluyan ang harness ko. "Okay ka lang ba? Putla mo na," pag-aalala ni Ara. Tumango ako ng marahan, pero hindi ko pa rin naaalis ang kaba at takot ko. "So, paano ka nakabitaw kay Kuya? Kawawa naman siguro si Kuya dun, tagal tagal mo. Haha," patuloy ni Kim.
"Si Valdez! Si Valdez ang may gawa!" Tulala kong nabigkas.
Alyssa
"Mika?" gulat kong nabigkas nang malaman kong si Mika pala ang may dahilan kung bakit ang tagal. "Halaaaaa!" yun na lang ang naisigaw ko nung tuluyan nang mag zipline si Mika. Mukha kasing hindi pa siya ready.
"Lagot ka Kuya, hindi pa ata ready si Mika na-itulak mo na," sabi ko kay Kuya. Ngingiti-ngiting sumagot si Kuya, "okay lang un ma'am. Safe naman siya. Tagal lang mag let-go." At talaga namang feeling accomplished pa si Kuya. Pero aaminin ko, nakakatawa din naman un. "Ma'am, pa-picture din ako. Idol ka ng anak ko e. Kayong dalawa ni Mika, gusting gusto niya," patuloy ni Kuya bago niya tuluyan ayusin ang mga harness. "Sige po Kuya, pero pwede wag mo muna ipost sa mga social media? Para sa konting privacy lang po," pakiusap ko. "Sure Ma'am, walang problema. Para lang talaga to sa anak ko." Matapos kaming mag picture, ay inihanda na niya at pag zipline ko. Gusto ko magmadali para abutan sa kabilang side si Mika. Sino kaya kasama niya? Teka, bakit ko ba iniisip yun? Hindi naman kami close ni Mika, Rivals pa nga para sa iba.
Habang ako ay nakikipagtalo sa isipan ko, handa na pala ako mag zipline. "Ma'am, siguro naman hindi mo na ko papahirapan tulad ni Ma'am Mika?" Pabirong sabi ni Kuya. "Haha, wag ka mag-alala Kuya. Mabilis ako mag let go."
"Waaaaaah!!!!" sigaw ko. Mabilis pala mag let go ha? Haha. Ang saya. Pinili ko talaga tong zipline sa Pagudpud kasi isa ito sa pinaka mahabang zipline sa ibabaw ng tubigan. Diba? Ang ganda ng view nung daga at ng bundok. Ito ang literal na Down the Hill. Natatawa kong sabi sa sarili ko. Hindi ko pa rin nga pala alam gagawin ko sa buhay ko matapos ang pag-aaral.
Mabilis din akong nakarating sa dulo at luminga-linga sa pag-asang nandoon pa si Mika. "Ma'am, kasamhan mo ba sina Mika? Diba volleyball player ka din?" Tanong ni Manong na nag-assist sa akin para alisin ang harness ko. "Oo. I mean player din ako. Pero hindi ko sila..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang ituro ni Kuya ang kalapit na restaurant ng resort. "Doon po sila pumunta pagkatapos. Nahilo ata si Mika dahil sa zipline."
"Sige Kuya, Salamat. Ang saya nitong zipline niyo," sabi ko. Ngumiti lamang siya at nag thumbs up. Habang inaayos ko ang sarili ko, iniisip ko kung pupunta ba ko restaurant para sundan si Mika. Diba kaya ka nga napadpad sa Ilocos Norte kaka-drive para mapag-isa at mag-isip isip? Tanong ko sa sarili ko. Minabuti ko na lang na bumalik sa kwarto ko at mag bihis. Mag-swimming na lang siguro ako mamaya sa dagat.
Mika
"Akala namin umuwi ka na sa Bulacan, tagal mo!" Pangaasar ni Kim ang bumungad sa akin. Nanginginig pa ako ng bahagya nang maalis nang tuluyan ang harness ko. "Okay ka lang ba? Putla mo na," pag-aalala ni Ara. Tumango ako ng marahan, pero hindi ko pa rin naaalis ang kaba at takot ko. "So, paano ka nakabitaw kay Kuya? Kawawa naman siguro si Kuya dun, tagal tagal mo. Haha," patuloy ni Kim.
"Si Valdez! Si Valdez ang may gawa!" Tulala kong nabigkas.
"Ha? Anong Valdez?" tanong ni Ara. "Sinong Valdez? Si Alyssa? Champion na tayo, wag mo na isipin si Ly. Hahahaha," patuloy ang pang-aasar ni Kim. "Tama na yan," sabat ni Mela at may mahinang hampas kay Kim. "Yeye, proud kami sa yo dahil kahit takot ka, nag try ka pa din mag zipline," tuloy ni Mela. "Tara na nga Yeye at Mela, punta na lang tayo doon sa restaurant para magpahinga," anyaya ni Bang. Ngumiti lang ako at tumango nang bahagya.
Buti na lang din kasama tong mga jowa nila, kung hindi ako na naman ang kawawa ditto kina Kim at Ara. At gusto ko na rin makaalis ditto sa end-point ng zipline, dahil any minute, alam kong si Valdez na ang susunod na darating.
Naupo na kami sa table malapit sa bintana upang tanaw pa rin naming ang dagat. Dumating na ang mga order namin. Mango shake sa akin, habang malamig na San Mig light sa kanilang apat. "Tapos na ang season, bakit mango shake pa rin?" Tanong ni Kim sa akin. "Nahilo kasi talaga ako dun sa zipline, kaya kailangan ko ng malamig," sagot ko. "Malamig din naman tong san mig ah? Cheers!" sabi ni Ara. Natawa na lang ako at naki- cheers sa kanila.
"Balik tayo, bakit mo pala nabanggit si Valdez?," usisa ni Kim. Hay, akala ko makakalimutan na nila. Mejo naiinis pa rin ako pag naaalala ko ang mukha ni Alyssa. Paano ba naman, mukha niya ang huli ko Nakita bago ako mag zipline. "Andito kasi siya," maikli kong sagot. "As in si Phenom Alyssa Valdez?" kulit ni Ara. "Oo, siya nga. At siya may gawa bakit ako biglang napa zipline," at ikinuwento ang buong pangyayari.
Hindi mapigilan nina Kim at Ara ang pag-tawa. Sina Bang at Mela nangingiti din, pero ayaw na nila dagdagan ang pang-aasar sa akin. "Dapat pala kay Aly tayo magpasalamat. Kung hindi, edi malamang naka sabit ka pa rin dun sa jump-off point," sabi ni Kim. "Nasan na kaya siya,malamang dumating din siya agad. Sayang, sana naantay natin," sabi ni Bang. "Bakit mo naman siya gusto Makita, ha?" tanong ni Ara. "Eto naman, syempre kakilala pa rin natin siya, pwede natin isama," depensa ni Bang. "Saka malay niyo mag-isa siya," dagdag ni Mela.
"Hay naku, hayaan niyo na siya. Kasalanan niya un. Paano kung naputol ung zipline? Edi mukha niya huling Nakita ko bago ako mamatay? Kainis," reklamo ko. Nagtawanan lang sila at nagpatuloy na kami sa kwentuhan.
Habang sila ay abala sa kulitan at kwentuhan, hindi ko namalayan na tulala na pala ako nag nagmumuni-muni. Nasaan na nga kaya siya? Mag-isa lang kaya siya? Wala naman kasing nag-aabang sa kanya sa end point. At wala rin akong napansin na kasama niya noong nasa jump-off point kami. Sabagay, paano ko makikita kung may kasama siya, e naitulak na nga ako, diba? Muli nanaman kumonot ang noo ko nung naisip ko yun.
________
Hi, guys! TeamBabe where you at? May mga MikaSa pa ba dito? Please follow and comment below to let me know kung itutuloy ko pa ang story.
Your comments and suggestions are greatly welcomed!

BINABASA MO ANG
All Roads Lead Back to You
RomanceWhen two lives converge and separate, which road will bring them back together?