Chapter 7

130 7 2
                                        

Mika

Hindi na ako nag message kina Mommy na sa bahay ako uuwi ngayon. Surprise na lang, plus surprise din na may kasama ako. Ano kaya ang magiging reaction nila pag nakita nilang may kasama akong Lady Eagle? Haha

I told Aly to just park her car in front of our house, puno na kasi ang parking namin sa loob. "Okay lang ba to dito?" usisang tanong ni Aly. 

"Oo naman. Okay lang naman dito, basta single parking lang." paliwanag ko sa kanya. "Tara na sa loob." Patuloy ko.

Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga bago bumaba ng kotse. Medyo naguilty naman ako na ginabi na siya at napilitan dito sa amin matulog. Pero mas hindi ko rin ata kayang hayaang magbyahe siya mag isa nang gabi. 

Anyway, hinila ko na lang siya papalapit sa gate namin. Inilapag ko muna sa sahig ung mga pasalubong ko upang makapag door bell. 

Agad namang bumukas ang ilaw namin sa may pinto at lumabas na si Mommy para pagbuksan kami ng gate. "Surprise!" sigaw ko.

Habang papalapit si Mommy, binitawan ni Aly ang kamay ko. Hindi ko namalayan na magkahawak pa pala kami ng kamay. Unconsciously, pinilit ko palang bitbitin lahat ng gamit ko sa isang kamay at hawakan ang kamay niya sa kabila. 

"Mika! Hindi ka man lang nagsabi na dito ka pala uuwi," sabi ni Mommy na siyang pumutol sa aking iniisip. 

Nang mabuksan na ni Mommy ang gate, agad naman akong nagbeso sa kanya. "Ginabi na po kasi kami e." paliwanag ko, at sabay iginawi ang tingin kay Aly.

Luminga si Mommy patungo sa direction ni Aly, na siyang nasa may bandang likuran ko. "Good evening po, Ma'am," magalang na bati ni Aly.

"Mommy, si Alyssa Valdez po. Hinatid niya ako," sabi ko.

"Alyssa Valdez?" tanong ni Mommy na hindi makapaniwala. Parang na-starstruck pa ata ang aking nanay.

"Ma, opo. Pwede na ba kami pumasok?" pabiro kong sabi.

"Ay oo, pasok kayo. Ah Alyssa, feel at home ha. Tara, mag kwentuhan tayo, Naku nakakahiya wala akong handang pagkain," tuluy-tuloy na sabi ni mommy habang naglalakad kami papasok sa bahay.

"Ma, niyaya ko na rin siya na dito matulog ha. Gabi na po e," sabi ko.

"Ay oo naman. Iha, dito ka na matulog. Ipapaayos ko lang yung guest room." sabi naman ni Mommy.

"Sa kwarto ko na lang din siya matulog," agad ko namang sinabi.

Napansin ko namang napatingin si Aly nang sabihin kong sa kwarto ko na siya matutulog. Pero hindi na siya nagsalita.

Bumaba na rin mula sa kani-kanilang kwarto ang mga kapatid ko at si Daddy. At lahat sila ay nagulat nang makita nilang nakaupo sa salas si Alyssa.

"Oh my gahd! Si Alyssa Valdez nasa bahay namin!" sigaw ni Mikole. Aba, grabe naman tong mga kapatid ko. Hindi man lang ako pinansin.

"Uy nakakahiya, first time niyo ba siya makita?" saway ko sa kanila.

"Ay anjan ka pala ate. hahaha," sagot naman ni Mico.

"Ate Alyssa, pwede pa picture?" patuloy ni Mikole.

"Ah sure," nakangiting sagot ni Alyssa.

"Pero wag mo muna i-post sa social media ha?" paalala ko sa kanila.

"Oh ayan, kumain na lang kayo ng chichacorn galing Ilocos. Mommy, may pasalubong din po akong longganisa, bagnet, at bawang," sabi ko.

"At syempre, ang paborito ni Daddy na sukang iloko," sabi ko at saka lumapit kay Daddy para yumakap.

All Roads Lead Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon